"Ano may hangover pa?" Tanong ni Macey when he heard me groan for the nth time. Tumigil siya sa pag make up sa akin at tiningnan ako. I can feel my forehead knotting. Hindi lang kami ang nasa dressing room ko pero hindi ako nagpapigil sa inis ko.
"Ang gago kasi ni Paul! Ang lakas pala nang binigay na drinks kagabi sa akin. Ang lakas ng tama sa akin." I groaned once again when I felt my head pound. Tangina naman oh!
Macey chuckled.
"Akala ko ba hindi ka nalalasing?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Sino nagsabi? Nalalasing ako pero matagal lang ako matamaan. Tapos 'tong si Paul binigyan pa ako ng drink na siya mismo ang nag-mix."
I grit my teeth. Naalala ko na naman ang nagyari kagabi. Me and my gay friends had a night out last night. Nakasanayan na namin iyon basta bago mag end ang Christmas vacation. Kumpleto kasi kami at nagsisi-uwian ang mga nasa ibang bansa kaya memorable yun sa amin. Memorable nga yung kagabi pero in a very nasty way para sa akin.
Si Paul ang nakatoka na bartender. We played a game and then Yanny dared me to drink one of Paul's mixtures. Sinabi ni Paul na hindi ganoon kalakas but when a minute passed by, doon ko naramdaman ang epekto nito sa akin. Halos hindi na ako makatayo ng maayos tapos suka ako ng suka. Grabe talaga. I bet mukha akong tanga kagabi. Siguro nga may mga video na ako sa mga baklang yon. I don't remember much last night pero iche-check ko talaga mamaya kung may naka-save na video ko sa phone nila. Malilintikan ang mga nag-video.
"Eh bakit ka kasi pumayag?"
"Eh yun yung dare nila eh. Alangan naman umayaw ako. Duh. I don't do that. Tsaka hindi ko naman talaga in-expect na ganun kalakas yung tama nung binigay na drinks sa akin."
He just shrugged. Itinuloy niya ang ginagawa niya sa mukha ko habang ako nagngingitngit pa rin kay Paul. Bwisit yun! Lagot talaga sa akin yon pag nagkita kami. Kung ano ano kasi mini-mix. Feeling ko darating na lang yung araw na may mamamatay sa mga pinaggagagawa niyang drinks. Hindi mapagkakatiwalaan ang mga gawa niya. Dati naman hindi ganun kalakas eh. I'm not overreacting pero sobrang lakas talaga. I felt like dying last night.
I learned my lesson.
Kung ano anong nilalagay sa drinks. Hindi siya mapagkakatiwalaan. Huwag tularan si Paul.
"Asan ka ba kasi kagabi? Hindi ka sumama." Tanong ko kay Macey.
"Hinatid ko yung pinsan ko. Si Thalia. Bumalik nang Singapore." Napatango ako sa sinabi niya.
My head throbbed again at muntik ko nang hampasin ang dresser sa harap ko dahil sa sakit. Pati pagsasalita ay struggle dahil sa tuwing bibigkas ako ay parang mahihiwa ulo ko. Parang hindi ko yata kayang mag-trabaho today. Susubukan kong makiusap kay Direk na kahit sa Tawag ng Tanghalan na lang ako papasok. Ipapahinga ko muna ito. Dapat pala hindi na muna ako pumasok.
Sinilip ko si Dianne sa repleksyon ng salamin sa harapan ko. Nakaupo siya sa sofa malapit sa pinto at nakatutok sa phone niya.
"Dianne." I said to get her attention. Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin at umayos siya ng upo.
"Yes Ma'am?"
"Meron na ba si Direk?"
"Yes Maam." Napatango ako. Pupuntahan ko na lang siya mamaya.
Pagkatapos akong make up'an ni Macey ay dumiretso na ako kay Direk. Pinagbigyan niya ako na magpahinga pero hindi siya pumayag na sa TNT ako papasok. Dapat daw Ms. Q and A papasok na ako. Damn wala pang isang oras magiging pahinga ko. Pero okay na rin yun. Buti na lang pagbalik ko sa dressing room ko wala ng tao dun kaya nakapagpahinga ako agad.
BINABASA MO ANG
Taking Risks (Book 1) [COMPLETED]
Fiksi PenggemarIf I take a risk, would you do the same?