Chapter Three

1.3K 28 1
                                    

"May shooting ka po tomorrow for your new advertisement, 7:30 am. And then may meeting ka with Boss Vic sa Wednesday. Tapos pina-follow up po ni Sir Paolo yung desisyon mo about dun sa interview na hinihingi nung writer na si...Ms. Kristine Angeles. And that's all your schedule for this week Ma'am," pagtatapos ni Dianne.

Masyado naman siyang pormal. Naninibago ako. Kunsabagay last week ko lang din kasi siya naging PA. Humingi kasi ng leave si Joey sa akin kasi na-hospital yung nanay niya at gusto niya siya ang mag-alaga sakanya. Yung baklang yun kasi ang PA ko simula pa noong unang araw ko sa showtime. Kaya sanay na ako na meme ang tawag niya sa akin. Temporary lang naman na papalitan niya si Joey. Hanggang sa gumaling lang si Tita Nina.

"Yun lang?"

"Yes po."

"Who's that Kristine again?" Nakakunot ang noong tanong ko. Inilayo ko ang phone ko sa mukha ko at sinalubong ang mata ni Dianne sa kaharap kong salamin. Napalunok siya at tiningnan ang hawak niya bago ulit tumingin sa akin.

"She's a known blogger Ma'am." sagot niya.

"If she's known then how come I never heard of her name before?" Nakataas ang kilay na tanong ko sakanya. Parang namutla naman siya at hindi alam ang isasagot.

"Charot. Ikaw naman masyado kang tense dyan. Relax ka lang. I don't bite."

I heard the others laugh at what I said. Parang nakahinga naman ng maluwag si Dianne sa sinabi ko. I even saw her smile a bit.

"How about next week?" Binalik ko ulit ang atensyon ko sa phone ko habang inaantay ang sagot niya.

"Simula na po ng taping ng episodes for Christmas Vacation." Napatango tango ako. Marami rami rin kasing araw ang bakasyon namin dun kaya kailangan habang maaga pa mag-taping na kami. Syempre kailangan din namin mag-prepare lahat with our families kaya dapat wala ring distraction or anything one week before Christmas.

"Sige. Thank You Dianne," sabi ko. Narinig ko naman siyang umupo sa sofa na nasa corner.

"Wow ang aga mo today ah. Himala." Sabi ng kapapasok lang na boses. Hindi ko na kailangan lingunin pa kung sino yun. Kilalang kilala ko kung sino nagmamay-ari ng boses na yun.

"Ano na naman ginagawa mo dito Ronnie? Bat di ka makipag-rehearse kasama ng ibang hashtags para naman for once in your life makasabay ka with them." Narinig ko ang pagpipigil ng tawa ng mga kasama ko sa dressing room. Si Macey hindi nagpaawat at tumawa talaga.

"Aray! Grabe ka naman! Basic lang naman yung steps eh so kayang kaya ko na yun," Depensa niya. Sus. Sinilip ko siya at nakita ko namang umupo siya sa sofa sa gilid ko.

"Kung hindi ka lang gwapo matagal ka ng pinatalsik sa hashtags." Sabi ko pa.

"Then I guess I have to thank my looks for saving me," Nag-pose siya at nagpa-pogi. Nakarinig ako ng hagikgik sa mga ibang baklang kasama ko. Si Ronnie naman tuwang tuwa sa reaksyon na nakuha niya sakanila.

"Uy Hi. You don't look familiar to me. Bago ka? I'm Ronnie by the way," I heard him say.

Na-curious naman ako kung sinong kausap niya kaya nilingon ko siya. Si Dianne pala. He's flashing his famous smile na talaga namang kinikiligan ng mga babae. He even offered his hand to her. Namula si Dianne sa atensyon na binibigay ni Ronnie sakanya. Ganun kasi talaga siya. Friendly at masayahin. Kaya nga others tend to misread his gestures as flirting.

"D-Dianne po," nauutal na sagot ng PA ko.

"Hoy Ronnie huwag mo ngang hinaharot PA ko. Sumbong kita kay Loisa eh," Pagbibiro ko. Isang banggit ko lang sa pangalan ni Loisa agad niya namang binawi kamay niya. Tinuon niya atensyon niya sa akin.

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon