Chapter 36

350 26 1
                                    

  Wala nang pakialam si Charity kung ano ang sasabihin sakanya ni Alice o ni Dyrev, ang gusto lang niya ngayon ay matulungan ang bagong kaibigan mula sa manloloko na si Alice. Kahit nahihirapan siya dahil kamukha ni Denver at Alyson ang mga character na kaharap niya ngayon, hindi pa rin siya nagdalawang isip na tulungan ito. 

"Wala na akong pakialam kung anong iisipin nila sa akin, Dyrev. Gusto ko lang na maalis ka sa babaeng ito. Hindi mo deserve ang ganyang pagmamahal, alam ko kung paano ka magmahal kaya ililigtas kita." sabi ni Charity kay Dyrev

"Ano bang pinagsasabi mo? Paano mo nasabing alam mo kung paano ako magmahal eh kanina mo lang naman ako nakilala hindi ba? Are you weird or something? May mga bagay ba ako na kailangang malaman?" tanong ni Dyrev kay Charity

"Hindi mo na kailangan malaman, hayaan mo na. Umalis na lang tayo dito, mga cheap ang tao dito eh." sagot naman ni Charity kay Dyrev

"May pinatatamaan ka ba? I know that hindi kita kilala pero bastos kang babae ka. How dare you say that?!" sigaw ni Alice kay Charity

"Wala naman akong sinabing ikaw iyon hindi ba? Bakit parang tinatamaan ka? guilty ka ba na cheap ka lang kasi sumama ka dyan sa Mico na iyan?" pagtataray ni Charity kay Alice

"Tumigil na nga kayo, hindi nakakatulong eh. Umalis ka na nga, Charity! To be honest, hindi ka naman talaga kasali dito eh, para ka kasing kabute na bigla na lang sumusulpot eh hindi naman kita kailangan." sagot ni Dyrev kay Charity

"Whatever, mukhang panloloko na ang lahat ng ito. Wala na akong pakialam sa inyong dalawa, mga manloloko. Mico, tara na. I-uwi mo na ako, nauubos lang ang oras ko sa dalawang ito." pagtataray ni Alice kay Charity

Paalis na sana si Alice pero pilit siyang pinigilan ni Dyrev. Kahit na sinaktan na kasi siya nito ay nananaig pa rin sakanya ang pagmamahal sa dalaga. Habang naglalakad si Dyrev palapit kay Alice ay todo iyak siya, wala na siyang pakialam kung madaming makakita ng pag-iyak niya sa loob ng restaurant.

Nung lumapit na siya kay Alice ay bigla na lang siyang lumuhod sa harapan ni Alice. Habang naiyak ay kinuha niya ang kamay ni Alice, nagmamakaawa siya na balikan siya nito. Hindi tuloy maiwasan ni Charity na maluha sa nakikita niya ngayon. Sana siya iyon eh, sana siya yung importante pero hanggang sa loob ng libro ay hindi sia yung pinipili.

"Wala na tayo, tumayo ka na dyan. Hindi mo ako deserve hindi ba? Please, hayaan mo na kami ni Mico. Mag-move on ka na, kasama si Charity. Huwag ka mag-alala, hindi naman kita malilimutan. Minahal rin naman kita kahit papaano, Dyrev." sagot ni Alice kay Dyrev

"No, tatanggapin ko na kahit dalawa kami sa buhay mo. Basta huwag ka lang umalis. Tayo pa rin kahit kayo na ni Mico, please? Ayaw kitang mawala, ikaw ang buhay ko Alice. Hindi ako makakapayag na bigla na lang mawawala iyon lahat with just a snap." sagot ni Dyrev kay Alice

"Iyon na nga ang problema sa iyo eh, ginawa mo akong mundo eh tao lang naman ako. Hindi ako perpekto. Pasensya ka na kung nasaktan kita ha? Hayaan mo, ngayon ay malaya ka na. Wala na mananakita sayo." sagot ni Alice kay Dyrev

Kahit na todo pa rin ang paghawak ni Dyrev sa kamay ni Alice ay tinanggal pa rin ito ng dalaga at umalis na sa restaurant. Balak pa sana habulin ni Dyrev si Alice pero pinigilan siya ni Charity na gawin iyon.

"Hindi mo deserve iyan, Dyrev. Tama na, itigil mo na ang kahibangan mo sa babaeng iyan. Save yourself from pain, ayaw ko yung nasasaktan ka. Ayaw ko nakikita na naluha ka." sabi ni Charity kay Dyrev

"Ano bang pakialam mo ha? Alam mo, ikaw ang may kasalanan ng lahat eh. Kung hindi ka sumulpot na parang kabute dyan ay hindi mawawala sa akin ang taong mahal ko. Wala kang alam sa love life ko. Huwag mo akong pangunahan sa mga desisyon ko sa buhay, kung masaktan man ako ay ginusto ko iyon. Naiintindihan mo ba ako?!" sigaw ni dyrev kay Charity

"Kilala kita, mula ulo hanggang paa. Alam ko ang lahat, kung paano mo siya niligawan at paano ka niya sinagot. Nandoon ako, nasaksihan ko ang lahat kaya wala ka ding karapatan na sabihan ako na wala akong alam." sabi ni Charity kay Dyrev

Pagkatapos noon, kahit hirap na hirap siya ay pinaliwanag pa rin niya kay Dyrev kung ano ang alam niya tungkol sa magkasintahan. Nung nalaman na ni Dyrev ang lahat ay manghang-mangha ito, ni hindi niya mafigure-out kung paano nalaman ni Charity ang lahat.

"Ano ka ba? Manghuhula? Nalalaman mo ba ang past ang present ng isang tao kaya alam mo ang lahat ng tungkol sa amin ni Alice? Kindly tell me, masyado na akong namamangha sa iyo." sagot ni Dyrev kay Charity

"Hindi na importante kung ano ako, ang alam ko lang ay hindi ako masamang tao. Nandito ako para tulungan ka, may misyon ako kaya dapat makipag-cooperate ka naman sa akin." sabi ni Charity kay Dyrev

"Ah, baka ang misyon mo ay ang pagbatiin kami ni Alice. Hindi kaya? Sige na, pagbatiin mo na kami para may happy ending na ang love story namin." sagot ni Dyrev kay Charity

"Ah sorry, kahit anong powers pa ang gamitin ko dyan ay hindi na mangyayari iyon. Tanggapin mo na kasi, may iba na ang mahal mo. Move on ka na. Ang dami pang tao at bagay na dapat pagtuunan mo ng pansin. Sabi nga niya kanina, hindi mo siya dapat ginawang mundo mo kasi tao lang siya eh." sagot naman ni Charity kay Dyrev

"Haynaku, gusto mo lang yata na ikaw ang piliin ko kaysa sakanya eh. Ganun ang gusto mong mangyari ano kaya nilalayo mo ako sakanya?" sabi ni Dyrev kay Charity

"Paano kung iyon nga ang gusto ko? Anong gagawin mo? Lalayuan mo ba ako o suusbukan mo akong mahalin tulad ng pagmamahal mo sakanya?" nakakabiglang tanong naman ni Charity kay Dyrev

Pagkatapos noon ay bigla tuloy tumigil ang mundo nilang dalawa. Hindi na namalayan ni Charity na iyon na pala ang nasabi niya kaya ang ending ay gulat na gulat sila parehas. Ano nga kaya ang mangyayari kapag sila na lang dalawa?

Dyrev's Wish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon