Agad nilang tiningnan ito at nung makumpirma nila na gamit ng isang babae iyon ay hinanap na nila kung nasaan yung babae. Buti na lang ay may humingi ng saklolo sa di kalayuan, tinig iyon ng babae kaya agad nilang pinuntahan. Iyon na ba si Jana?
"Help, help! May langgam, ang dami! Hindi ako makaalis, is anybody here to help me? Please! All I want is food. Bakit kailangan ko pang makagat ng langgam para lang makakain? Haynaku, nasaan na ba kasi ako?! Will I be staying here forever?!" sigaw nung babae
Pagdating nina Charity at Voltaire doon sa babae ay tinulungan agad nila ito. Sa totoo lang, nung oras na binabasa ito ni Charity ay ayaw niya talaga kay Jana dahil maarte ito, hindi katulad niya. Kaso wala naman siyang magagawa dahil modernong Tarzan at Jane itong nasa harap niya. What to expect hindi ba?
"Miss, okay ka lang ba? Anong nangyari sayo? Nakita namin ang gamit mo doon pagkatapos ay narinig namin ang sigaw mo kaya naman naparito kami para tulungan ka.Ano ba ang nangyari sa iyo?" sabi ni Voltaire kay Jana
"Ang dami kasing langgam eh. Pakitulungan naman ako kuya. Alam kong hindi pa kita kilala pero help me please." pagmamakaawa nung babae kay Voltaire
Hindi na nag-atubili pa si Voltaire, inalis niya ulit ang kanyang damit pagkatapos ay iyon ang ginamit niya para maalis ang langgam sa binti ni Jana.
"Haynaku, ang dumi na ng damit ko. Hindi na lang ako magdadamit, hayaan na ito dito." sabi ni Voltaire
Nagulat ang dalawa sa naging desisyon ni Voltaire. Ibigsabihin, makikita nilang dalawa ang malaki nitong katawan na halos paglawayan na nila kanina.
"Naku, magdamit ka pa rin. Kaya pa naman iyan eh, pagpagan mo na lang at ayos na din iyan." sabi ni Charity kay Voltaire
"Huwag na nga daw diba? Okay lang iyan, tutal mainit naman dito dahil ang hot ng abs mo este mainit talaga ang panahon ngayon." sagot naman ni Jana
Natatawa na lang si Voltaire sa mga reaksyon nung dalawang babae. Feeling niya kahit na maiwan siya dito sa isla ay okay lang basta kasama niya yung dalawa.
"Kumain ka na ba? Tara, ikukuha kita ng buko. May nakita pa akong isa doon sa kinuhanan namin." sabi ni Voltaire kay Jana
"Iyon na nga eh, kanina pa ako naghahanap ng pwedeng food dito pero wala akong mahanap. Nakakainis na, pero paano ba kumain ng buko?" sabi ni Jana
Bigla namang napatawa ng malakas si Charity dahil sa nalaman niya na hindi pala marunong kumain ng buko si Jana.
"Ang ganda-ganda mo pero hindi ka maalam kumain ng buko. Sayang ka 'te!" sabi ni Charity kay Jana
"Ano ka ba naman? Huwag ka ngang ganyan kay-- ano nga ulit pangalan mo?" sabi ni Voltaire
"My name is Jana. Ikaw naman kuyang pogi? Anong name mo?" sagot naman ni Jana with matching beautiful eyes pa
"Ako si Voltaire at ito naman si-- teka, hindi ko pa pala alam ang pangalan mo simula pa kanina. Sino ka nga?" sabi ni Voltaire kay Charity
Naalala ni Charity na hindi pa nga pala siya pormal na nagpapakilala dito dahil sa pagmamabilis nila kanina. Bahagya siyang natawa at nagpakilala na kay Voltaire at Jana.
"Ah, ako nga pala si Charity. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito pero mabuti na lang at nandito rin kayo para may kasama din ako." pagsisinungaling ni Charity kina Voltaire at Jana
"Ah, halika kuyang pogi. May extra tshirt ako doon sa mga gamit ko na hindi ko pa nagagamit. Pwede mo iyong suotin, mukhang kasya naman sa iyo eh." sabi naman ni Jana na may kasamang paglandi sakanyang boses
Dahil inis na inis si Charity at nagseselos siya sa inaasta ni Jana ay hindi niya naiwasan na hindi magmake-face sa mga sinasabi ni Jana. Sa di inaasahan ay napansin iyon ni Voltaire, kaya naman kinuha niya ang atensyon ni Charity.
"Huy, baka makita ni Jana dyan mamaya. Sabihin pa niya ay ginagaya mo siya, pero infairness ha. Ang cute mo dyan." sabi ni Voltaire kay Charity
"Ah, sorry naman. Naiinis kasi ako sa inaasta niya eh, nasa gubat at isla na nga siya ganoon pa rin siya ka-arte? Ang mga tao nga naman sa modernong panahon o." sgot naman ni Charity kay Voltaire
"Actually, I don't like the way she acts too. Mas gusto pa nga kitang kasama pero kailangan natin siya pakisamahan. Mukhang mahihirapan tayong makaalis dito eh." sagot naman ni Voltaire kay Charity
Pagkatapos noon ay nagbihis na si Voltaire, todo pa-cute pa din si Jana sakanya kaya iritang-irita si Charity pero ano namang laban niya sa babaeng iyon eh siya ang bidang babae sa kwento na ito?
Buti na lang at nagpakita na si Estella kay Charity, ibigsabihin ay tapos na ang kanyang oras dito sa isla at kailangan na niyang umalis at umuwi na sa realidad. Agad siyang nagpaalam doon sa dalawa.
"Iihi lang ako, dyan muna kayo ha? Babalik rin ako." pagsiisnungaling pa ni Charity
Pagkatapos noon ay dumeretso na agad siya kay Estella ng palihim. Ayaw man niya na iwan si Voltaire sa babaeng iyon dahil sobrang arte ay wala na siyang magagawa. Kung pwede ngang siya na lang si Jana ay gagawin na niya.
Pagbalik sa realidad ay kinausap muna ni Estella si Charity dahil napansin niya na may inis sa mukha nito. Wala naman siyang ginawa para mainis ang dalaga kaya laking pagtataka niya na hindi maipinta ang mukha ni Charity.
"Charity, bakit inis na inis ka nung bumalik ka sa realidad? May problema ka ba? Ayaw mo na bumalik dito?" tanong ni Estella kay Charity
"Hindi sa ganoon pero naiinis lang kasi ako kay Jana, ang arte niya kaya. Nasa isla na nga ganoon pa ang ugali." sabi ni Charity kay Estella
"Alam mo naman ang mangyayari sa dulo hindi ba? Magbabago siya at mamahalin nila ang isa't isa. Natapos mo na yung libro na iyon, alam kong alam mo na ang mangyayari sakanila. Ganoon talaga Charity, tapos na ang misyon mo sakanila dahil kailangan ka na dito sa realidad." sabi ni Estella kay Charity
"Iyon na nga eh, sana ako na lang siya." sagot naman ni Charity
BINABASA MO ANG
Dyrev's Wish (Completed)
FantasyWhat if sa bawat book na nababasa mo eh nakakasama mo ang characters sa kwento? Makabuo ka kaya ng sarili mong kwento na kasama sila? Paano nga ba makakabalik si Charity mula sa book collection niya? Paano kung mainlove siya kay Dyrev na isang ficti...