"Ang tagal mo." Bungad ni Vhong sa akin ng itigil ko ang sasakyan sa tapat ng bahay niya. He opened the door and slid in to the passenger seat. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Nakikisakay ka na nga nagrereklamo ka pa. And by the way doon ka sa likod. Si Karylle diyan mamaya." Sabi ko sakanya.
He tsk-ed bago lumabas at lumipat sa likod.
"Syempre dapat hindi mo rin pinag-aantay yu–HOY." Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil napasigaw siya ng paandarin ko ng walang sabi sabi ang kotse ko. Hindi pa siya nakakapaglagay ng seatbelt kaya sumubsob yung mukha niya sa likod ng upuan ko. Tawang tawa ako habang tinitingnan siya sa rearview mirror.
"Tangina! Antayin mo naman munang magseatbelt!" Reklamo niya habang hinihimas yung ilong niya. Lagot na. Nagalaw ata yung pinaretoke niya sa ilong niya. Muli ay natawa ako.
"Dami mo kasing reklamo Navarro. Para kang babae." Sabi ko sakanya. Tumunog ang phone ko kaya sinagot ko ito gamit ang isang kamay ko.
"Where na you Vice?" Tanong ni K.
"I'm on my way na kurba. Wait for 5 minutes." Sabi ko sakanya.
"Okay! Ingat sa pagdri-drive." Napangiti ako.
"Yes po. Bye." Sabi ko at pinatay ang tawag.
"Asus. Kung makangiti naman 'to parang may gusto pa rin kay K ah." Inirapan ko si Vhong. Kontrabida talaga kahit kailan.
"Masaya lang ako kasi someone cares for me. Hindi katulad ng iba diyan nakikisakay na nga nagrereklamo pa." Pagpaparinig ko sakanya.
"Hindi na kaila–" I skidded the car to a stop and for the second time, napasubsob ang mukha ni Vhong sa upuan.
"Ano ba! Nakakadalawa ka na ah! Yung ilong ko gago!"
"Tarantado ka kasi magseatbelt ka na!" Natatawa kong sabi sakanya.
Puro reklamo lang ni Vhong tungkol sa ilong niya ang maririnig habang nasa byahe kami. Huminto ako sa tapat ng bahay nila K and I horn twice. Wala pang isang minuto ng bumukas ang gate nila. Lumabas si K kasunod ang asawa niyang si Yael. They hugged and Yael kissed her on her forehead before K approach the car. K met me with a smile as she slid in into the passenger seat.
Yumuko si Yael para matingnan ako mula sa driver seat.
"Take care of my wife Viceral. I trust you." Sabi niya sa akin. I smile and gave him a salute.
"Brad." Tumango siya kay Vhong.
"Pre." Sabi pabalik ni Vhong.
Kumaway si K sa asawa niya bago kami umalis.
"Vicey daan muna tayo sa restaurant. I'm hungry." Tumango ako sa sinabi ni Karylle. Ako din nagugutom. Mas maganda naman yung may laman yung tiyan namin bago kami mag party at uminom.
Buti nga ay pinayagan ni Yael si K na sumama sa amin without him. Usually kasi ayaw ni Yael na lumalabas si K ng hindi siya kasama. Binabakuran talaga asawa niya eh.
Matagal na rin na hindi kami lumalabas apat nila Anne, Vhong at Karylle. This night, it's just the four of us. Si Anne ang nakaisip na lumabas kaming apat. Okay lang naman sa akin dahil namiss ko rin silang kasama. Hindi na sumabay si Anne sa amin dahil si Erwan na daw ang maghahatid sakanya. Kung overprotective si Yael kay Karylle, mas doble si Erwan kay Anne.
Kung ako din siguro sila, talagang babakuran ko asawa ko. Magaganda kasi eh. Mahirap na maraming pumapaligid na mga lalaki. Kaya panigurado taga bakod kami ni Vhong mamaya sa dalawa para walang mga haliparot na mga lalaki ang lumandi kay Karylle at Anne sa bar.
BINABASA MO ANG
Taking Risks (Book 1) [COMPLETED]
FanfictionIf I take a risk, would you do the same?