Chapter 8

751 46 5
                                    

Dahil hindi pa rin makapaniwala si Charity sa nangyari kagabi ay masayang-masaya siya sa paggising niya. Gulat na gulat naman ang yaya niya sa kanyang inaasta kaya hindi maiwasan nito na hindi magtanong tungkol sa kung bakit masaya ang dalaga.

"Bakit ang asiwalas yata ng mukha mo? Ah, alam ko na. Pinansin ka ni Denver sa school ano kaya sobrang saya mo ngayong umaga. Tama ba ako, Charity?" sabi ng yaya ni Charity sakanya

Dahil ang pinakaunang rule ay hindi pwede malaman ng iba ang tungkol sa potion ay minabuti na lang ni Charity na sakyan ang trip ng kanyang yaya. Kunwari na lang ay totoo ang hinala nito para hindi na magtaka pa kung bakit labis ang saya niya.

"Ah, oo. Pinansin na ako ni Denver ate, kaya sobrang saya ko ngayon pero saka na ako magkekwento kapag sure na si Denver sa feelings niya para sa akin ah?" pagsisinungaling ni Charity sakanyang yaya

Pagbaba ni Charity ay nandoon na ang parents niya, hinihintay na siya na sumabay sakanila. Ang ngiti ni Charity ay kitang-kita dahil pati ang mata niya ay nakinang. Hindi pa rin siya makapaniwala na simula ngayon ay kaya niya na pumunta sa fictional world ano mang oras niya gustuhin.

"Mukhang maganda ang gising ng anak ko ah, pwede ko bang malaman kung bakit?" tanong ng Papa ni Charity sakanya

"Alam ko po, kasi napansin--" pinutol na ni Charity ang kanyang yaya dahil ayaw niyang malaman ng Papa niya na may crush siya

"Ah, opo. Napansin na po kasi ako ng teacher namin, kaya lagi na po ako nagto-top sa klase niya. Ang gandang balita po noon hindi ba?" sabi ni Charity sa kanyang Papa pagkatapos ay kinurot niya ang kanyang yaya ng palihim

Hindi kasi pwede magka-crush si Charity, anything na involve sa pag-ibig at kilig ay hindi pwede pag-usapan sa bahay nila sapagkat mapapagalitan siya ng kanyang Papa. Oo, nakakapag-open siya sa kanyang Mama pero hindi sakanyang Papa. Puro aral lang dapat ang atupagin ni Charity at ang pagbabasa.

Isa pang problema ni Charity ay ang anak si Denver ng kinaiinisan ng Papa niya sa trabaho kaya mahirap at imposible talaga na maging sila ni Denver. Ganoon pa man ay crush pa din niya si Denver, kung iisipin nga ay parang kwento din sa mga nababasa niyang libro ang sarili niyang buhay eh.

Si Charity ang anak na perpekto at bawal magkamali. Bawat galaw ni Charity ay dapat na alam ng kanyang mga magulang para siya ay maprotektahan at hindi siya mapahamak sa kung ano pa na kalokohan ng mundo.

Mabuti na lang talaga na nalaman niya ang potion, para sa ganoon ay makita din niya ang katotohanan sa iba't ibang anggulo ng buhay. May mga bago siyang experiences na kahit hindi man niya pwedeng ishare sa iba ay atleast nagawa niya.

Naaawa na kasi din siya sakanyang sarili, alam niyang marami siyang hindi alam dahil nakakulong siya sa bahay. May mga bagay na nga lang siyang natututunan dahil na rin sa panunuod niya ng balita o di kaya naman ay kapag nabasa niya sa social media.

Pagkatapos nilang kumain ay naligo at nagbihis na si Charity para pumasok sa school. Haharapin nanaman niya ang mga plastik niyang kaibigan, she has no choice but to live with it.

Nakakatawa ngang isipin na kung sino pa ang mga nakakasama niya sa realidad ay iyon pa ang hindi totoo sakanya. Buti pa sa mga librong binabasa niya, kahit hindi niya nakakasama iyon ay alam niyang tatanggapin siya ng buo ng mga ito. 

Sana pwede nilang maranasan kung ano ang nararanasan ni Charity ngayon para mag-iba naman ang pananaw nila sa buhay. Kaya mas gusto na lang ni Charity ang mga nababasa niya dahil may mas alam pa sila kaysa sa mga tao sa realidad.

Pagpasok niya sa school ay kumpulan ang mga tao. Hindi niya alam kung bakit pero madami siyang nakikita na nagtatawanan na mga schoolmates niya. Hanggang sa narinig na niya ang mga hikbi ng isang babae kaya agad niyang pinuntahan ito. Si Syn pala, naiyak dahil binubully ng karamihan.

"Tigilan niyo na nga siya, ano ba ang ginawa niya sa inyo para ganyanin niyo siya? Tahimik na nga na tao si Syn tapos ginaganyan niyo pa siya? Ano ba naman kayo? Isusumbong ko kayo sa admin office. Lagot kayo kapag nalaman nila ito." sabi ni Charity sa lahat

"Aba, may pake ka na sa weird na iyan? Nakakasurprise ha? Bestfriend mo na talaga iyan ano? Paano weird ka na rin kasi kaya dyan ka na sumama. Isipin mo, naniniwala ka na rin sa mga potions na binabasa ng weird na iyan. I thought ako ang bestfriend mo pero hindi na pala." sabi ni Alyson kay Charity

Nag-ingay ang lahat at pinagtawanan si Charity dahil binunyag ni Alyson tungkol sakanya. Hindi niya na pinansin iyon, sa halip ay tinulungan niyang tumayo si Syn na naiyak pa rin hanggang sa ngayon. Hinila niya ito para makalabas sa napakadaming tao sa school.

"Saan tayo pupunta? Saan mo ako dadalhin? Atsaka, bakit mo ako tinulungan laban sakanila? Hindi ba ayaw mo naman sa akin simula nung una pa lang?" sunud-sunod na tanong ni Syn kay Charity

"Huwag na madaming tanong, ang mahalaga ay ligtas ka na sa mga nambubully sa iyo. Ganoon naman iyon hindi ba?  Ano ba kasing nangyari at pinagtatawanan ka nila?" sabi ni Charity kay Syn

"Lagi naman silang ganoon eh, kahit wala akong sinasabi o ginagawa ay ganoon sila sa akin. Ako na nga ang pilit na lumalayo pero sila pa ang lapit nang lapit sa akin." sabi ni Syn sabay yumuko

Nakita na lang ni Charity na dumilim ang langit, nakita niya si Estella na tawa nang tawa sa harapan nina Alyson. Laking pagtataka ng grupo nila kung bakit dumilim ang langit kaya agad silang tumakbo habang takot na takot.

Hindi naman napigilan ni Syn at Charity na hindi tumawa dahil sa nakita nilang reaksyon ng mga nambubully sakanila. Nag-thumbs up si Charity habang si Estella ay ngumiti, pinagtanggol nanaman ng kanyang tagabantay si Charity. 

Ito na kaya ang simula ng pagkakaibigan nila? Lalo na at naniniwala na din si Charity tungkol sa mga potions na binabasa ni Syn o isa din sa mga makakaaway ni Charity si Syn dahil parehas na silang naniniwala tungkol sa potions?

Dyrev's Wish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon