-Chapter four-

35 4 2
                                    

SUNNY'S POV

Nasa labas ako ng condo ni Prince, iniintay ko siyang umuwi na. Umalis kasi siya kaninang umaga, pagkatapos niyang itapon ang inihanda kong pagkain at basagin ang baso. Pinilit kong huwag umiyak ng oras na iyon pero nabigo ako. Tapos tinulak pa niya ako, napahiga tuloy ako at naramdaman ko ang bubog na tumusok sa aking kaliwang braso. Kagat labi kong tiniis ang sakit.

"Hoy babae!!!" napalingon ako sa gawing kanan ko at nakita ko si Prince na pagewang gewang na lumalakad. Medyo namumula ang kaniyang muka, nakainom ba siya?

Agad akong tumayo para tulungan siya, hinawakan ko siya sa kaniyang tadyang saka dahan dahan ko siyang inalalayan papasok sa kaniyang condo. Amoy na amoy ko ang matapang na amoy ng alak sa kaniyang hininga.

"Ano ka ba naman Prince... Hindi ka naman dating ganyan... Ano bang nangyayare sayo?" hindi ko inaasahang lalabas iyon mula sa aking labi.

"Bitiwan mo nga ako!" kahit hindi na siya halos makatayo dahil sa sobrang kalasingan nagawa parin niyang ituon ang kaniyang mga kamay sa pader. Hinarangan niya ako, ngayon magka-face to face kaming dalawa. Hindi ko magawang tumingin sa kaniyang mga mata ng diretso.

"Anong nangyayare sakin?  Hindi mo alam? All this time, simula nung iwan mo ako... Naging miserable na ang buhay ko. I flirted every girls I saw in the club but no could ever give me the satisfaction! Dahil iyon sayo! Kinamumuhian kita..." he cried on my shoulder. Sa mga narinig ko, hindi ko na nagawa pang gumalaw, parang namanhid na ang buo kong katawan. Nanghina ang aking mga tuhod.

"Bakit ka ba bumalik? Para ano pa ba Sunny? Para malamang nabubuhay parin ako sa nakaraan?" sa bawat tanong niya, tanging luha lang ang nagiging tugon ko sa kaniya. Gusto kong magpaliwanag pero parang umurong na ang aking dila.

"Mahal na mahal parin kita Sunny Lee" bigla niyang hinawakan ang aking magkabilang pisngi at binigyan ako ng isang halik, napapikit ako. Sinasabi ng isip ko na mali ang nangyayare pero iba ang sinasabi ng puso ko. I felt so right. Ang matikman muli ang kaniyang labi, ang mahawakan ang kaniyang pisngi, ang lagi kong ipinagdarasal sa maykapal.

Sa isang iglap ay biglang nawala ang kaniyang prisensya. Napamulat ako ng mata, nakita ko siyang lumalakad papalayo sa akin. Gusto ko siyang habulin ngunit parang hindi kaya ng aking mga paa na maglakad. Napaupo nalang ako sa sahig, dahil parang hinigop ng halik na iyon ang lahat ng aking lakas.

Hinawakan kong muli ang aking labi at dinamdam ang bawat sandali noong nakadikit pa sa akin ang kaniyang labi. Kung panginip man ito, sana bukas ganito ulit

PRINCE KIER'S POV

I woke up with great head ache! Napatulala ako sa kisame habang biglang pumasok sa utak ko ang muka ni Sunny. Ewan ko ba, pero napanaginipan ko kasi siya. Hinalikan ko daw siya, pero hindi ko alam kung panaginip lang ba o totoo na. Napahawak ako sa aking labi, para kasing totoo eh. Pero siguro nga isa lang iyong panaginip. And paano iyon mangyayare e ni-hindi ko nga siya kayang tingnan ng matagal eh.

"Sir Prince..." napatayo ako ng marinig ko ang boses niya. Napasapo ako sa aking noo. Ano bang kailangan ng babaeng yon? Lagi nalang akong tinawag. Bumangon na ako ng tuluyan at pinagbuksan siya ng pinto.

"Ano?" iritable kong tanong sa kaniya.

"Sir tumatawag po ang manager nyo" sabi niya sabay abot sa akin ng phone. Tsk! Bakit nasa kaniya ang cellphone ko?

"Bakit na sayo 'yang cellphone ko? Marunong ka na din bang magnakawa?" marahas kong kinuha ang phone ko mula sa kaniyang kamay sabay tulak sa kaniyang braso. Pabagsak kong sinara ang pinto. Sana mabingi siya sa lakas ng pagsara ng pinto.

I answered the phone.

"Hello Sunny... Nagising mo  na ba si Prince?" Sunny? Kailan ba nabago ang pangalan ko?

"Sunny ka dyan... Si Prince 'to... Ano bang kailangan mo?" tanong ko. Nakakainit ng ulo kapag- naririnig ko ang pangalan ng babaeng yon. Nakakainis.

"Bakit na sayo ang phone ni Sunny? Hmm... Anyway, cancel ang shooting ngayon... Kaya bukas agahan mo ha...." sabi ni Kai.

Bakit nasaakin ang cellphone ni Sunny? Unti unting nagregister sa utak ko ang sinabi ni Kai. Phone ni Sunny ang hawak ko? Shoot! Pero para makasiguro tiningnan ko ang mga litrato sa kaniyang phone. I found a folder named 'Sweet Memories'. Dahil na-curious ako, binuksan ko ito and I saw couple of pictures. Nakita ko yung old picture namin. Tinatago parin pala niya. Pero akala ko ba hindi niya ako nakikilala? Then why? Bakit meron siyang picture naming dalawa?

#comment.vote.or just simply read.

if you want dedications just simply follow or vote. Ty!!!

Falling FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon