SUNNY'S POV
"Ang hirap talagang makasama ang isang taong malande" bumuntong hininga si Prince na para bang hirap na hirap siya. Samantalang hindi naman siya nagbubuhat ng kahit na ano. Nasa tapat na kami ng pinto ng kaniyang condo, pumasok siya sa loob at isinara ang pinto. Hindi man lang ako hinintay na makapasok, ang sama na niya talaga. Ibinaba ko muna ang hawak kong mga damit niya at ilang box ng sapatos saka ko binuksan ang pinto.
"Sir saan ko po ito ilalagay?" tanong ko.
"Sa restroom para cool sila don. Tanga ka ba? O nagtatanga-tangahan... Ilagay mo yan sa sofa" kung makapagsalita siya akala mo kung sino. Kung hindi ko nga lang siya gustong makasama eh, siguro matagal na akong umalis dito. Grabe, sobrang nakakasakit ang mga words na pinakakawalan niya.
"And one more thing... Wag mong akitin ang bestfriend ko ah, hindi ka maganda at wag ka ding ambisyosa. Siguro nga napa-ikot moko noon pero not this time" he sneered and it hurts. Ako lumalandi? Ako pina-ikot siya? All this time yun ang nasa isip niya? Parang gusto ng tumulo ng luha ko habang nakatulala sa kaniya. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayare sana pala hindi na ako nagpumilit pang bumalik sa kaniya. Ang sakit sakit talaga.
"A-ano po bang ibig nyong sabihin? Pinaikot ko po kayo? Pero paano po eh ngayon ko lang po kayo nakilala..." I lied. I don't want more heart aches. Mas mabuting isipin niyang hindi ko talaga siya kilala.
"Never mind... Dyan ka matutulog sa couch... Bawal kang pumasok sa loob ng kwarto ko..." sabi niya saby irap na naman. Saktong pagpasok niya, tumulo ang kanina ko pang pinipigil na mga luha. Napahinga ako ng malalim saka ko tinakpan ang bibig ko. Ayokong marinig niya ang aking mga hikbi. Ayokong malaman niyang naaapektuhan ako sa mga sinasabi niya.
--
PRINCE KIER'S POV
Bakit siya ganon? Hindi ba siya na-aapektuhan sa mga sinabi ko? Tuod na ba siya? Manhid na ba ang damdamin niya? Dapat umiiyak na siya ngayon... Yung ibang babae nga masabihan lang ng panget oa na eh. Pero siya sinabihan ko na ng tanga wala parin. Nakakainis. Gusto kong makita ang luha niya... Gusto kong makitang nasasaktan siya, gusto kong magsawa siya.
At saka, bakit hindi niya alam ang sinasabi ko? Nagka-amnesia ba siya? O baka naman umaarte lang na hindi niya ako kilala dahil na-gi-guilty parin siya sa nangyare samin noon. Pwes kung umaarte lang siya humanda siya sakin... Ipapaalala ko sa kaniya ang lahat ng hapdi sa pagitan naming dalawa.
--
Nagising ako sa liwanag na nagmula sa sikat ng araw sa may bintana. Naalala ko wala nga pala akong shoot ngayon, makakapagpahinga ako ng buong maghapon. Tumayo ako at nagunat, hinubad ko ang suot kong t-shirt dahil sanay akong nakahubad pagkagising.
"Hoy babae!" sigaw ko. Nasa living room kasi siya. Sabi ko dun siya matulog, maraming kwarto dito sa condo ko pero gusto ko dun sa matulog.
Nasaan na kaya yun, baka tulog pa hanggang ngayon, grabe naman ang tamad tamad niya. Ganito ba ang ex-girlfriend na p.a? Malandi na tamad pa? Ano naman yan. Nagtungo ako sa living room and I found her there still sleeping. Nilapitan ko siya at pinagmasdan habang natutulog.
Naalala ko tuloy yung noon, she's sleeping on my lap habang ako natutulog din. She is the perfect girl back then, she's cute, hot and very popular among guys. Pero sa lahat ng lalaking umaaligid sa kaniya ako ang tanging pinansin niya. Naging masaya kami o baka ako lang ang nakakaramdam ng kaligayahan. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit siya umalis ng hindi man lang nagpapaalam?
"Bakit mo ba ako iniwan? Anong dahilan?" bulong ko sa sarili ko. Gusto ko sanang itanong iyon pero ayoko... Baka magsinungaling lang siya at mapaikot nanaman niya ako. I don't want that to happen again, natuto na ako.
Bigla akong napaiwas ng tingin ng bigla siyang magmulat ng mata. Tinalikuran ko siya. Shooot!!! Wrong timing naman oh! Baka isipin niya bumabait na ako. No way! Galit parin ako sa kaniya.
"Sir..." narinig ko ang kaniyang tinig.
"Alam mo ba kung anong oras na? Hanggang ngayon tulog ka parin diyan... I-gawa mo ng lemon juice at tuna sandwich. Bilisan mo gutom na ako. Napakatamad kasi eh!!!!" sigaw ko. Agad akong lumabas ng living room at dumiretso sa kwarto ko. Napatingin ako sa salamin na nakabitin sa ulunan ng kama ko. Napansin ko ang tubig sa aking magkabilang mata. Agad ko iyong pinunasan.
"Tubig?'' umiiyak ako? Baka laway ko lang 'to umakyat lang sa may mata ko. Tama, sobrang imposibleng palusot. Fine, sige na lumuluha na ako... Dahil 'to sa galit, tama... Dahil sa galit ko kay Sunny. At hindi dahil sa namimiss ko. Hindi maaring mangyare ang ganoong bagay.
"Sir... Eto na po ang pagkain nyo!" mula sa labas ng aking pinto narinig ko si Sunny kasabay ng tatlong malalakas na katok. Agad ko iyong binuksan at isang masayang Sunny ang sumalubong sakin. Tsk! Nakakainis talaga. Anong bang meron at masaya siya? Badtrip.
"Pagkain ba yan? Are you sure? Ganyan ba ang kinakain mo? At saka eto" kinuha ko ang juice at tinitigan saka ko nilipat muli ang tingin ko kay Sunny.
"Juice ba 'to? Bakit may nalutang na... Ano yan? Worms... Papatayin mo ba ako? Wala kang kwentang personal alalay... Nakakainis!" sabi ko sabay buhos ng juice sa kaniyang ulo at hinagis ang baso sa kungsaan. Yumuko lang siya at hindi makatingin. Ngumiti ako para ipakita sa kaniya na masayang masaya ako sa ginawa ko.
"Sana may natutunan ka bitch!" pakiramdam ko nagtagumpay ako. Pero behind my success mayroong kung anong bahagi na naman sa akin ang para bang hindi parin masaya. Parang kulang pa. Kaya tinulak ko siya at napahiga naman siya sa sahig. Napatilapon din ang hawak niyang tray.
Nakakainis talaga, hindi ako nakukuntento. Para bang may kulang... Ano ba yon? Tsk.
"Sir, sorry po... Hindi na po mauulit... Promise po..." nanginginig na ang kaniyang boses at may paghikbi pa. Umiiyak na siya... She's crying already?
"Promises are meant to be broken... Gaya din ng promise ng isang babae... Hindi nagkakatotoo... Gawin mo ng maayos ang trabaho mo!" sabi ko sabay sara ng pinto.
Napahawak ako sa aking dibdib, parang nasasaktan ako. Hearing her voice in that situation makes my heart break into pieces. Pero wala akong magagawa, kailangan kong maging manhid para makaganti. Ayokong magpabulag sa awa. Ayoko!!!
#vote.comment.or just simply read.
sana supportahan nyo po. Thank you!!!!
