-Chapter ten-

30 2 0
                                        

SUNNY'S POV

When I woke up, I found my self smiling when I saw his face. Akala ko nananaginip lang ako, akala ko hindi totoo, akala ko iiwan niya ako pagkatapos ng nangyare but I'm wrong. Heto nga oh, yakap yakap niya ako. Hindi na kaya siya galit sakin? Nakalimutan na ba niya yung kasalanan ko sa kaniya? I hope so.

"I don't know how to explain things to you, pero sinisigurado ko sayo... Masasabi ko din sayo ang lahat sa tamang oras at pagkakataon..." I kissed his forehead. Mas gusto ko siya pagtulog, mas sweet siya pag-bagong gising, mas hot siya pag topless, at mas lalong cute pag-nakahalf smile.

Pinagsisisihan ko ang pagiging mahina ko noon, hindi ko man lang siya naipaglaban sa mga taong hadlang saaming dalawa. If only I was strong enough to face them, If only I was brave enough to fight, siguro hindi ko siya iniwan, siguro kasal na kaming dalawa... Pero siguro, hindi rin mangyayari yon.

"Staring at me is a crime, so if you don't want to be punish then don't stare. Okay?" he said half awake. Lagi nalang ba niya akong mahuhuling tumitingin sa kaniya pag natutulog siya? Ang lakas naman ng instinc eh. Hindi ba pwedeng titigan siya?

"S-sorry!" sabi ko sabay talikod sa kaniya.

"Oh, bakit ka tumalikod? Hay...." nagpakawala siya ng malakas na buntong hininga. Ganiyan siya kapag naiinis... Eh diba sabi niya wag akong tumitig, edi tatalikod nalang ako!

"You know what, I didn't expected that..." he playfully kissed the back of neck. Grabe, parang gusto pa nito ng round two.

"Expected what?" I questioned.

"That... You and me... In one room, sharing one bed... Just like before..." he whispered while caressing my belly. He's right, just like before. I'm so young back then, hindi ko pa alam ang salitang katangahan noon. I was madly inlove with him, I gave him my everything and as  return he gave me his everyting too.

"Bakit ka ba umalis noon? Why did you left? Is there someone else?" he questioned. Napapikit ako ng madiin nang marinig ko ang tanong niya. Sasagutin ko ba? O iiwasan ko nalang sagutin? Ano bang tamang gawin?

"Don't answer it, if you don't want... " he said. He suddenly jumped out of bed at pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig. I ruined it! I absolutely ruined everything!

"Galit ka ba?" I asked. I sat up and covered my face with my hands. I don't want to see his reaction.

"No" he replied. "Magbihis ka na, hinahanap ka na ng mama mo. Kahapon pa..." he added. Ibinigay niya sakin yung damit ko.

--

"Papa!" sigaw ni King nung makita kami ni Kier na papalapit sa bahay. Papa? Napatingin ako kay Kier pero hindi ito tumitingin sakin.Galit nga yata siya dahil hindi ko sinagot yung tanong niya.

Tumakbo si King papalapit samin, I was ready for a hug pero hindi naman pala sa akin yayakap ang anak ko, kay Kier pala ang punta. Asar naman.

"Papa, nagugutom ka na po ba? Halika na po sa loob, naghanda kami ni Lola ng pagkain para sayo..." sabi ng anak ko. Somehow, nakakapagselos! Pero ayos lang, atleast masaya naman ang anak ko. Ngayon ko lang ito nakitang nakangiti. Siguro nga, kailangan talaga ng bata ang pagmamahal ng isang ama. Akala ko ayos na basta kasama niya ako pero iba parin talaga kung may ama siya. Sana nga lang matanggap siya ng ama niya pag naipagtapat ko na ang katotohanan.

"RINGGGGGGGG....RINGGGGGGGG"

"Wait lang, I just need to answer my phone... Excuse me" sabi ni Kier, lumayo ito ng bahagya sa amin. Siguro sobrang importante ng tawag na iyon, kasi kinalingan pa niyang lumayo. Anyway sino ba naman ako pag mang-usisa diba?

"Tara pasok na tayo sa loob nang makapag-umagahan ka na, alam kong gutom ka" sabi ni mama. Parang may kung anong ibig sabihin si mama sa sinabi niya eh. Alam ba niyang may nangyari sa amin ni Kier? Hmm.. Praning lang ako!

"Mama, gusto ko po siya na ang maging papa ko" sabi ni King habang nakangiti sakin. 'Oo, anak, gusto ko nga din eh. Kung pwede nga lang... ' Kung pwede ko lang sanang sagutin ang hiling ng anak ko gagawin ko. Pero sobrang complicated eh.

"Sunny..." napalingon ako sa likuran ko.

"I need to go right now. Kung gusto mo pang magstay, I'll let you stay..." he said with serious face, dumiretso ito sa kwarto ko. Siguro aayusin na niya yung mga damit niya.

"Anak, sumama ka na sa kaniya. Linawin mo na lahat. Ayokong magsisi ka sa huli, naiintindihan mo ba?" sabi ni mama.

"Pero ma, paano naman ang anak ko?" paano si King? Kung aalis ako, baka matagalan bago ako makabalik. Sinong mag-aalaga sa kaniya?

"Aalagaan ko si King, wag kang magaalala. Basta ayusin mo na yang buhay mo. Dapat maging masaya ka na... Okay?".

I let out a sigh before nodding. Tama si mama, kailangan ko nang ayusin ang buhay ko. Kailangan ko ng ipagtapat sa kaniya ang totoo. Tama.

I went inside my room, I found him busy arranging his clothes. Kaunti lang naman ang dala niya eh, kaya mabilis siyang natapos sa pag-eempake.

"Hindi mo na kailangang mag-goodbye..." he said without looking.

"I'm going with you..." napahinto ito sa ginagawa niya.

"Paano si King?" he faced me.

"Aalagaan siya ni mama... At isa pa, I need my job to support my child... So sasama ako..." sabi ko sabay kuha ng bag at naglagay ng ilang damit na dadalhin ko papunta sa manila.

"Okay..." he said.

Sasabihin ko na talaga sa kaniya ang lahat lahat pag dating namin sa manila. I would tell him everything, simula sa pinaka-una hanggang sa pinaka dulo ng istorya. Aaminin ko na sa kaniya ang katotohanan. I think it's the right time to tell him the truth, ayokong magsisi ulit at magdusa. Kung hindi man niya matanggap ang katotohanan, ako na mismo ang lalayo at hindi na ako muli pang magpapakita sa kaniya. Ayokong masira ang buhay niya.

Falling FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon