Chapter Twenty Seven

670 23 6
                                    

"Ano namang alam ko sa bagay na 'to? Baka nakakalimutan mo kung gaano ako kaburara? So bakit sa akin ka nagpapatulong? Tsaka ang yaman yaman mo bakit hindi ka mag hire ng interior designer?" Sunod sunod na tanong ni Jaki ng dalhin ko siya sa condo ko. Actually ito iyong condo na binawi ko kay Law.

Wala naman akong balak na gamitin talaga itong condo pero dahil sa biglaang desisyon ko ay dito ko na dinala si Jaki. I want to distract her from whatever she's worrying about so ito na lang naisip ko. I lied and told her I need help in redesigning the place.

"Nagtitipid ako. Ayoko gumastos." Tipid kong sagot. Dumiretso ako sa couch at naupo doon. Naiwan si Jaki sa may pinto. Nakatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo.

"Wala akong alam sa pag-dedesign." Sabi niya.

"Help me. Please?" Sabi ko habang nakatingin sakanya. She sigh.

"Ang yaman yaman ang kuripot." Bulong niya pero nakaabot naman sa pandinig ko.

Tiningnan niya ang kabuuan ng condo. The walls are painted light blue. Favorite color kasi ni Law. Pati mga gamit ay pinaghalong blue at white.

"Ano bang favorite color mo?" Tanong niya habang nililibot ang condo.

"Black."

Tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay.

"What?" I ask.

"Hindi ko lang inexpect na ang isang katulad mo ay black ang favorite color."

I shrugged.

"Porket bakla ba ako dapat girly din favorite color ko?"

"Hindi yun ang ibig kong sabihin. It has nothing to do with your gender. Parang hindi kasi bagay ang black sa personality mo."

"Then what color matches my personality Jaki?" Tanong ko habang prenteng nakaupo sa couch.

Tiningnan ako ni Jaki mula ulo hanggang paa tapos tinitigan niya ako na parang nag iisip talaga siya.

"Yellow."

I furrowed my brows. Corny naman.

"Yellow talaga? Bakit?"

"You're like the sun. You makes everything light with your presence. Ang gaan mo sa mata."

Napangiti ako. I like that. Kahit ayaw ko yung kulay.

"Ikaw ginto." Sabi ko sakanya.

"Talaga?" Sabi niya. Tumabi siya sa akin at tiningnan ako.

"Oo. Kasi your heart is gold and you're very precious." I said while looking directly in her eyes.

"Dapat iniingatan ka. Kasi mahalaga ka parang ginto." Sabi ko ng hindi inaalis ang tingin ko sakanya. The words just poured out of my mouth.

"You're gold baby. Solid gold." I stated, saying the quote I saw at pinterest. I said it without breaking our eye contact. Napalunok si Jaki at dahan dahang umiwas. Tumikhim siya at tumayo.

"S-So uhm nauhaw ako wait inom lang ako." Sabi niya at pumunta sa kusina. I watch her go.

*****
I'm laughing while watching funny videos on youtube. Grabe sarap tumawa. Nakaka-goodvibes naman kasi mga pinapanood ko. Habang inantay na magloading yung ni click kong video ay napatingin ako kay Jaki. Nakadapa siya sa carpeted floor at ang atensyon at mata niya ay nasa laptop ko na nasa harapan niya. I put my phone down and remove my earphones. Parang mas nakaka-enjoy panoorin si Jaki.

Halos isang oras na rin mula nung hablutin ko siya at idala sa condo ko. Pinapa-search ko siya ng mga pwedeng maging design ng condo ko. Mukhang seryoso naman siya sa pinapagawa ko. Minsan ay kumukunot ang noo niya tapos kakagatin niya yung ballpen na hawak niya. She's so cute while doing those things. Hindi ko naman naiwasan makaramdam ng guilt. Hindi kaya masyado ko naman siyang pinapahirapan? Tumayo ako at pumunta sa kwarto. Tumawag ako at nag order ng pagkain. Pagkatapos nun ay lumabas ako. Tinitigan ko si Jaki. Sabihin ko na kaya na huwag na niya akong tulungan kasi hindi ko naman gagamitin yung condo? I sigh and decided that I will say it.

"Ja.."

Naputol ang sasabihin ko ng mag-angat siya ng tingin sa akin. Her eyes lit up.

"Vice tingnan mo 'to. I think it will look good for the walls." Halata ang excitement sa boses niya kaya hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko. Naglakad ako palapit sakanya at umupo sa tabi niya. Umayos siya ng upo at pinakita sa akin ang na-search niya.

"I like it." Sabi ko. Simple lang yung design and it look classy.

"Talaga? Mabuti naman." Nakangiti niyang sabi sa akin. She look at her phone and check the time. Mag seseven na ng gabi.

"Uuwi na ako. Bukas na lang natin pag usapan yung sa kusina mo."

"Babalik ka?"

Tumango siya. I hid my grin. Hindi ko na pala aaminin na nagsinungaling ako if it means makakasama ko si Jaki sa condo ko ng ilang araw.

"Huwag ka na muna umalis. I ordered food. Stay." I said to her. Tumingin siya sa akin. Hindi ko naman na kailangang pilitin siya.

"Okay." She said.

(Sorry sa dalawang sabaw na update. Siningit ko lang magsulat habang vacant huhu. Comment kayo para malaman ko feels niyo sa story ko at para mas mapaganda ko pa. Okay lang kahit negative comments (pero sana wala naman hahaha) Love you guys💋)

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon