-Chapter six-

22 2 0
                                    

PRINCE KIER'S POV

Papaalis na ako ng bahay para puntahan ang manager ko sa tagaytay ng biglang tumunog ang cellphone ko. I answered the phone with out looking at screen.

"Hay brother! Pumunta ka daw sa bahay mamaya dahil may welcome party para kay Kuya Tristan sabi ni mama. Kapag di ka daw pumunta yari ka sa kaniya at magdala kana din daw ng date mo... Kung  hindi ka daw pupunta, Ipagkakalat niya daw ang baby pictures mo. Mas nakakahiya yun diba! Wahahhaha... Love you kuya muah!" sabi ni Shine at biglang pinatay ang phone. Nakakainis talaga si mama. bakit ba kasi kailangan pang ipaghanda yang Tristan na yan, eh hindi naman namin kapatid ang lalaking yon. Nakakains!

"Sir, aalis na po ba?" tanong naman ng isa pang asungot sa buhay. Bakit kasi bumalik balik pa eh.

"Oo... Nakasakay na ako diba?" sabi ko sa kaniya. Naiinis talaga ako sa kaniya. Hay nako naman. Umagang umaga binubwisit ako ng mga tao eh!

"Sumama ka sakin mamayang gabi. May party sa bahay ng mama ko, mag-ayos ka ha!" wala na akong magagawa kung hindi ang isama siya. Ayoko naman mag-rent ng ka-date sa mga bar. Baka pag-usapan pa ako ng mga reporters.

"Ano pong klaseng party?" she asked while driving the car. Nasa backseat ako kaya siguro hindi niya pansin na naiinis ako.

"Party ng mayayaman... May long gown kaba?" tanong ko.

"Wala sir. Hindi naman po ako mahilig sa mga party eh.".

"Pwes, mag-jeans ka nalang. Hindi ka naman bagay don eh. i just need a date para  hindi magalit ang mama ko" anong akala niya porket sinabi niyang wala siyang gown ibibili ko siya? No way! Masyado naman ata siyang masuwerte.

*RINGGGGGGGGGGGGGGG.... RINGGGGGGGGGGGG!!!!*

Kinapa ko ang bulsa ko para hanapin ang phone ko. May tumatawag kasi eh...

"Hello Ma...." sabi ni Sunny, napatingin tuloy ako. Magkatulad kasi kami ng ringing tone, akala ko pa naman sa akin may natawag. Umandar ang pagkachismoso ko, na-curious ako eh! Anong magagawa ko?

"Ha? Ano daw pong nangyare? Bakit ngayon nyo lang ako tinawagan... Mama naman ih!" halata sa boses niya ang pagkalungkot. Bakit kaya? May nangyare kaya? Hay nako naman nakaka-suspense! Kung pwede ko lang hatakin yung phone niya at ako ang kumausap e. Tsk!

"Ano ba yan late na ako..." angal ko. Baka sakaling sabihin na niya sakin kung anong nangyayare sa kaniya diba... Teka nga! Bakit ba ako nag-aalala sa babaeng 'to, eh galit nga ako sa kaniya diba! Iniwan niya ako eh.

"Mama... Sige po, tatawagan ko po kayo mamaya... Pupunta din ako dyan, ingat ka mama. Wag kang iyak ng  iyak ha! Love you..." pinatay na nito ang phone niya.

"Tara na po..." sabi niya sabay bukas ng engine ng car tapos humarurot na. Papatayin ata ako ng babaeng 'to sa bilis niyang magpatakbo. Ano ba kasing sinabi ng mama niya?

"Slow down... Sobrang luwag naman ng daan ah... Walang uuna sayo" sita ko sa kaniya. Aba at hindi man lang ako tiningnan para magsabihing 'sorry sir'. Pero dahan dahan namang nag-slowdown ang kotse.

"Sir... Kailangan ko pong umuwi ngayon. Ihahatid ko po kayo pero aalis din po ako agad kaya--" I cut her off. Anong aalis? Kahit ano pang nangyare namatay man ang papa o kuya o buong pamilya niya... BAWAL! Hindi pwede sakin yon. Walang excuse excuse...

"Stop the car!" I bellowed. Bigla siyang nagpreno sa tabi ng highway. Buti nalang walang masyadong sasakyang nadaan. Pero, grabe muntik nang tumama ang ulo ko sa may bintana sa sobrang biglaang pag-preno.

"What happened?" I asked.

"Yung... Ano... Ah, yung papa ko po kasi, namatay po...." nanginginig ang kaniyang boses na halos hindi na niya masabi ng maayos ang mga salita. Her father died? Aba dahil don, aalis niya no way!

"Hindi ka pwedeng umuwi sa inyo..." sabi ko sabay irap. Kahit hindi siya nakatingin inirapan ko parin siya. Bigla siyang lumingon sakin, basang basa yung mga mata niya, may bakas pa nga ng mga natuyong luha sa kaniyang pisngi. I want to hold her, hug her tight and tell her everything will be okay... Pero somehow, natatakot ako baka kasi, lumambot ang puso ko sa kaniya eh. Tsk. Damn those tears.

"Pero sir..."unti unting bumagsak ang mga braso niya na para bang gumuho na ang buong mundo niya. Seeing her like this, is a curse. Parang dinudurog yung puso ko, bawat patak nung luha niya parang asidong tumutunaw sa aking nagyeyelong puso. Lumalambot na ba ako?

I lifted her chin up, hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinunasan ang luha na tuloy tuloy na tumutulo. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa, pilit na nagsusumiksik sa utak ko na wag ko 'tong gawin pero yung kamay ko hindi sumusunod.

"Hindi ka pwedeng umuwi sa inyo... Nang hindi ako kasama..." exactly. Baka, hindi na siya bumalik eh. Malay ko ba naman diba. Bumaba yung kamay ko sa waist niya ang isa kong kamay nasa likod naman niya. Niyakap ko siya ng mahigpit. I want to comfort her. Kahit galit ako sa kaniya, mas nangingibabaw parin sakin yung pagiging boyfriend niya, kahit na alam kong hindi naman talaga. Kahit alam kong matagal na yon, and I'm not her boyfriend anymore.

"Pero sir, may party po kayo... Mas importante yun kesa ang pumunta sa burol ng papa ko..." she whispered. Nakuha pa talaga niyang isipin yon, bakit hindi ba siya masaya na makakasama niya ang isang gwapong lalaki? O baka naiilang siya dahil may boyfriend na siya sa probinsya nya? Leche! Kapag lang meron, sasapakin ko talaga yung lalaking yon. Sakin lang si Sunny.

"Don't worry about that... Mas mahalaga sakin, na makapunta ka don kasama ako.... I mean... Basta...!" ano ba namang sagot yon Prince? Napaghahalataan ka niyan eh...

"Sir-" naramdaman kong kakalas na siya sa pagkakayakap ko. Aba, hindi pwede yan. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya. Kakalimutan ko muna ang galit, basta gusto ko ngayon, mayakap siya. Maging close sa kaniya kahit sandali lang. Na-miss ko kaya siya. Medyo nalilimutan ko na nga din yung sakit eh. Pero hindi pa ganoon naghihilom.

"Wag mo na akong tawaging sir, tutal... Boyfriend mo na naman ako, so call me Kier..." yun naman ang tawag niya sakin dati eh. She used to call me by my second name, and thats the craziest thing ever back then. Kasi sa tuwing tatawagin niya ako sa second name ko, kinikilig ako. Para akong tanga diba.... Ang gulo gulo ng utak ko.

"Boyfriend?'' bulong nito. Hindi ko na siya pinansin. Gusto maging kami ulit, I want to be the reason behind her sweet smile, her cute laughter, her crazy giggles.... At most of all, I want to be the reason behind her tears... Iiwan ko siya, para fair na kami. Siguro pag nagawa ko na iyon, hindi na ako magkaka-ganito sa kaniya. Baka makalimutan ko na siya.

Falling FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon