"Dude, there's a new girl here, want to know her?" Drake asked innocently. I just nodded, syempre bagong babae, bagong pagti-tripan. Every single day of my life, I spent my 24 hours flirting and laughing hard with girls in the club. Sino nga bang makakapag-akala na ang "PRINCE KIER LOPEZ" ay isa na ngayong sikat na model. Dati isa lang akong bi-nu-bully ng mga classmates ko back from highschool, pero ngayon sikat na sikat na ako.
"Dude, nakikinig ka ba?" tanong nito . Napasulyap tuloy ako sa kaniya. Umoo nalang ako kahit na hindi ko naintindihan ang sinasabi niya. Paglabas namin ng dressing room, nakasalubong ko ang mga photographer na galing pang ibang bansa. Ngumiti lang ako ng bahagya sa kanila at dumiretso na sa kinatatayuan ng aking manager. Pero tumigil muna kami sa kalagitanaan ng aming paglalakad.
"Nice, katabi pala siya ng manager mo. Baka yan na ang bago mong p.a. bro!!! She looks hot and look at her hips ang sexy sexy. Yung buhok alon alon pa, you must flirt her! I'm telling you popormahan ko yan.." he said while still pointing out the girl's back and her crazy hair. Yes, maganda ang katawan pag nakatalikod, pero pag-harap baka naman hipon ang muka.
"She looks simple. She's not pretty I guess..." sabi ko habang sinisipat ang babaeng yon. She looks mysterious. Biglang lumingon ang manager ko sabay tawag sa pangalan ko.
"Prince! Come here! Hurry up..." iniwan ko na si Drake doon, dahil bigla siyang hinarang ng rumor girlfriend niya. Sa mundo ng pagmomodelo, marami talagang isyu na hindi totoo pero minsan nagiging totoo. Gaya nalang nung, nabuntis yung kasama naming modelo...Ang sabi nabuntis daw ng boyfriend. Yun pala nabuntis ng manager ayun nasa america na dahil sa kahihiyan.
"Hi, Kai... What's new?" tumapat ako sa likuran ng babaeng kausap ni kai, my manager. Hindi kasi ito lumilingon sakin eh. Siguro gusto pang lapitan ko para lang mapalapit sakin.
"Meet Sunny Lee your personal assisstant. Siya na ang bahala sa maga schedule mo at mga susuotin mong damit".
Lumingon ang babaeng nasa harap ko, napatulala ako ng hindi ko inaasahan. When I saw her face, biglang bumalik ang lahat ng alalaala ko. Yung chinita niyang mata, matangos na ilong, her long and thick eyelashes that makes her face so perfect, lahat yon narefresh sa isipan ko. Bumalik pati yung sakit na matagal ko nang kinalimutan at tinakbuhan.
"Nice to meet you sir" inilahad niya ang kaniyang palad na para bang hindi niya ako nakikilala. She sent me sweet smiles from her thin lips. Siguro nga, hindi na niya ako nakikilala. Sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita... Siguro limot na niya ang lalaking iniwan niya five years ago.
Hindi ko pinansin ang kaniyang kamay na nakalahad sa akin, iniwan ko siya at hinigit si Kai at nagtungo kami sa tabi ng mga poste ng ilaw na nakalagay sa may dulong bahagi ng stage.
"Paalisin mo siya Kai, ayokong maging personal assisstant ko siya" sabi ko sa kaniya. Sino ba naman ang gugustuhing makasama ang isang taong naging parte ng malagim mong nakaraan. Ayoko na, ayoko ng balikan pa ang lahat ng iyon. Kinalimutan ko iyon.
"Wala na akong magagawa Prince. Kung may nagawa man siya sayo...It's your time para gumanti sa kaniya diba... Anyway muka namang wala siyang nagawa sayo, kaya dalhin mo na siya sa condo mo para malaman niya ang schedule mo pati dun mo narin siya patulugin. Wala kasi siyang bahay eh".
"Kai! Pe-" bigla niyang tinakpan ang bibig ko ng hawak niyang folder.
"Wala ng pero pero pa. Gawin mo na ang sinasabi ko, aalis na ako... Magkita nalang tayo bukas... Marami pa akong gagawin kaya bye na..." paalam nito at tumakbo na palabas ng malaking studio. Hays nako naman. Pero parang maganda yung naisip ni Kai, bakit nga kaya hindi ko siya gantihan. Ipararanas ko sa kaniya kung paano mapagod at masaktan pero sa ibang paraan. Let's see!