Chapter 3

1.1K 69 12
                                    

Nagising na lang si Charity sa sinag ng araw na tumama sakanya. Umaga na pala, hindi na niya maalala pa kung ano ang nangyari kagabi. Nakita na lang niya na nakakalat ang gamit niya sa school. Nasa kama lang ito at hindi pa rin ayos. Ibigsabihin nakatulog siya habang nag-aaral? Iniisip niya kung totoo nga ba ang nangyari sakanya kagabi.

Tumingin siya sa paligid niya, nakita niya na nasa side table pa rin niya ang potion na sinasabi ng matanda kagabi. Habang nakatingin sa bote ay pumasok ang kanyang yaya. Agad naman niyang kinausap ito para tanungin kung ano ba ang nangyari sakanya kagabi.

"Ate? Ano ba ang nangyari sa akin kagabi? Alam mo ba na may matandang pumasok sa kwarto ko tapos naging dyosa? Hindi nga ako makapaniwala eh, pero totoo. Dahil yata iyon sa potion na ito." sabay turo sa bote na hawak niya

"Ano ka ba naman? Anong sinasabi mo dyan na matandang naging dyosa? Naku bata ka, baka antok ka lang. Halika na at maligo para magising ka na sa katotohanan. Panaginip mo lang iyon, okay? Inayos ko na ang uniform mo doon, maligo ka na." sagot ng yaya ni Charity sakanya

"Baka nga panaginip ko lang iyon. Makaligo na nga, baka ma-late pa ako sa school nito eh. May pagtatanungan na lang ako nito mamaya." sagot ni Charity sakanyang yaya

"Bumaba ka na at maligo pagkatapos ay kumain ka na. Kakabasa mo iyan ng libro kaya kung ano na lang ang pumapasok sa isip mo. Paano namang may matanda na magiging dyosa na papasok dito sa bahay ninyo? Puro fiction kasi ang binabasa mo eh." sabi ng yaya ni Charity sakanya

"Hayaan mo na, libro na nga lang ang nagpapakalma sa akin eh. Ikaw ba ate? Kapag pwede kang makapasok sa isang libro, gagawin mo talaga?" tanong ni Charity sakanyang yaya

"Naku, hindi naman ako mahilig sa mga babasahin eh, mas gusto ko na lang manuod. Nakakatulog kasi ako kapag nagbabasa ako, ang sakit sa mata." sabi naman ng yaya ni Charity sakanya

"Kapag pwedeng pumasok sa mga libro na nababasa ko ay aayusin ko ang mga nangyayari sakanila. Sasabihin ko ang totoo, magiging kaibigan nila ako." sabi ni Charity sakanyang yaya

"Sana nga pwede iyang iniisip mo kaso hindi eh, imposible iyan kaya ang mabuti pa ay maligo ka na lang mabaho ka na eh." asar ng yaya ni Charity sakanya

Wala na nagawa si Charity kundi kunin ang tuwalya niya at pumasok na sa banyo. Isa kasi sa rules sa school nila ay bawal ang ma-late kundi tatanggalin sa honor roll. Kaya minsan kahit antok na antok pa siya ay kailangan na niyang magising ng maaga.

Pagkatapos magbihis at kumain ay pumanhik siya sakanyang kwarto para kunin ang potion. Ipapakita niya ito kay Syn, isa sa mga adik magbasa ng mga libro tungkol sa magic sa school nila. Nung una ay hindi pa siya naniniwala dito pero ngayon na may hawak na siyang potion ay pwede na siyang magtanong.

Pagpasok niya sa eskwelahan ay agad niyang hinanap si Syn dahil alam niyang ito lang ang makakasagot sa mga iniisip niya tungkol sa potion na meron siya. Gulat na gulat naman si Alyson na hinahanap ni Charity si Syn dahil dati naman ay walang pakialam ito dito.

"Bakit mo ba siya hinahanap? Hindi pa siya napasok. Why suddenly ay may pake ka na sakanya? New bestfriend mo na ba siya?" sabi ni Alyson kay Charity

"Excuse me, wala pa rin akong pake sa nerd na iyon. May itatanong lang akong importante at pagkatapos wala na ulit akong pake sakanya. Okay? We will never be best of friends, in her dreams!" sabi ni Charity kay Alyson

"Don't tell me na naniniwala ka doon sa matandang nakita mo kahapon tungkol sa potions? Naniniwala ka na kaya kang papuntahin ng potion na iyan sa libro na binabasa mo? Ganoon ba?" sabi ni Alyson sakanyang kaibigan

"Hindi ko gagawin iyon, gusto ko lang malaman kung may nababasa si Syn na ganito sa mga libro na binabasa niya. " sabi ni Charity kay Alyson habang pinipilit pa ding hanapin si Syn sa paligid

"Ganoon din iyon eh, kapag nalaman mo edi ibigsabihin interesado ka sa potion na iyan. Alam mo naman na imposible pero aalamin mo pa din. Isa pa, sabi mo kagabi ay tinapon mo na iyan hindi ba? Bakit nasa iyo pa din? Desperada ka na ba na makapasok sa libro na binabasa mo?" sabi ni Alyson kay Charity

"Excuse me ulit, hindi naman porket nalaman ko na may ganito ngang potion ay gagawin ko na. Knowing is very different from doing." sabi ni Charity kay Alyson

"Dyan ka na nga, kaya ayaw kitang samahan kasi adik na adik ka na sa pagbabasa ng libro eh. Bagay nga kayo ni Syn, tutal nagbabasa din naman siya. Doon ka na lang makipagkaibigan, ayaw ko na makipagkaibigan sa baliw." sabi ni Alyson kay Charity

Hindi na pinansin pa ni Charity si Alyson dahil pilit pa rin niyang hinahanap si Syn sa bawat parte ng school nila. Hanggang sa nakita niya na si Syn, ganoon pa din ang itsura nito. Nakasuot ng nerdy glasses habang nakayuko dahil nagbabasa nanaman ng libro tungkol sa magic.

"Found you! Syn, may gusto sana akong tinanong sa iyo. Pwede ba? Hindi ka naman busy hindi ba? Kahit five minutes lang ng oras mo ay ayos na sa akin." sabi ni Charity pagkatapos ay nilabas na niya ang potion na galing sa bag niya

"A-ako? Ako talaga ang hinahanap mo? Bakit? Para saan? Ayos lang naman, nagbabasa lang naman ako ng potions tungkol sa love eh." sabi ni Syn kay Charity

"Love, eh? Ano naman ang alam mo doon? Anyways, ito ang potion na dala ko. May nakikita ka bang ganito dyan sa mga binabasa mo?" tanong ni Charity kay Syn

"May alam ka ba sa background ng potion na ito? Saka matanong ko lang, bakit ka may ganitong potion? Namamangha ka na din ba sa mga potion kaya bumili ka?" sabi ni Syn kay Charity

"Oh my gash, hindi ako bumili niyan. Kindly answer me na lang para matapos na itong usapan natin. For your information, I'm not making friends with you. Okay? I just need your help. Ang sabi daw ay kapag ininom iyan ay makakapunta ka sa mga libro na gusto mong puntahan pero hindi ako naniniwala." sabi ni Charity kay Syn

"O-okay. Alam ko na! Nabasa ko na iyan, ito iyan oh." sabi ni Syn habang nililipat ang pages ng book of potions na binabasa niya

Nung nakita niya ang potion sa libro at ang potion sa totoong buhay ay hawig na hawig talaga ito. Namangha si Charity pero tinatanong pa rin niya ang sarili niya kung maniniwala siya rito o hindi. 

Dyrev's Wish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon