Chapter Thirty Eight

605 25 0
                                    

As soon as I got in to my van, I dialed Jaki's number. Muling pumasok sa isip ko ang sinabi ni Tom.

Tonight, I will claim back what's always been mine in the first place.

Kailangan hindi matuloy ang pagkikita nila. It can't happen. Hindi ako papayag na mawala ang chance ko kay Jaki. I just need more time to prepare before confessing my feelings to her. Ngayon, kailangan masiguro ko muna na hindi muling tanggapin ni Jaki si Tom.

Konting time pa Jaki. Wait for me. I'll confess to you at the right time and at the right place and I will show you that I can love you more than Tom did. Kailangan ko munang ihanda ang sarili ko sa posibleng mangyari kapag sumugal ako sa nararamdaman ko para sa'yo.

She's not answering her phone so I decided to go to her condo. Nagbabakasakali ako na nandoon siya. Nang marating ko ang condo niya ay kumatok ako ng limang beses. Walang sumasagot kaya inulit ko pa ang pagkatok ng ilang beses.

"Shit. Where are you Jaki?" Bulong ko sa sarili ko sabay sabunot sa buhok ko dahil sa frustration.

Naisip kong puntahan siya kina Rachel pero wala rin siya doon. Pinili ko na lang na antayin siya sa labas ng condo niya. I made some arrangement while waiting for Jaki. Sana hindi pa sila nag-usap ni Tom. Sana hindi pa ako huli. Halos dalawang oras din akong nag-antay nang sa wakas ay dumating na siya. I was relieved and also petrified at the same time.

"Vice?" Nagtataka na tanong niya ng makita ako. Tumayo ako kaagad. Pinagpagan ko ang pants ko at tumingin sakanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya at lumapit sa akin.

"Inaantay ka." Sagot ko.

"Kanina ka pa?" Kinuha niya ang susi sa bag niya at sinimulang buksan ang pinto ng condo niya.

"Hindi naman." I lied.

Sumunod ako sakanya papasok.

"Tara may pupuntahan tayo." I told her. Binaba niya ang sling bag niya sa couch at lumingon sa akin.

"Ha? Where?"

"Basta."

"Saan nga?" Pangungulit niya.

"Basta nga. Magbihis ka na." Sabi ko sakanya at tinulak siya sa direksyon ng kwarto niya.

"Iniistorbo mo na naman ako. This better be something good and exciting Vice. Kung saan mo man ako dadalhin." Pahabol niya bago pumasok at isara ang pinto ng kwarto niya.

After 20 minutes ay nakabihis na si Jaki. Paglabas namin ng condominium building ay hinagilap ng mata ko ang kotse na pinadala ko kay Manong. Naka-parked ito sa gilid kaya mabilis kong hinila si Jaki papunta doon. Habang nasa byahe kami ay kinukulit niya ako kung saan kami pupunta. Basta lang naman ang sagot ko sakanya. Hindi nagtagal ang byahe namin. Bumaba siya kaagad ng ihinto ko ang kotse ko.

"Dito?" Parang hindi makapaniwalang tanong niya ng makita kung saan ko siya dinala. I brought her to the hill which overlooks the city lights. Ilang beses ko na rin siyang dinala dito. Iniwan kong nakabukas ang headlights ng kotse ko para magkaroon ng liwanag. Pumunta ako sa compartment ng kotse at kinuha ang blanket at basket doon. Sana kumpleto ang mga pinadala ko kay Manang.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong niya habang nakatingin sa view sa baba.

"We'll just unwind. I think we both need some fresh air. Nakaka-stress magtrabaho eh." Sabi ko sakanya at nilatag ang blanket sa damuhan. I heard her slight laugh.

"At magpipicnic tayo." It was a statement.

"Yes. Ayaw mo?" Tanong ko at tiningnan siya. Umiling siya.

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon