"Hi Nay! Kamusta?" Bungad ko kay Nanay nang sagutin niya ang tawag ko through skype. It was Monday morning kaya nasa bahay pa lang ako. Namimiss ko na siya kaya I decided to call her.
"Okay lang naman ako dito anak. Sobrang lamig nga lang dito," Sabi niya. Agad naman akong naalarma.
"Magpatong ka kasi ng jacket. Huwag lang iisa. Baka magkasakit ka niyan." Nag-aalala kong bilin sakanya.
She's at Japan having her vacation. Hindi na siya masyadong umuuwi dahil inaasikaso niya ang business namin sa London. Ayaw niya sanang magbakasyon pero I insisted that she took a break. Ayoko namang puro trabaho ang inaatupag niya doon. I works hard para mabigyan siya ng maginhawang buhay at gusto kong i-enjoy niya ang mga pinaghihirapan ko.
"Yes anak. I already bought some awhile ago. Hindi ko inasahang ganito ang lamig niya dito. Pero in fairness anak may mga murang jackets akong nabili dito. I think ukay ukay iyong napuntahan ko. Ang mumura kasi," Namamanghang kuwento niya.
I chuckled. Kaya ko naman na siyang bilhan ng mga branded na damit pero hindi niya pa rin maalis ang ugali niyang pagiging matipid. Sinabi niya sa akin noon na mas komportable pa rin siya na paminsan minsan nagagawa niya ang mga bagay na nakasanayan niya noon. Hindi ko naman siya pinipigilan dahil masaya naman siya sa ginagawa niya. I will do anything just to make her happy.
"Ganyan talaga diyan Nay. November na kasi eh." Nakangiti kong sabi sakanya.
"Ikaw kamusta ka naman diyan Tutoy?"
Si Nanay Rosario lang ang pinapayagan kong tumawag sa akin ng Tutoy. I told her before to stop calling me Tutoy but she didn't like it. Ako pa rin daw ang Tutoy niya kahit si Vice Ganda na ako sa paningin ng iba. She said that Tutoy is her happiness. Kaya kahit nakakabawas sa pagkababae ko ang pagtawag niya ng Tutoy, hinahayaan ko siya. Sabi ko nga diba. I will do anything for my Mother's happiness.
"I'm okay naman Nanay. May pasok na naman later so I'm just enjoying my free time."
"Huwag ka masyadong magpapagod sa work ha. Huwag kang papagutom," Napangiti ako sa malambing niyang boses. Hay. I missed her so much.
"Opo. Miss ko na luto mo. Kailan ka ba uuwi?"
"Baka one week before Christmas anak. May kailangan pa kasi akong balikan sa London bago ako uuwi dyan. Hayaan mo pag balik ko lulutuan kita ng paborito mong sinigang." She smiled sweetly at me.
Napangiti ako ng malungkot. I really missed her.
"Miss ko na yakap mo."
Tinitigan niya ako bago ko marinig ang buntong hininga niya.
"May problema ka ano?"
Bumaba ang tingin ko sa kamay kong nakapatong sa hita ko. She really knows me well. Kapag nandito kasi siya sa bahay at may problema ako, papasok na lang ako bigla sa kwarto niya. Hindi ako magsasalita at bigla na lang yayakapin siya. Kahit hindi ko sabihin sakanya ay alam niyang may dinadala akong problema. Minsan sinasabi ko sakanya pero madalas sinasarili ko na lang. Ayoko ko kasing problemahin niya pa ang problema ko.
The truth is, she's right. May problema ako. Kapag ganitong malungkot ako hinahanap hanap ko talaga ang boses at yakap ni Nanay. Kaya lang ang hirap dahil ang layo namin sa isa't isa. Ayoko namang maging selfish at pauwiin siya dahil lang may problema ako at kailangan ko ang yakap niya.
Naalala ko ang nangyari kagabi. I saw him last night. Lawrence. Ang lalaking minahal ko ng sobra. Binigay ko sakanya ang lahat. Pumayag akong maging sikreto ang relasyon namin dahil yun ang gusto niya. Kahit gustong gusto kong ipagsigawan na mahal ko siya, hindi ko ginawa. Akala ko sapat na ang mga binigay ko sakanya pati ang pagmamahal ko pero hindi pala. Iniwan niya pa rin ako dahil hindi niya ako kayang ipaglaban. Nagbadya ang luha sa mga mata ko kaya mabilis akong huminga ng malalim para pigilan ito. Ibinalik ko ang tingin ko sa monitor. Ngumiti ako ng pilit.
BINABASA MO ANG
Taking Risks (Book 1) [COMPLETED]
FanfictionIf I take a risk, would you do the same?