I was busy typing on my phone when I heard the elevator door ting. Ni-lock ko ang phone ko at nag-angat naman ng tingin. Nagulat ako ng makita ang nakasakay sa loob. Si Tom. Pumasok kaagad sa isip ko ang ginawa niya kay Jaki. My hands balled into fist. Kinalma ko ang sarili ko. May araw din itong kumag na 'to. Kung nagulat ako na nakita ko siya, mas nagulat ako sa naging reaksyon niya ng makita ako. He smirk when he saw me.
"Ate Vice." Sabi niya. I cleared my throat. I don't like the way he's looking and smirking at me. Nakapamulsa siya habang komportableng nakasandal sa wall. He look at me arrogantly and I badly wanna wipe that annoying smirk off his face.
"Tom." I said, my voice neutral.
Pumasok ako sa elevator at tahimik akong tumabi sakanya. Binigyan ko ng distansiya ang pagitan namin. Baka kasi hindi rin ako makapagpigil at masugod ko siya. Pinapakiramdaman ko lang siya. Lumipas ang isang minuto bago ko siya narinig na tumikhim.
"Ate Vice." Paninimula niya. Hindi ako sumagot. Inantay kong ituloy niya ang sasabihin niya.
"Gusto ko lang sanang mag thank you."
I turn my gaze at him and stare at him, my eyebrows almost touching.
"Para saan?"
Tiningnan niya ako at inismiran.
"For taking care of my Jaki. I appreciate you looking out for her while I'm not around."
Hindi nakaligtas sa akin ang pagbigay diin niya sa salitang my. Gusto ko siyang sabihan na walang sakanya! Wala na siyang karapatan tawagin si Jaki na kanya simula ng piliin niyang iwan siya. Umiwas ako ng tingin bago sumagot.
"You don't have to thank me. Jaki is my friend and she's special to me. Someone has to take care of her. Bobo na lang ang mananakit sakanya."
Tiningnan ko siya at nginitian.
"So ganyan mo ba ituring lahat ng friends mo Ate Vice? Hinahatid tapos binibigyan ng regalo halos araw araw?" Tanong niya ng nang-aasar. Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. I laugh at what he said. Tiningnan ko siya.
"Hindi tayo friends kung hindi mo alam kung gaano ako ka-generous sa mga friends ko Tom."
He smirk then he shrugged his shoulders.
"Siguro nga hindi tayo friends. Wala kasi akong friend na magkukunwaring bakla pero ang totoo nilalandi na pala girlfriend ko."
Kumuyom ang kamao ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago ito pakawalan. Tiningnan ko siya ng seryoso.
"Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin Tom?"
Ibinaling niya ang tingin niya sa akin. Kung kanina nakangiti pa siya, ngayon seryoso na ang itsura niya.
"Nag-enjoy ka bang agawin girlfriend ko Vice?" Diretsyahang tanong niya.
How dare he ask me that question. Nagtagis ang mga bagang ko. Hindi na ako nakapagpigil at kinuwelyuhan ko si Tom. Sinandal ko siya sa pader. Tiningnan ko siya sa mata. Gusto kong tumatak sa kokote niya ang bawat salitang babanggitin ko.
"Listen Tom. First of all, ex-girlfriend mo na siya. Second, hindi ko siya inagaw. I'm her friend and as a friend, I'm just looking out for her after her stupid ex-boyfriend dumped her. And lastly, hindi ko na kasalanan kung tanga ka at pinakawalan mo si Jaki. Now, huwag mo akong sisihin sa mga maling desisyon mo. Man the fuck up at akuin mo ang pagkakamali mo." I seethed through my teeth.
My jaw is clenched tightly. Pigil na pigil ako. Nakita ko ang galit sa mga nata niya. Tinanggal niya ang kamay ko sa kwelyo niya at tinulak ako. Nakita kong nagbago ang ekspresyon niya sa mukha. He looked mad just as I am.
"Hindi naman ako makikipaghiwalay kung hindi mo siya nilalandi at inaagaw sa akin! She's always with you than with me. Sinong hindi maiinis at magsasawa sa ganun? Ako ang boyfriend pero mas madalas pa kayong magkasama. Akala mo ba hindi ko alam na inaaya mo siya lagi sa condo mo? Wala na siyang time para sa akin! Lagi mo na lang inaagaw ang oras niya! Now kung ikaw ang nasa sitwasyon ko hindi ka ba maiinis? Huh?"
"Hindi ko na kasalanan kung nagseselos ka sa kaibigan ng girlfriend mo. We're just friends at ikaw ang nagbibigay ng malisya doon." Natawa siya na parang nagbibiro ako sa sinabi ko.
"Friends? Oh come on Vice! Akala mo maloloko mo ako? Nung una oo nagpapasalamat ako dahil sa ginagawa mo sa girlfriend ko. Pero habang patagal ng patagal napapansin ko na hindi naman na normal ang mga kilos mo. To think na bakla ka at nag uuwi ka ng babae sa condo mo. Now tell me sinong hindi makakaramdam at manghihinala doon? Lalaki ako at alam ko ang ibig sabihin ng mga galaw mo! Aminin mo na kasi na may gusto ka sakanya! " Kunot na kunot ang noo na sabi niya. Sumisigaw na rin siya.
Fuck this! What's the point of denying it? If that's what he wants then I'll give him the truth.
"You know what? You're right. Mahal ko si Jaki!"
"Pero kahit may nararamdaman ako sakanya nirespeto ko ang relasyon niyo Tom! Ikaw ang walang tiwala sakanya at nang-iwan. At ngayong ginago mo siya, I will do what it takes to win her heart."
Nirespeto ko ang relasyon nila ni Jaki pero nung tumarantado siya at iniwan si Jaki, I took that as my chance to show my feelings for her. Hindi ko na kasalanan na tanga siya at pinakawalan niya si Jaki.
"Eh di lumabas din ang totoo!" Galit na sabi niya. Pero makalipas ang ilang segundo, biglang nawala ang galit sa mukha niya. Kumunot naman ang noo ko sa naging ekspresyon niya.
"Pero alam mo? You love her or not, It doesn't matter anyway."
Umayos siya ng tayo at inayos niya ang damit niya. He looked at me. Ngumisi siya.
"Because tonight, I will claim back what's always been mine in the first place." Naglakad siya palabas sa kanina pa pala nakabukas na pinto ng elevator. Mabuti na lang walang taong pumasok at nakakita sa mga nangyari.
Natigilan ako sa mga sinabi niya. I was left dumbfounded. No No No. Fuck! He can't take her back! Hindi ko pa nga naaamin kay Jaki ang nararamdaman ko eh. Paano na yung chance ko?
Tangina! Kailangan kong maunahan si Tom. Pero ang tanong, kaya ko na bang umamin? At kung aamin ba ako, pareho kaya kami ng nararamdaman ni Jaki? Biglang umahon ang kaba at takot sa dibdib ko.
"What made you think na babalikan ka pa niya? You hurt her." Matapang sa sabi ko kahit na sa loob ko ay kabang kaba ako. Nakalayo na si Tom pero tumigil siya ng marinig ang sinabi ko. Umikot siya at humarap sa akin.
"She love me." Buo ang kumpyansa na sagot niya.
"How sure are you? Sinaktan mo siya. I was there beside her the whole time. The moment that you break her, up to when she's starting to heal."
Natawa siya sa sinabi ko.
"Oh please Vice. And you think mahuhulog ang loob ni Jaki sa sandaling nagkasama kayo? Nakalimutan mo na ba Vice? Lahat ng lalaking minahal mo hindi ka kayang ipaglaban at iniiwan ka. Sa tingin mo papatulan ka ni Jaki? Baka nakalimutan mong bakla ka." Nakangising sabi niya.
It felt like his words were knives that stabbed me in the heart. Fuck. Why did his words hurt me like this?
Hindi ko hinayaang makita niya ang sakit na dinulot ng mga binitawan niyang salita. Hindi ko pwedeng ipakita ang epekto ng mga salita niya. Hindi ako papatalo kahit hindi ako sigurado kung may laban ba talaga ako. I lift my chin up and look at him.
"Nakalimutan mo na rin ba? I made you insecure. You were threathened with me kaya ka nga nakipaghiwalay kay Jaki diba? Yes I'm gay. But remember this face, because this gay will be the one who will take Jaki away from you. I will make her fall hard until she can't even remember that you exist."
I told him without blinking. Hindi ako makapaniwalang nasabi ko iyon without my voice shaking. And then I walk away. Nang makalayo na ako sakanya, I felt my knees wobble. Nawala ang tapang ko. Napalitan ito ng mga emosyon na ayaw kong maramdaman.
I'm scared and unsure.
BINABASA MO ANG
Taking Risks (Book 1) [COMPLETED]
FanfictionIf I take a risk, would you do the same?