-Chapter seven-

20 3 0
                                    

PRINCE KIER'S POV

"Kier... Wake up... Naandito na tayo" I heard her waking me up but I ignored her. Parang hinihigit pa ako ng upuan ko. Pero ilang sandali lang ang lumipas, I gave up sleeping at binuksan ang mga mata ko.

"Nakatulog ba ako ng matagal?" I asked. Hindi ako aware sa mga nangyayari sa paligid ko syempre tulog ako eh. She just gave me a smile bago siya lumapit sakin. Sa gulat ko, napatulala nalang ako sa kaniya. Ang lapit lapit niya kaya sakin and I thought she would kiss me. But I'm wrong, tinanggal lang niya ang seatbelt ko. Damn, I am half disappointed.

"Tara na... Sa bahay mo na ituloy yang tulog mo. Gabi na din kasi..." lumabas na siya ng kotse. Hindi ako sumunod sa kaniya, parang gusto ko lang mag-stay sa loob ng kotse ko. Naguguluhan kasi ako sa sarili ko. I want her to suffer at the first place, pero hindi ko naman kayang totohanin.

"Kier, labas ka na diyan..." she opened the door beside me. Napatingin tuloy ako sa kaniya ng sobrang diretso. Nagiwas siya ng tingin kaya medyo napaiwas din ako. Maganda parin siya, mas gumanda pa pala.

"Pretty..." I murmured. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung salitang yon, bigla nalang lumabas sa bibig ko. Iniisip ko lang eh...

"Yeah, the house... Lahat ng taong nagpupunta dito sinasabi maganda ang bahay namin... Anyway thanks" she laughed. Hinawakan niya ang aking kamay at dinala ako sa loob ng bahay nila. Lahat ng atensyon ko ay nakatuon lang sa kamay ko na hawak niya. Something rushed inside me, something I don't even know how to explain.

"Ah... So-sorry" sabi nio sabay bitaw sa kamay ko. I wanted to protest, gusto ko pang hawakan niya yung kamay ko habang buhay but thinking of it is the nicest thing ever but the most selfish thing too.

"Sunny... Mabuti naman at nakauwi ka. Halika, magpahinga kan-- Teka eto na ba yung asawa mo? Siya ba yung--".

"Mama! Tama na... Ako na bahala, kayo nalang ang magpahinga okay..." saway niya sa ina niya. This is my first time to her mom, pero I think I like her family already. Pero mas gusto ko yung sinabi ng mama niya... Asawa mo... I like the idea of being her husband. Pakiramdam ko nag-blush ako.

"Kier... Okay ka lang ba? Kanina pa kita tinatanong dyan... Huy!" hindi ko namalayan napatulala na pala ako sa kaniya. Sobra akong nalunod sa isang ilusyon.

"Huh? Ah, what is it?" tanong ko sa kaniya.

"Kung gusto mo bang matulog na? Ihahanda ko na yung tutulugan mo..." sabi nito habang nakapamewang sa harap ko. I found that sexy... It's not the right time to think of that, nasa burol kami ng papa niya tapos puro ganito ang iniisip ko. Ang sama ko naman.

"Sunny... Tutal asawa mo naman yang kasama mo, tabi nalang kayo.... Isa nalang kasi yung bakanteng kwarto. Hindi mo naman kasi agad sinabi na isasama mo pala siya. Dalin mo na siya sa kwarto mo nang makapagpahinga na kayo..." sigaw nung isang matandang lalaki mula sa itaas ng hagdan. Hindi naman ito ganoon ka-tanda. Maybe nasa mid-20's lang ito.

"Kuya! Hindi ko siya asaw! Ano ko lang siya..." parang wala siyang mahanap na salitang idudugtong niya. Kaya ako nalang ang magtutuloy.

"I'm Prince Kier Lopez... Her boyfriend..." I smiled slightly para hindi naman mukang bastos diba. 

"Woah! Akala ko asawa mo 'tong kapatid ko. Kamukang kamuka mo kasi si--" biglang may tumamang libro sa noo ng kausap ko. Nagulat ako sa nangyare... Ang brutal!

"Tara na nga sa kwarto ko... Mga tao talaga oh!" sigaw ni Sunny. Hindi parin ako makarecover sa nangyare. Tinamaan sa noo ang kapatid niya pero hindi man lang  ito nagsorry. The funny thing is... Tumawa lang ng bahagya yung kuya niya habang nakaupo sa hagdan.

"Kier!" tawag nito. Hindi ko siya pinansin... Pero suddenly she grabbed my arms and dragged me inside a room. Pumasok kami sa isang malaking kwarto. Kasing laki ito ng aking kwarto sa condo ko. Mayaman pala siya? Ngayon ko lang nalaman.

"Pasensya kana sa mama at kuya ko. Ganon lang talaga sila, ikaw lang kasi ang kauna unahang lalaking dinala ko dito... Anyway, dyan ka na sa kama ko matulog, dito nalang ako sa hammock para komportable ka...." she smiled again. Oo, nakangiti siya pero ngayon ko lang napansin na... May lungkot sa mga mata niya. Iba ang sinasabi ng labi niya sa sinasabi ng mga mata niya.

"Okay lang sakin kung katabi kita... Mas magiging comfortable ako kung nasa tabi kita..." I told her the truth. Magsisinungaling pa ba ako?  Para saan pa, eh gusto ko naman talaga siyang makasama kahit ngayon lang.

"Hindi na... Okay na ako dito" she patted the pillow beside her to show that she's fine. What ever! Hindi ako magiging okay kung hindi ko siya katabi. Tumayo ako, hindi para buhatin siya at ihagis sa kama kundi para tumabi sa kaniya.

Lumapit ako sa hammock at humiga sa tabi niya, medyo malaki ng konti yung hammock kaya kasya naman kaming dalawa. I closed my eyes.

"Kier... Lumi--" hindi ko na siya hinayaang magsalita pa. I don't want to hear any thing from her kung paalisin niya lang ako sa tabi niya. Hinalikan ko ang pisngi niya at niyakap ko siya. Ang maging close sa babaeng mahal mo ay ang pinaka-masarap na bagay sa lahat. Mas masarap ba sa isang halik na maglalaho din naman.

"Please, let me sleep tonight. And please kung magigising ka man ng maaga bukas at tulog pa ako, don't bother to wake me up..." I whispered.

"Okay..." tanging yun lang sinagot niya.

"And also, don't leave me alone sleeping. Just stay hanggang sa magising din ako..." I burried my head on the nape of her neck.

"I miss you..." the words just slipped out of my mouth, hindi ko sinasadyang sabihin. Pero umaasa akong sasabihin niya din iyon kahit sa panaginip lang. I closed my eyes tightly and relaxed. Medyo inaantok na ako...

"I miss you too..." I heard her mumbled. Pero baka hindi naman... baka imagination ko lang iyon. Pero kung totoo man na sinabi niya yun, I'd love to hear it again tomorrow.

Then... I fell asleep.

Falling FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon