Chapter 19

449 38 0
                                    

Nagising na lang si Charity na mabigat ang kanyang pakiramdam dahil sa nangyari sakanila ni Denver kagabi. Hindi pa rin niya lubos maisip na nagawa iyon ni Alyson sakanya, iniisip tuloy niya kung naging totoo ba ang pagkakaibigan nilang dalawa.

Hindi na nga niya maalala kung paano pa siya nakauwi kagabi, ano kaya ang sasabihin ng MAma at Papa niya ngayon dahil sa nangyari. Natatakot tuloy siyang bumaba sa dining area para kumain. Alam niyang pag-uusapan ng mga magulang niya ang nangyari kagabi.

Ilang minuto pa ay may kumatok sa pintuan ng kwarto niya, ayaw niya sanang buksan ito pero buti na lang at nagsalita ang tao sa may pinto. Ang yaya niya pala ang nakatok.

"Sige ate, pumasok ka na, akala ko si Papa ka kaya hindi ako nasagot kanina eh." sabi ni Charity sakanyang yaya

"Kung alam mo lang kung gaano kagalit ang tatay mo kagabi. buti at tulog ka na kagabi, hindi mo na narinig ang mga sinabi niya tungkol sa iyo." sabi ng yaya ni Charity sakanya

"Ha? Hindi ko na nga matandaan kung paano ako nakauwi kagabi sa sobrang pag-iyak ko. Paano mo ba ako nakita kagabi? Saka, ano ang sinabi ni Papa tungkol sa akin?" tanong naman ni Charity sakanyang yaya

"Nagdorbell ka sa gate tapos nakita ko na lang na nakahandusay ka na, Puno naman ng chocolate syrup ang damit mo kaya binihisan kita agad. Nagtataka nga kaming lahat kung paano ka nakauwi eh hindi ka naman maalam magcommute." sagot naman ng yaya ni Charity

Oo nga pala, ang huling naalala niya ay dumating si Estella sa debut party ni Alyson pagkatapos ay niligtas siya nito. May posibilidad kaya na tinanggal ni Estella ang mga pangyayari kagabi kaya hindi na niya maalala ang mga ito?

"Ah, sa sobrang pagod na din siguro kaya hindi ko na maalala ang nangyari sa akin kagabi. Ate, parang ayaw ko na lumabas ng kwarto. Baka dito na lang ako kumain, pwede ba? Natatakot kasi ako kay Papa eh." sabi ni Charity sakanyang yaya

"Alam mo naman na mahigpit na pinagbabawal ang pagkain dito sa kwarto mo hindi ba? Tara na, bumaba ka na para makakain ka na ng umagahan." sabi ng yaya ni Charity sakanya

"Lagi na lang bang ganoon ate? Lagi na lang bang ako ang susunod sakanila? Kailan kaya yung ako naman ang pakikinggan nila? Para na akong robot na hindi nawawalan ng pahinga." sagot naman ni Charity sakanyang yaya

"Alam kong pagod ka na, pero magiging maayos din ang lahat. Pamilya mo pa rin sila pagkatapos ng lahat. Tara na, kumain na tayo. Alam kong gutom ka na, naririnig ko na ang tyan mo." sabi pa ng yaya ni Charity sakanya

Wala na nagawa si Charity kundi bumaba na lang sa dining area dahil gutom na rin naman siya. Pagdating niya sa baba ay agad niyang narinig ang Papa niya na nakikipagtalo sakanyang Mama. Gusto na niyang bumalik sa kwarto pero hindi na siya pwedeng umatras pa at lalo lang gugulo ang sitwasyon.

"Anak mo na nga ang nasaktan pagkatapos si Alyson pa rin ang tama sa mata mo?! Puro trabaho na lang ba ang mahalaga sa iyo? Paano naman ang nararamdaman ng anak mo? Isipin mo naman nang mabuti ang mga desisyon mo!" sabi ng Mama ni Charity sakanyang Papa

"Eh hindi naman gagawa ng ganoon si Alyson kung walang ginawang masama ang anak mo. Ayusin mo iyan, kausapin mo ang anak mo. Kapag nakaapekto itong nangyari kagabi sa trabaho ko ay malalagot kayo sa akin." sabi ng Papa ni Charity sa asawa niya

Dahil sa narinig ay kumaripas ng takbo si Charity pabalik sa taas. Hindi niya kayang marinig ang mga sinasabi ng Papa niya sakanya. Hindi pati siya makapaniwala na iyon ang tingin ng Papa niya sakanya. Siya ang anak pero bakit ganoon ang trato sakanya?

Isa na ito sa dahilan kung bakit ayaw na niya sa realidad. Puro panghuhusga na lang kasi ang tao kahit na wala itong alam sa buong pangyayari. Ang pinakamasakit pa, kapamilya pa mismo ang humihila sakanya pababa. Paano naman siya mabubuhay ng mapayapa?

Pagdating sa kwarto ay agad siyang humiga sa kama habang naiyak. Habang nakatingin sa kawalan ay nakita niya ang potion. Naalala niya bigla na hindi pala siya nakapasok kagabi sa isang libro. Buti pa sa libro, wala siyang problema.

Agad niyang tinawag si Estella at tinanong niya rito kung pwede ba siyang uminom ng potion ngayong umaga sapagkat gusto niya lang makatakas sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Ito na lang kasi ang sagot sa problema niya sa ngayon.

"Pwede namang uminom nito kahit hindi gabi hindi ba? Hindi naman ako nakapasok sa libro kagabi eh. Pwede ba?" sabi ni Charity kay Estella

"Oo naman, pwede. Saka alam mo ba, talagang inalis ko ang alaala mo para hindi ka masaktan ng sobra kagabi. Kaya kung mapapansin mo ay hindi mo na maalala kung ano ang nangyari kagabi. Okay ka na ba ngayon?" sagot naman ni Estella kay Charity

"Kaya pala wala na ako maalala sa nangyari kagabi, salamat ha. Salamat dahil hinatid mo ako pauwi. Hindi ako okay, ang gusto ko na lang mangyari ngayon ay ang pumasok sa libro para mawala ang problema ko kahit pansamantala lang." sabi naman ni Charity kay Estella

"Walang problema iyon, hindi ba ako ang tagabantay mo? Kaya bawat kilos mo ay poprotektahan kita. Ano ba kasi ang nangyari?" sabi ni Estella kay Charity

"Wala na yata pagmamahal para sa akin si Papa. Hindi ko alam bakit ganoon siya sa akin. Wala naman akong ginawa kundi ang sundin siya at ipakita na deserving ako bilang anak niya. Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya sa realidad." sagot ni Charity kay Estella

Ngumiti lamang si Estella at lumapit, napangiti na lang din si Charity pagkatapos ay pinunasan na niya ang mga luha niya para makakuha na siya ng libro at makapasok na siya sa libro. Ang napili niya ay ang libro na Wet and Wild.  Saan nanaman kaya siya dadalhin ng kwentong ito?

Dyrev's Wish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon