Chapter 27

425 28 0
                                    

Habang nagkekwentuhan ay napansin ni Mang Edong si Charity na tahimik lang at hindi nakikisalamuha sakanila, kaya naman hindi naiwasang magtanong ng matanda.

"Ayos ka lang ba, hija? Mukhang malalim ang iniisip mo at parang malungkot ka. Hindi mo ba alam na bawal iyan dito?" sabi ni Mang Edong kay Charity

Para namang nagising sa katotohanan si Charity. Oo nga pala, hindi nila pwedeng ipakita na malungkot sila dahil ito nga ang dahilan kung bakit sila nagrenta, iyon ay para sumaya at makalimutan ang problema.

"Oo nga po pala, nasa house rules iyon. Pasensya na po, natulala lang ako sa sobrang shocked na nandito na ako ngayon." pagsisinungaling ni Charity

"Alam kong iba ang naiisip mo. Ano iyon, hija? Oo nga pala, kailangan mong sabihin sa amin kung bakit mo kami nirentahan. Ikwento mo kung bakit ka nandito para alam namin kung ano ang kaso mo." sabi ni Mang Edong kay Charity

"Ah, kaya po ako nagrent dito kasi nalaman ko po na hindi pala ako tunay na anak ng aking Papa. Nagalit po ako sa parents ko kaya naisipan ko po munang lumayo sakanila. Masaya po ako na may ganitong application sa cellphone para makalimot muna sa problema ko." sabi ni Charity sabay ngiti kay Mang Edong

"Ibang-iba ang kaso mo sa mga nagrerenta sa amin ah. Madalas kaya nila kami nirerentahan ay dahil sa wala na silang pamilya, miss na miss na kasi nila ang mga magulang nila kaya nila kami tinawagan." sagot naman ni Mang Edong kay Charity

"Ah, kawawa naman po pala sila. Ano po bang ginagawa niyo dito para hindi kayo mabored?" tanong ni Charity kay Mang Edong

"Alam mo, parang anak ko na din ang mga napunta dito. Pinaparamdam namin kung ano talaga ang dapat nilang maramdaman, kung ano ang kulang. Basta, ginagawa naman namin ang lahat para pagbalik nila sakanilang mga pamilya ay hindi nila kami makalimutan." sagot naman ni Mang Edong kay Charity

Pagkatapos ng usapan na iyon ay tumayo ang isang babae. Ang pangalan niya ay Sheryl. Medyo ka-edad din siya ni Mang Edong, siya ang tumatayong ina ng nirerentahan na pamilyang ito. Kumuha siya ng ulam at nilapag ito sa lamesa, habang ang ibang miyembro naman ay kumuha na ng pinggan at kutsara.

"Ako na po ang bahala sa kanin, nakakahiya naman po kung wala akong gawin dito eh." sabi ni Charity sabay tayo para kumuha ng kanin

"Hindi mo naman kailangan gawin iyan, bisita ka pa rin namin dito kaya nararapat lang na pagsilbihan ka namin." sagot ni Sheryl kay Charity

"Kayo po ang pamilya ko ngayon hindi ba? Kaya nararapat lang na magtulungan po tayo dito ngayon. Ano pa ang pamilya kung hindi rin naman magtutulungan diba po?" sagot ni Charity sabay ngiti kay Sheryl

Wala na sinabi si Sheryl, sa halip ay ngumiti na lang ito. Pag-upo ni Charity ay nag-umpisa na sila magdasal at kumain. Habang kumakain sila ay kinukulit naman ng isang bata si Charity, nasa edad tatlo ang bata. Tuwang-tuwa si Charity dahil wala naman siyang kapatid sa realidad pero gustong-gusto niya magkaroon.

"Iyan si Pochoy, siya ang kasiyahan namin dito sapagkat napakabibo niyang bata. Kita naman siguro sa mga ngiti niya." sabi ni Sheryl kay Charity

"Oo nga po, natutuwa po ako sakanya. Matagal ko na po kasing gustong magkaroon ng kapatid kaso ayaw na po ng parents ko kaya wala na po akong nagawa." sagot naman ni Charity habang nakain sila

"Ah, ang lungkot naman pala kasi mag-isa ka lang. Kaya siguro naghahanap ka rin ng kalinga ng isang pamilya. Sobrang busy ba sila sa trabaho nila kaya hindi ka na nila nabigyan ng oras?" tanong ni Mang Edong kay Charity

"Opo, sobrang busypo nila. May sari-sarili kaming mundo sa amin. Lalo na po yung kinilala kong Papa, binibigay naman po niya sa akin ang lahat pero ang hindi niya alam ay ang gusto ko lang ay buo at masayang pamilya." sabi ni Charity kay Mang Edong

"Ah, mayaman pala kayong pamilya. Sabagay, madalas iyan sa mga mayayaman. Nakukuha nga nila ang gusto nila pagdating sa mga materyal na bagay pero hindi naman sila tunay na masaya. Hindi katulad naming mga simple lang mamuhay, hindi man namin nakukuha ang lahat pero alam namin na sapat iyon para sa amin." sagot ni Mang Edong kay Charity

Dahil doon sa sinabi ni Mang Edong ay napa-isip si Charity. Totoo nga naman ang sinasabi ng matanda, iyon talaga ang nararamdaman niya ngayon. Buti na lang at nakilala niya ang pamilyang ito, sa wakas ay naintindihan na niya kahit papaano kung ano talaga ang true essence ng pamilya.

Habang nagliligpit ang iba sa pinagkainan nila ay minabuti ni Sheryl na kausapin si Charity dahil nararamdaman nito kung ano talaga ang kulang sa dalaga. Tinawag niya si Charity na masayang nakatingin kay Pochoy.

"Hija, pwede ba kitang makausap kahit saglit? May gusto lang akong sabihin at sana ay maintindihan mo rin kung ano ang punto ko." sabi ni Sheryl sabay nakangiti kay Charity

"Oo naman po, iyon nga po ang gusto ko. Ang makausap kayong lahat, para po kasing ang saya-saya niyo dito. Para bang walang iniindang problema ang pamilya ninyo." sabi ni Charity sabay lapit kay Sheryl

"Iyon kasi ang pangako namin sa isa't isa ni Edong, na kahit anong mangyari ay sisikapin namin na maging masaya pa rin ang pamilya namin kahit na marami kaming problema." sabi ni Sheryl habang nakangiti kay Charity

"Sana po ganun na lang kadali ano? Sana lagi na lang masaya ang pamilya kahit may problema sila. Kung ganun lang kadali sana eh masaya ako sa pamilya ko." sabi ni Charity kay Sheryl

"Alam mo, ibang-iba ang kaso mo sa mga napunta dito. Maswerte ka nga, buo pa rin ang pamilya mo. Kaya naman sila napunta dito ay dahil ulilalng lubos na sila, gusto ulit kasi nilang maramdaman ang isang kumpletong pamilya." sabi ni Sheryl kay Charity

Dahil doon ay biglang natauhan si Charity, tama naman si Sheryl eh. Maswerte pa rin siya dahil nandyan ang Mama at Papa niya, buhay pa rin sila at may oras pa si Charity para samahan ang pamilya niya. Eh ang iba, wala na dahil kinuha na ni Lord ang kapamilya nila. 

Magbago kaya ang isip ni Charity? Mapatawad na kaya niya ang Mama at Papa niya? Ito na ba ang hudyat para bumalik siya sa tunay niyang pamilya? Ano na nga ba ang nangyari sakanila noong umalis siya? Hinanap kaya siya ng mga ito?

Dyrev's Wish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon