-Chapter nine-

25 2 0
                                    

PRINCE KIER'S POV

Nailibing na yung tatay ni Sunny kahapon, sobrang tahimik na sa loob ng bahay nila. Umalis si Sunny, hindi ko alam kung saan nagpunta, siguro napaka-lungkot niya. Si King naman, nasa kapatid niya.

"Kier, maari mo bang hanapin si Sunny sa likod-bahay, nagaalala na kasi ako. Kanina pa wala ang batang iyon, baka kung ano na nangyari..." pakiusap ng nanay ni Sunny sakin. Bakas na bakas sa muka niya ang labis na paghihinagpis. Wala mang luhang tumutulo, kitang kita naman sa kilod nito.

Tumango nalang ako saka dumiretso sa back door. Mayroon palang maliit na kwadra dito. Mayroong mga kabayo at mga kambing sa paligid. Naglakad pa ako patungo sa isang maliit na burol, sa gitna ay mayroong isang malaking puno. Medyo malayo layo na ako bahay nila Sunny.

Nakita ko siya doon, nakaupo sa lilim ng puno. Nakatalikod ito kaya hindi niya ako mapapansin kung lalapit ako sa kaniya.

Umupo ako sa likuran niya at niyakap siya mula sa likod. Warm drops of water fell on my hand. She's crying. Mas nilapit ko pa siya sakin, I tried to comfort her, sana nga marunong akong magcomfort ng umiiyak na babae.

"B-bakit ka naandito... Doon ka na sa bahay..." sabi nito habang inaalis yung braso ko na nakayakap sa kaniya. Pero hindi ko hinayaan na tanggalin niya yun, mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya.

"You need me right now, so here am I... Kaya wag mo na akong ipagtabuyan... Umiyak ka lang kung gusto mo, pero hindi ako aalis dito" matigas kong tugon. Kahit anong gawin niya, hinding hindi ko siya iiwan. Hindi ko gagayahin yung ginawa niya sakin.

"Kier... I'm sorry... I'm so sorry!" she mumbled between each sobs. I kissed the back of her neck, sana maging comfortable siya sa ginawa  ko.

"For what?" hindi naman ito ang tamang panahon para mag-sorry siya diba?

"For everything... For--" iniharap ko siya sakin, saka ko dinampi ng bahagya yung labi ko sa labi niya. Hindi ko na kailangan pang marinig ang explaination niya. Ang mag-sorry siya ngayon ay sapat na, makakapaghintay naman ang yun.

"Hug is enough... Next time ka nalang magpaliwanag..." sabi ko. Alam ko naman nagsisinungaling lang siya nung sabihin niyang hindi niya ako kilala eh. Anyway, mas napalapit ako sa kaniya.

She hugged me and I hugged her back. Umiiyak parin siya, nababasa na nga yung suot kong polo eh. Pero ayos lang basta ba sakin lang siya umiiyak. Ayokong may umaaligid sa kaniya, gusto ko ako lang ang nasa tabi niya sa tuwing malungkot siya.

Kumalas ako sa pagkakayakap, I cupped her face and wiped her tears away. Tumingin siya baba, para bang iniiwasan niyang tingnan ako. Bakit? Dahil ba sa sobrang gwapo ko?

"A--" may sasabihin sana ako kaso biglang bumuhos ang isang malakas na ulan. Napatayo kami ng biglaan.

"Tara... Dali ang lakas ng ulan!" sabi niya sabay higit sa kamay ko. Dinala niya ako sa isang cabin sa gitna ng maliit na gubat. Malayo layo na rin kasi kami sa bahay nila kaya at ito lang ang nakita naming malapit.

Falling FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon