"Sana manatili na lang ako sa libro na ito dahil nandito ang mahal ko." - Charity
"Sana pwede akong pumunta sa mundo niyo, nandoon kasi ang taong mahal ko." - Dyrev
Isang bookworm si Charity, halos lahat ng libro ay nabasa na niya. Inis na inis na nga ang mga kaibigan niya sakanya sapagkat puro siya kwento tungkol sa mga nababasa niya na hindi naman maka-relate ang mga taong nasa paligid niya. Minsan hinihiling niya na lang na sana kahit isang beses lang ay makapasok siya sa mga librong mga nababasa niya kaso alam naman niyang imposible iyon eh.
Ngunit isang araw, may nakilala siyang isang matanda sa eskwelahan nila. Madumi ito at parang wala sa katinuan kaya takot na takot siya na lapitan kaso pilit siyang sinusundan kahit saan siya magpunta kaya wala na siyang nagawa kundi kausapin ito at itanong kung ano ang kailangan ng matanda.
"Ale, ano po bang kailangan niyo? Wala po akong pera, kulang naman po itong baon ko. Wala po akong maibibigay na kahit ano sa inyo kaya kung pwede lang po ay umalis na kayo dito." sabi ni Charity doon sa matanda
"Hija, hindi ko naman kailangan ng limos mo. Gusto lang kitang tulungan, nababasa ko kasi ang isip mo." sabi naman ng matanda kay Charity
Doon ay kumaripas ng takbo si Charity pero pagdating niya sa dulo ay nakita niya ulit ang matanda kaya lalo siyang natakot. Kinusot-kusot pa niya ang mata niya pero nasa harapan pa rin niya ang matanda na nakatingin at nakangiti sakanya.
"Hindi ko po kayo maintindihan, hayaan niyo na po ako. Hindi ko po kailangan ng tulong niyo. Layuan niyo po ako." sabi ni Charity sabay sisigaw na dapat siya subalit may binigay na bote ang matanda sakanya
"Inumin mo ang gamot na ito upang makarating ka sa loob ng mga librong binabasa mo. Gusto mo silang makasama sa loob ng libro hindi ba? Ito na ang sagot sa mga kahilingan mo." sabi ng matanda sabay bigay ng bote kay Charity
Gulat na gulat si Charity na alam ng matanda kung ano ang gusto niyang mangyari. Namangha siya pero nangunguna pa rin ang takot sa puso at isip niya kaya hindi niya pinansin ang sinabi ng matanda bagkus nilagay niya lang sa bag ang bote na may laman na gamot.
"Paalala lang, oras na maubos iyan ay hindi ka na makakabalik pa sa kabilang mundo." sabi nung matanda
Sasagot pa sana si Charity sa matanda ngunit ito ay naglaho na. Kinilabutan siya at nagpasya na umuwi na lang sa bahay nila. Inisip na lang niya na guni-guni ang lahat, siguro kakabasa niya ito ng libro kaya siya nakakapag-isip ng mga bagay na wala naman.
BINABASA MO ANG
Dyrev's Wish (Completed)
FantasyWhat if sa bawat book na nababasa mo eh nakakasama mo ang characters sa kwento? Makabuo ka kaya ng sarili mong kwento na kasama sila? Paano nga ba makakabalik si Charity mula sa book collection niya? Paano kung mainlove siya kay Dyrev na isang ficti...