"Good morning Ma'am Vice," nakangiting bati ni Manong Guard sa akin. Tiningnan ko siya at nginitian siya pabalik.
"Ay wala pong good sa morning lalo na at late na naman siya," sabat ni Macey sa tabi ko. Inirapan ko siya bago tumingin ulit kay Manong.
"Good morning rin po. Keep up the good work kuya." Nag thumbs up ako sakanya.
Tumuloy na kami sa loob. Si Macey bumubulong bulong pa rin sa tabi ko.
"Dianne pakitaboy nga yung bubuyog,"
"Ma'am? Saan po? Wala naman po ah," inosenteng sagot ni Dianne. Jusko naman 'tong babaeng ito. Di man lang marunong maka-gets.
"Ayan oh sa tabi ko. Bubulong bulong," sabi ko sakanya.
"Eh paano magagalit na naman si direk sayo. Ang kupad mo kasi kumilos."
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Sayo na rin nanggaling. Magagalit si direk SA AKIN. Hindi naman sayo. So anong anek mo dyan?" Kako sakanya.
"Di ba pwedeng maging concerned lang!"
Hay nako Macey. Napailing iling na lang ako at naglakad na ulit.
"Keri ko naman yung sermon ni direk eh. 5 minutes lang at tapos na. Hindi naman ako matitiis nun," sabi ko sakanya. Hindi na siya nagsalita pa.
Tsaka hindi ako si Vice Ganda ng showtime kung hindi ako late no.
Pagkarating namin sa dressing room ko ay agad na kumilos ang team ko. Sinabi ko na kay Fatima kahapon na ang gusto kong style ng damit ko ay pang-kpop. Iba na naman kasi ang kulay ng wig ko. White na siya. Kaya parang bagay ang buhok ko sa mga style ng koreans. Nagpalit na muna ako bago pumwesto para ma-make up'an na.
Narinig ko na ang intro song ng showtime hudyat na nagsimula na. Nilingon ko ang tv na nasa corner wall ng dressing room ko. Nataranta naman si Macey. Parang ewan talaga. Lagi naman akong late hindi pa siya sanay. Sa tagal tagal na niyang make up artist ko ewan ko ba sakanya.
Hahabol na lang ako sa FUNnanghalian. Patapos naman na ang make up ko. Siguro mga 15 minutes pa bago ang FUNnanghalian.
Pinanood ko ang pagpasok ng mga dancers. May hinanap ang mga mata ko. At nang makita ko siya ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang na-excite ako na ewan. Vice! Ano ba yang nararamdaman mo! Saway ko sa sarili ko.
Ngayon lang ako nanood ng sayaw ng mga showtime dancers na ang mga mata ko ay nasa isang tao lang. Pilit siyang sinusundan ng mga mata ko. Naiinis ako kapag hindi siya kita sa camera. Bakit ba kasi nasa gilid siya? Magaling talaga siya sumayaw. Halatang nag-eenjoy siya sa ginagawa niya. Napangiti ako.
Nung pumagilid na sila ay iniwas ko na ang tingin ko sa tv. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-scroll sa instagram. After 10 minutes ay tapos na ang make up ko. Lumabas ako kaagad at naglakad patungo sa backstage. Sakto lang ang dating ko kasi nakita kong nagpu-pwesto pa lang ang team girls at team boys sa likod. Nakita ako kaagad ni Vhong.
"Aba hanep ah. Absent na nga kahapon, late pa ngayon," pambungad niya sa akin.
"Lakampake," kako sakanya.
"Hi sis! I love your hair!" Sabi ni Anne na nasa tabi ni Vhong. Nang makalapit ako sakanila ay bineso ko si Anne. Kinutusan ko naman si Vhong.
"Aray!" Reklamo niya. Hindi na ako nakasagot dahil narinig na namin ang boses ni Tyang na nag-iintro na sa team boys. Nag-panic ako bigla ng maalalang hindi ko pa pala memorize yung sayaw namin. Nakita ko si Jugs sa side kaya bineso ko rin siya.