Chapter Thirty Two

633 25 1
                                    

"Still avoiding her?" Tanong ni Vhong sa tabi ko. Nasa isang event kami ng isang mutual friend namin. Opening ng resto niya at invited kaming dalawa. Uminom ako sa hawak kong beer bago sumagot sakanya. Pangatlong bote ko na ito.

"Oo."

Napailing si Vhong sa sagot ko. Nagsalubong ang kilay ko.

"What? Anong gusto mong gawin ko?"

Kumibit balikat siya.

"I dunno. But your idea of avoiding her is just funny for me. Palagi pa rin naman kayong nagkikita. Kung gusto mo talagang maka move on lumayo ka. Yung hindi mo talaga siya makikita."

"Gusto mo bang makasuhan pa ako?" Inirapan ko siya. Nakakontrata nga ako. Natawa naman siya.

"Bakit kasi gusto mo mag move on agad? Bakit parang ayaw na ayaw mo na mainlove kay Jaki?"

Tiningnan ko siya ng diretso sa mata.

"Kasi ayoko nito. Natatakot ako. I'm fucking gay Vhong. Super gay. And now I found myself inlove with a girl?"

I was almost frantic while saying those words to Vhong. Nakakapanibago naman kasi talaga. Magkagusto pa nga lang noon sa babae gulong gulo na ako. Tapos ngayon inlove ako sa babae? Shet ibang level na yun.

"Nandito na naman tayo sa topic na ito eh. At uulitin ko na naman ang tanong ko, so what if you're gay Vice? Why are you acting like it's the end of the world knowing that you fell inlove?"

Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa frustration. Hindi kasi ako maintindihan ni Vhong eh. Babae si Jaki. BABAE!!

"Anong gusto mong gawin ko, magtatatalon dahil narealized kong mahal ko na si Jaki?"

Dapat bang matuwa ako na nagmamahal ako ng taong may mahal na iba? Magpapaka-martyr na naman ba ako? This all new to me. Bakla ako tapos nainlove ako bigla sa babae?

Sabi ko nga hindi ko talaga alam paano i-handle itong nararamdaman ko kay Jaki. Is it the same when I loved guys? Definitely no. Ibang iba ito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I'm confused. And scared. Just like what I said before, I knew Jaki have the capability to break me.

"Isa lang masasabi ko Vice. Falling inlove is not a crime. Kahit anong gender ka pa nahulog. Love knows no bound."

He casually leaned back on his chair. Tinitigan ko siya. Parang wala siyang problema havang tinitingnan ko siya. I've always wondered about Vhong loving Anne. Hindi makwento si Vhong pero paminsan minsan kapag gusto niya ay naglalabas din siya ng saloobin niya. Pero that was like 3 years ago ata kaya hindi ko alam kung ano na nga bang nangyari sa feelings niya kay Anne. He said that he still love her. Grabe ang tatag ng pagmamahal niya kay Anne. Sana lahat.

"Bakit ikaw Vhong, hindi mo iniiwan si Anne so ibig sabihin ayaw mong mag move on?" Tiningnan ako ni Vhong at nginitian. Hindi siya nagsalita.

"Kahit may asawa na si Anne ayaw mo pa rin mag move on?"

Muli ay ngumiti lang siya. Bwisit na 'to pangiti ngiti lang.

"Bakit?"

Tumitig siya saglit sa basong hawak niya bago tumingin sa akin.

"Don't you have 'what ifs' Vice?"

"Syempre meron."

"Ako marami." He smiled. I wait for him to continue. I think this is the moment when he'll pour his heart out.

"Before Erwan even get to the picture, mahal ko na si Anne. Hindi sa pagmamayabang pero alam ko noon na may pag-asa ako kay Anne. Pero katulad mo, natakot rin ako. I got scared that once I pursue her, baka masira ang friendship namin. I treasure our friendship so much kaya hindi ko siya niligawan. Minahal ko siya ng patago at sa paraan na alam ko. I thought that was enough. Hindi ko naisip na pwedeng may iba siyang makilala at magpa-ibig sakanya. Nung dumating si Erwan sa buhay niya, mas natakot ako. Natakot ako na maagaw siya ng iba. I started to make move pero huli na ako kasi mahal na niya si Erwan." Ngumiti siya ng malungkot sa akin. Umiwas siya ng tingin at naging malayo ang tanaw ng tingin niya. Tahimik siya ng ilang segundo bago muling magsalita.

"What if I followed my heart? Siguro masaya ako ngayon kasama siya. Siguro akin siya. Ang dami kong what ifs Vice. At araw araw para akong pinapatay ng mga yun. Nagsisisi ako sa mga naging desisyon ko. Every day, I have to live with my regrets and what ifs. Pero hindi ko na maibabalik yun. Masaya siya kay Erwan at masaya ako na masaya siya. I accepted the fact that someone is making her happy and that someone is not me. Kaya yung tanong mo na bakit hindi ko siya iniiwan?"

Nilingon niya ako.

"Kasi mas mahalaga yung friendship namin kesa sa sarili kong pakiramdam. Ayokong maging selfish at may pagsisihan na naman. Ayokong wala ako habang inaabot niya yung mga gusto niya sa buhay. Paano kung dumating yung araw na hindi na siya masaya kay Erwan? Gusto ko nandito lang ako para saluhin siya kung dumating man sa punto na ganun. Gusto ko nandito lang ako habang inaabot niya yung mga pangarap niya kahit hindi na ako ang nasa tabi niya. Kahit nandito lang ako sa likod niya, nakaalalay, nag-aantay sakanya. Siguro nga I grown acustomed to the pain of loving Anne. Ang martyr ko. Nasasaktan ako pero wala eh, mahal ko siya kaya hindi ko siya maiwan." Tiningnan niya ako sa mata.

"What if kay Jaki mo pala mahahanap yung pagmamahal na pilit mong hinahanap sa mga lalaki, Vice? What if kaya hindi nagwowork yung mga past relationships mo dati kasi si Jaki talaga yung nakalaan sa'yo?"

My heart constricted in my chest with the thoughts. What if.

"Eh paano kung masaktan ako sakanya?" Balik tanong ko sa mahina na boses.

"Huwag kang matakot masaktan. That's part of loving someone."

"Paano kung hindi niya ako mahal?"

"Paano mo malalaman kung iniiwasan mo siya?"

"May boyfriend siya."

"Si Anne nga may asawa pero nandito pa rin ako umaasa." He chuckled.

"Hindi tayo pareho."

"Maybe you're right. Ayaw mo ba talagang subukan kay Jaki? What if it work?"

Ang kulit niya. May boyfriend nga si Jaki diba. Puro what ifs at ang tanging solusyon lang para malaman ay ang subukan at ang sumugal. Pero takot akong sumugal. It was like Vhong read my mind when he said,

"Don't be scared to take risks Vice. Huwag kang gumaya sa akin. I let my fear controlled me. So look at me now. Alone, pathetic and miserable." He smiled sadly at me. When he said those last three words? I really felt that as I stared at his sad, almost empty eyes.

(A/N: I'm thinking of making a VhongAnne story. Love ko din talaga sila eh. Kinikilig ako sakanila. Baka kapag natapos ko itong sa vicejack gagawa ako ng kanila pero short lang hahahaha)

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon