Chapter 10

632 47 8
                                    

Ang librong The Prostitute ay kwento ng isang babae na napilitan na maging pokpok sa isang bar dahil sa kakulangan nila sa pera. Si Maricar ay ang bida dito, isang bente tres anyos at wala na siyang mga magulang kaya naman sarili na lang niya ang kanyang inaasahan.

Nagising na lang si Charity sa isang maingay na lugar, madaming nag-iinuman at maraming babae ang nakakandong sa mga lalaking nasa edad kwarenta pataas na.  Puno ng usok ang paligid kaya inis na inis si Charity.

May nag-aaway sa kabilang table kaya naman agad siyang pumunta doon at tiningnan kung sino ang nag-aaway. Tama ang hinala niya, nasa bar siya kung saan nagtatrabaho si Maricar. Napuno tuloy siya ng takot lalo na at at wala naman si Estella sa paligid para ipagtanggol siya.

"Miss, lagi naman kitang binabayaran sa ganitong halaga ah? Bakit ngayon ay ayaw mo na sa akin? May bago na bang masarap para sa iyo? Halika na, babayaran naman kita." pamimilit nung lalaki kay Maricar

"Iba na presyo ko ngayon kaya hindi na ako pwede sa iyo. Okay? Mahal na ang presyo ko!" sigaw ni Maicar doon sa lalaking nasa edad kwarenta

"Edi ito muna ang bayad ko sayo, saka na ang kulang kapag nakabalik na ako dito sa bar Maricar. Miss na miss na kita eh, miss ko na ang katawan mo. Please, gusto na kita matikman!" pamimilit ulit nung matanda

"Hindi ka ba nahihiya sa sinasabi mo? Mahiya ka naman sa balat mo, nadidiri ako sayo. Ayaw ko na sayo, malinaw naman siguro iyon sayo kasi matanda ka na." mataray na sagot ni Maricar doon sa matanda

"Ang arte mo naman! Kung sapat naman ang pera ko hindi ka aarte ng ganyan! Sige na, isa lang naman eh. Isang sundot lang!" sigaw nung matanda kay Maricar

Hindi na sumagot pa si Maricar at tinalikuran na lang niya ang nagpupumilit na matanda, dahil sa inis ng matanda ay hinawakan niya si Maricar sa braso kaya nagpupumiglas ang babae. Doon na umeksena si Charity kahit na alam niyang wala siyang kalaban-laban. Ang importante lang sakanya ay masagip si Maricar mula doon sa lalaki,

"Manong, bakit mo ba siya pinipilit eh ayaw na nga niya hindi ba? Kung ako sa iyo, huwag mo na ipilit ang sarili mo sa taong ayaw naman sa iyo, ang bahu-baho mo pa." matapang na sinabi ni Charity doon sa matanda

Nagulat ang lahat kay Charity, walang may kilala sakanya sa bar. Pati si Maricar ay labis na nagtataka kung saang lupalop lumabas si Charity. Nilapitan tuloy siya nung matanda at inamoy-amoy.

"Ang ganda mo naman, pwede ka na ipampalit kay Maricar. Gusto mo, ikaw na lang ang tikman ko at hindi na si Maricar? pwede naman, ito ang bayad ko." sabi ng matanda na nag-aabot ng bayad kay Charity

"Hindi ako babaeng bayaran dito ha, umayos ka! Hindi ako natutuwa sa iyo, lubayan mo ako. Amoy alak at sigarilyo ka!" sabi naman ni Charity doon sa matanda

"Sayang naman, ang ganda mo pa naman. Walang-wala si Maricar sayo." sabi ng matanda kay Charity habang inaamoy-amoy pa rin ang dalaga

Kahit tapang-tapangan si Charity sa harap ng lahat ay puno na ng takot ang kanyang pagkatao. Gusto na niyang tawagin si Estella dahil sa nangyayari sakanya ngayon. Baka matikman siya nung matanda ng wala sa oras kapag nagkataon.

"Tigilan mo na iyan, sinabi na nilang ayaw nila sa iyo pero pilit ka pa ring sumisiksik. Ang tanda mo na at ang taba pa. Hindi ka na ba nahiya sa balat mo?" sabi ng isang tinig ng isang lalaki sa likod ni Charity

Hula niya ay si Antonio Esquivel iyon, ang lalaking magpapaibig kay Maricar at magpapabago sa katayuan ng dalaga. Alam na kasi ni Charity ang ending, dito sa parte na ito magkakakilala ang dalawa. 

"At sino ka namang lalaki ka na parang kabute? Hayaan mo ako, customer din naman ako dito kaya may karapatan ako sa bawat babae na nandito ngayon sa bar na ito." matapang na sabi nyng matanda kay Antonio Esquivel

"Wala akong pake kung customer ka din dito sa bar na ito. Ang akin lang, kapag sinabi ng babae na ayaw niya ay ayaw niya. Huwag mo na siya pilitin pa." sabi ni Antonio Esquivel doon sa matanda

"Sino ka ba? Pasensyahan na lang tayo kung ito ang gusto mo, bayad ko na ito!" inis na sabi ng matanda kay Antonio Esquivel

"Ang pagkakarinig ko ay hindi ka gusto nung dalawang babae kaya huwag ka magsinungaling. Hindi mo pa sila pagmamay-ari. Sa bansot mong iyan tingin mo magugustuhan ka nila?" pang-aasar pa ni Antonio Esquivel

Dahil sa inis ay lumapit ang matanda kay Antonio Esquivel at sinuntok ito. Lumaban naman si Antonio at sinuntok rin pabalik ang matanda. Lahat ay nagimbal dahil sa nangyayari. Sa takot ni Charity ay hinila niya si Maricar palabas ng bar para mailigtas ito.

"Saan mo ba ako dadalhin? Sino ka ba? Atsaka, bakit ako sasama sa iyo eh hindi naman kita kilala. Lubayan mo nga ako, baka kasabwat ka lang ni Kanor eh." sagot ni Maricar kay Charity

"Excuse me, hindi ako kasabwat ng matandang iyon. Sa itsura kong ito, sa tingin mo kasabwat niya ako? Halika na, lumabas muna tayo at mainit na mainit dito sa loob ng bar, baka mapaano ka pa." sabi ni Charity kay Maricar

"Hindi nga kita kilala, hindi ako nasama sa mga hindi ko kilala. Okay? Kaya kung ako sa iyo ay uuwi na lang ako. Wala kang mapapala sa akin." sabi ni Maricar kay Charity

"Kailangan pa ba na bayaran kita bago ka maniwala sa akin? Sa mga lalaki nasama ka, tapos sa akin hindi? Ikaw na nga itong liligtas sa bansot na matandang iyon, ayaw mo pa? Ayusin mo nga buhay mo, Maricar." sabi ni Charity kay Maricar

"Matagal nang sira ang buhay ko, hindi mo ako kilala kaya huwag mo akong husgahan. Ginagawa ko ang pagbebenta ng katawan para mabuhay ako, kung hindi ko kasi gagawin ito ay sigurado ako ngayon na patay na ako." sagot ni Maricar na naluluha na 

Wala na nasabi si Charity, lumapit na lang siya kay Maricar at niyakap niya ito ng mahigpit. Dala na rin sa dami ng problema ni Maricar ay hindi na niya naiwasan pa na hindi yakapin si Charity kahit na hindi pa niya kilala ito. 

Dyrev's Wish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon