"KIEL ikaw ba naglagay ng flowers dito sa desk ko?" tatlong linggo na rin siguro ang nakalipas mula ng mangyari ang play at patuloy akong nakakatanggap ng mga sulat at bulaklak mula kung kani-kanino.
"Ikaw ng sikat, di ako no. Feel mo ba may gusto ako sayo? Nakakaloka ka." Sabi nitong busy kakapindot sa cellphone.
"Kiel bading ka ba?" tiningnan sya nito ng masama na ikinatawa nya.
"Missy may gustong kumausap sayo." Si Stella.
"Oh? Sino daw?"
"Ako.." Nagulat sya ng makita si Clint.
"Boyfriend? You finally came back! Oh! I miss you so much!" Tuwang tuwa syang yumakap kay Clint, nawalan sya bigla ng pakealam sa paligid. Wala na syang nakikita maliban kay Clint.
"Let's talk, uhm. Kung okay lang?"
Napadpad sila sa isang di mataong lugar sa campus nila. Di kalayuan malapit sa building nito.
"Boyfriend ano ba yun?" Excited sya, actually kinakabahan ang exact term. hindi nya alam kung anung dapat nyang maramdaman ng oras na yun.
"Ah, hihingi lang sana ako ng favor. Baka kung pwede, h'wag mo na ako gaanong lapitan? I mean seriously. It's really annoying na kasi. Bigla-bigla ka na lang sumusulpot sa kung saan-saan. Palagi kang nakabuntot saken. Kung di mo naman mamasamain--" Pinutol ni Missy ang sinasabi ni Clint. Alam nya ang pinupuntahan ng bawat salita nito.
"Uhm sorry, I gotta go. May ibang araw pa naman siguro di ba? See ya. May klase pa kasi ako." Nagbeso sya dito. "Bye Boyfriend! I love you Clint Allen Francisco!!" Sigaw nya, pagtalikod nya saka nag-uunahang tumulo ang luha sa mga mata nya.
Dumiretso sya sa CR. Itinext nya si Kiel.
Nasa CR ako. Samahan mo ko sa clinic, em' really sick. Send.
Hindi ito nagreply, pero di katagalan ay may tumawag na sa pangalan nya.
"Woah. Anong nangyari?" Nataranta ito. Inalalayan sya sa paglalakad.
"He's breaking up with me." Ang mahinang iyak nya, ay unti-unting lumakas.
"Sssh. Baka imbis na na-impacho ka lang, ang isipin nila nabuntis ka at ako ang ama."
"Nakuha mo pang mag-joke? Nasa misery ang friend mo." Drama nya.
"No you're not. you're in hell." sagot naman nito. "Gusto mo sa auditorium tayo? Walang tao don, makakaiyak ka."
"Anywhere, as long as i can cry."
Nang makarating sila sa Audi ay Ikinwento nya ang pagtatangkang makipag-break ni Clint sa kanya. At kung paano nyang sinabotahe ang break-up na sana nila.
"Kung gustong makipag-break, edi sana pinagbigyan mo! Ang tanga mo sobra Missy! Sarap mong sakalin e."
"What am i gonna do? Its really hurt Kiel." Sumandal sya dito at humagulhol.
"Sssshh. Its fine, im here. Cry all you want, as long as this is the last."
"We've been together for 2 years, kung isasama mo pa yung crush ko pa lang sya. Ang tagal na, and then look at what happen. What happens to us?" Madramang sabi nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/1726500-288-k825319.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Baduy
Teen Fiction"Mahal na mahal kita Clint Allen Francisco!" Pero paano kung isang araw nagising na lang ito na ayaw na sa kanya? Matatanggap ba nya? O sadyang iba lang ang taong nakalaan para sa kanya .. -