-Chapter two-

37 4 2
                                    

PRINCE KIER'S POV

Araw ng photo shoot ko ngayon and unang araw din ng aking paghihiganti. Muka lang naman talaga siyang insente pero ang totoo nasa loob ang kulo. Akala niya basta basta ko nalang papalampasin ang lahat ng nangyare after five years? No way!!! Puputi muna ang bulok na nginpin ng manager ko bago mangyare yon. Hinding hindi ko siya mapapatawad.

Napatingin ako sa gawing kaliwa ko, nakita ko si Sunny na nakikipagkwentuhan kay Drake. Aba ka-bago bago lang dito eh, pampam na! Talagang malandi eh. Anyway, bakit pa nga ba ako magtataka, kaya nga niya ako iniwan para sa ibang lalaki eh. Hay nako. Masira nga ang paguusap nila.

Lumapit ako sa kanila at humarang sa gitna nila. Napatingin sakin si Sunny at bakas na bakas sa kaniya ang pagkagulat. Inirapan ko lang siya at saka kumuha ng 1000 pesos sa aking pocket. Tinapat ko sa muka niya iyon, para malaman niyang mayaman talaga ako.

"Buy me iced coffee..." hinulog ko ang pera sa tapat niya. Ano siya hilo... Bakit ko iaabot ng maayos ang pera ko eh hindi naman niya inalagaan ang puso ko. Hinayaan niya lang na mahulog at mabasag. Tinalikuran ko na sya at hinarap naman ang kire kong bestfriend.

"Alam mo Drake tinatawag kana ng manager mo... Kanina pa. Mala-dragon na nga e..." sabi ko kahit hindi totoo. Ayoko lang na lumalapit siya kay Sunny, naiinis ako. Baka mahulog ang loob niya kay Sunny at baka masaktan lang siya. Iyon ang tanging inaalala ko.

"Sige Sunny, ingat ka ha. Maraming tambay diyan sa labas ingatan mo sarili mo..." sabi ni Drake kay Sunny. Aba at hindi man lang pinansin ang effort kong kausapin siya? Ang sama netong lalaking 'to.

"Sige po sir Drake. Salamat sa pagaalala, magiingat po ako!" she gave him a smile. Pero bigla akong humarang at hindi na iyon nakita ni Drake dahil nagmadali na siyang umalis para puntahan ang manager niya.

"Alam mo sobrang uhaw na ako. Ngi-ngiti pa eh. Tama na ang kalandian... Bilisan mo bumili kana!" I told her the truth. Ano namang masama sa sinabi ko eh totoo naman eh. Pero parang nakakaramdam ako ng guilt ng magtama ang mata namin kay bigla ko din siyang inirapan.

"Sige po.." sabi nito at agad kong narinig ang kaniyang mga hakbang papalayo sakin.

Tama lang yung sinabi ko. Malandi naman talaga siya eh. She's a flirt and I hate her. Nakakainis talaga. Kahit na alam kong tama ang ginawa ko may parte parin sa puso ko at sa utak ko na nagsasabing magsorry ako sa kaniya. But NO!!! Hindi ko pwedeng pairalin ang pagka-maawain ko. I need to be tough... Tough as steel.

SUNNY'S POV

Ganon pala ang tingin sakin ng taong pinaka-mamahal ko. Mas pinili kong iwanan siya para hindi siya mas lalong masaktan pero sa nakikita nagagalit siya sakin. May poot siya. Kahapon, mas pinili kong kunware hindi ko siya kilala para hindi ako mahirapn sa pakikitungo sa kaniya. Pero sa tuwing natatanaw ko ang kaniyang muka hindi ko maiwasang masaktan at bumalik sa nakaraan. Sobrang sakit parin at sobrang sariwa parin ang sugat na ako mismo ang nagdulot sa sarili ko. Kung naging malakas lang sana ako noon, kung nasabi ko lang sana ang katotohanan... Edi sana hindi siya nagagalit sakin ngayon.

"Ang tunay na babae hindi pinapakita ang kaniyang mga luha... Heto, punasan mo ang luha mo" a man's voice interrupted me. Napatingin ako sa lalaking biglang tumabi sakin at iniabot ang kaniyang panyo. Nasa coffeehouse kasi ako, umupo muna ako habang hinihintay ang in-order kong iced coffee para kay Prince.

"I know, I know... You don't talk to strangers. So I'm Tristan Perez and you are?" he's kinda cute at nakakapagpagaan ang kaniyang matamis na ngiti. Pansin kong hindi siya plastic na tao.

Sasabihin ko na sana ang pangalan ko ng biglang dumating ang waitress dala ang order ko.

"Excuse me miss. Eto na po ang order niyo. Salamat po" sabi ng waitress sabay abot sakin ng sukli. Tumayo na ako agad dahil naalala ko si Prince baka uhaw na uhaw na yun.

"Sige mr. Perez kailangan ko nang umalis. Salamat" sabi ko sabay takbo palabas ng coffeehouse.

Pumasok agad ako sa studio, sa 4th floor pa yun kaya dumiretso ako sa elevator pero puno na. Balak ko pa sana maghintay kaso paano si Prince. Nako bahala na nga, tinakbo ko ang hagdan at nagmadaling umakyat. Sana makaabot ako.

Ilang minuto ang lumipas, nakarating ako sa studio. Nakita ko sa Prince na naka-upo sa kaniyang upuan habang naka-rayban. Siguro natutulog ito. Lumapit ako gn dahan dahan sa kaniya.

"Sobrang late. Ano ba naman Sunny! Yan nga lang ang iniutos ko sayo, hindi mo pa magawa ng tama"  sabi nito at ramdam na ramdam ko ang pagpipigil niya ng galit. Hindi ko naman kasalanan na matagal ang service sa coffeehouse na iyon ah. Hindi ko din naman kasalanan na matagal ang elevator. Kung pwede ko nga lang idahilan yon eh. Tsk!

"Sorry Sir...".

"Sorry? Hindi maaalis ng simpleng sorry lang ang sakit ng ginawa mo sakin..." nung sabihin niya ang mga salitang iyon parang may biglang tumusok sa aking puso. Sobrang sakit sakin na kahit ilang taon na pala ang lumipas hindi parin niya ako kayang patawarin. Kung alam lang sana niya ang totoo.

"Anyway... Itapon mo na yan. Ayoko na niyan... Gusto ko ng umuwi" sayang ang binili ko. Hays, nagbago na talaga siya... Kasalanan ko naman eh.  

"Ako nalang ang iinom niyan Sunny, para hindi naman masayang ang pagod mo" napatingin ako sa likuran ko. Para talagang kabuti itong si Drake. Basta basta nalang sumusulpot.

Ia-abot ko na sana kay Drake ang binili kong iced coffee nang biglang hatakin ni Prince ang kamay ko at kinuha ang iced coffee. Nagsalubong ang kilay ni Drake.

"Akala ko ba ayaw mo? Tapos ngayon bigla mong kukunin..." galit ang tonon ni Drake. Sino nga naman bang hindi magagalit sa ginawa niya, kukunin na sana ni Drake tapos bigla niyang aagawin. Hay.

"Masama bang gustuhin ko na... Bigla akong nauhaw eh..." sabi nito. Nginitian ko nalang si Drake.

"Hoy babae... Get my car in the parking lot... Hihintayin kita sa baba okay?" binato niya ang susi niya at tinamaan ako sa noo. Grabe, nakakasakit na talaga siya. Pero tama lang siguro ang ginagawa niya, nararapat lang ito sa isang taong mahina. Tama lang. Titiisin ko nalang ito, tutal ginusto kong mapalapit ulit sa kaniya. Tama lang.

"Sana lang, this time... Hindi mabalewala ang paghihintay ko..." narinig kong dugtong nito. Lahat nalang yata ng bagay, irerelate niya sa past naming dalawa. Sana isang araw masabi ko sa kaniya ang tunay na dahilan ko kung bakit ko nagawa ang bagay na iyon.

#comment.vote.or just simply read.

salamat po!!!! Na-a-appreciate ko po!!! <3<3<3

Falling FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon