Chapter 11

614 43 2
                                    

  Wala na nasabi si Charity, lumapit na lang siya kay Maricar at niyakap niya ito ng mahigpit. Dala na rin sa dami ng problema ni Maricar ay hindi na niya naiwasan pa na hindi yakapin si Charity kahit na hindi pa niya kilala ito.   

"Pasensya ka na kung umiyak ako sa iyo kahit na hindi mo pa naman ako kilala. Sa totoo lang kasi ayoko talaga ng ganitong trabaho pero napilitan lang naman ako dahil wala naman akong mahanap na trabaho." sabi ni Maricar kay Charity

"Alam kong weird pero kilala kita kahit hindi mo ako kilala. Alam ko ang buong buhay mo kaya okay lang sa akin kung umiyak ka sa harapan ko. Naiintindihan ko naman kung bakit mo ito nagagawa." sagot ni Charity kay Maricar

Gulat na gulat si Maricar dahil sa sinabi ni Charity, ang mga luha niya ay napalitan ng hindi ma-explain na mukha. Alam niyang wala naman siyang kaibigan sa Manila kaya wala siyang pagsasabihan ng mga problema niya. Hindi rin naman niya naaalala na kababata niya si Charity kaya alam niyang hindi pa niya ito nakikilala kahit kailan.

"Wala naman akong amnesia, pero sino ka? Wala naman akong kaibigan dito sa Maynila, sino ka ba talaga?" tanong ni Maricar kay Charity

"Hindi na importante ngayon kung sino ako sa buhay mo. Ang importante para sa akin ngayon ay ang kaligtasan mo. Alam mo ba kung sino yung sumuntok doon sa matanda kanina? Siya yung magliligtas sayo." sabi ni Charity kay Maricar

"Ah, naligtas na niya tayo hindi ba? Okay na iyon. Sayang lang hindi na tayo makakapagpasalamat sakanya, nandito na tayo sa labas eh." sagot ni Maricar habang kumukuha ng isang stick ng yosi at sinindihan niya ito

"Hindi ganun na ligtas ang ibig kong sabihin. Iibigin mo ang lalaki na iyon at iyon ang magpapabago sa buhay mo." sabi ni Charity kay Maricar

Kitang-kita naman ang labis na pagtataka ni Maricar sa mga sinasabi ni Charity sakanya, hindi pa rin siya makapaniwala na may isang tao na nakakakilala sakanya ng ganun kahigit. Kung loka-loka lang ngang mag-isip si Maricar ay iisipin niyang manghuhula si Charity o baliw.

"So sinasabi mo ba na yayaman ako dahil sa lalkaing nagligtas sa atin kanina? Hindi naman niya ako kilala eh, paano ako yayaman dahil sakanya?" sagot ni Maricar kay Charity

"Basta, alam ko na mangyayari iyon. Basta maniwala ka lang sa akin ha? Kahit ngayon lang, kapag nagkita tayo ulit ay papasalamatan mo ako dahil dito sa sinabi ko sa iyo." sabi ni /charity kay Maricar

Hindi na nakapagsalita pa si Maricar dahil ilang minuto lang ay lumabas na si Antonio Esquivel sa bar na pinagtatrabahuhan ni Maricar at agad siyang lumapit kina Charity para kamustahin ang dalawa.

"Antonio, ayos ka lang ba? May galos ang iyong mukha, gusto mo dalhin ka na namin sa ospital? Maricar, tumawag ka ng--" sabi ni Charity pero naputol dahil sumagot agad si Antonio

"Ayos lang ako, konti lang ito. Teka, paano mo ako nakilala eh hindi pa naman tayo nagkikita kahit kailan?" sagot ni Antonio kay Charity

"Iyon nga din ang pinagtataka ko eh, kilala din niya ako kahit hindi niya ako kilala. Wala naman akong naaalala nung nakita ko ang mukha niya." sabat naman ni Maricar

"Pasensya na kayo kung hindi niyo ako kilala pero kilala ko kayo. Hindi na importante iyon ngayon, ang importante ay madala ka na sa pagamutan Antonio." sagot naman ni Charity akanila

"Hindi ko na kailangan magpa-ospital. Kaya ko naman ito, kayo? Kamusta na ba kayo? Hayaan niyo at kakasuhan ko ang matandang bansot na iyon. Hindi niya matatakasan ang ginawa niya sainyo, pangako iyan." sagot ni Antonio sa dalawa

Si Antonio kasi ay anak ng mayor sa lugar na iyon, ito ang hindi alam ni Maricar. Kung alam lang ni Maricar kung gaano siya sa kaswerte sa taong nasa harapan niya, baka hinahalikan na niya ito mula ulo hanggang paa.

Dahil ayos na si Maricar at si Antonio ay nagpakita na si Estella. Ibigsabihin, tapos na ang misyon niya at kailangan na niya ulit bumalik sa realidad. Malungkot man pero kailangan na ulit magising ni Charity na ito ay pansamantala lamang. 

"Oh siya, ikaw na ang bahala kay Antonio ha? Uuwi na ako, hayaan mo at ayos na ako.  Iyong sinabi ko sa iyo kanina ha? Alagaan mo si Antonio." bulong ni Charity kay Maricar

"Saan ka ba uuwi? Ako na ang maghahatid sayo, baka mapaano ka pa sa daan. Baka nandyan nanaman yung matabang bansot na iyon tapos bastusin ka ulit." sabi ni Antonio kay Charity

"Hindi na, may susundo na sa akin. Huwag niyo akong alalahanin dahil ayos na ako kung ayos kayong dalawa. Hanggang sa muli nating pagkikita." sabi ni Charity pagkatapos ngumiti doon sa dalawa

 Isa sa mga dahilan kung bakit iyon ang napili ni Charity na libro ay dahil kahit na galing sa mayamang pamilya si Antonio ay hindi pa rin ito naging mayabang, may pakialam sa kapwa. Kung wala nga lang si Maricar sa harapan nila ay siguradong hinalikan at niyakap na ni Charity si Antonio.

Pagkauwi ni Estella at Charity ay nag-usap sila dahil takot na takot si Charity kanina doon sa matandang bansot na nambastos sakanya. Akala niya noong una ay madali lang ang mga pupuntahan niya sa loob ng libro pero hindi pala.

"Bakit hindi mo naman sinabi sa akin na doon pala ako pupunta? Bakit sa scene na iyon pa? Akala ko ay maghuhubad na ako doon sa harapan ng matandang bansot na iyon eh. Isa pa, hindi ka nagpakita sa akin kanina nung binabastos na niya ako!" pagmamaktol ni Charity kay Estella

"Parte iyon sa misyon mo. Saka kaya hindi ako nagpakita noon ay dahil alam ko na darating si Antonio at siya ang magliligtas sa inyo ni Maricar. Naging masaya ka naman hindi ba dahil nakasama mo sila?" sagot ni Estella kay Charity

Tumango na lamang si Charity pero takot na siya sa mga susunod na papasukin niyang libro. Ang tanong, tumuloy pa kaya siya o sumuko na siya dahil baka kung saan nanaman siya dalhin ng potion na iyon?

Natulog na si Charity samantalang umalis na rin si Estella dahil kinuha na siya ng liwanag ulit.

Dyrev's Wish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon