Chapter 38

355 30 0
                                    

  Dahil nakita ni Charity na nangungusap talaga ang mga mata ni Dyrev sakanya ay napag-isipan niya na mag come-up sa isang desiyon. Naisip niya na maki-usap kay Estella kung pwede na mag-stay muna siya sa loob ng libro kahit na alam niyang imposible.

"Teka muna ha, lalabas muna ako. Saglit lang. Huwag ka mag-alala, babalik ako. May kakilala kasi ako sa labas na kailangan kong makausap. Saglit lang, dyan ka lang." alibi naman ni Charity para makausap niya si Estella

Pagkatapos noon ay lumabas muna siya para makausap si Estella ng masinsinan. Nagtaka naman si Estella kung bakit ganoon ang itsura ni Charity nung lumabas siya sa bahay ni Dyrev, para bang hindi mapakali.

"Oh, bakit ganyan ang mukha mo? Tara na,   uuwi ka na hindi ba? Ba't parang ayaw mo pang kumilos dyan?" tanong ni Estella kay Charity

"Pwede ba akong humiling? Kahit ngayon lang, wala kasing kasama si Dyrev dito sa bahay niya. Hiniling niya sa akin na samahan ko muna siya, pwede ba iyon?" sabi ni Charity kay Dyrev

"Ha? Ano bang nangyayari sayo? Bakit ganyan ka? Alam mo naman na kailangan umuwi kapag tapos na ang misyon hindi ba?" sagot ni Estella kay Charity

"Alam kong hindi pa tapos ang misyon ko sakanya. Please, kahit ano ay gagawin ko para lang mabantayan ko siya ngayong gabi. Payagan mo na ako, kahit ito na lang. Naging mabuti naman ako hindi ba?" sagot ni Charity kay Estella

"Alam ko naman, sinunod mo naman ang lahat pero bakit mo ito gagawin? Dahil ba nakikita mo si Denver at hindi si Dyrev? Sabihin mo sa akin ang totoo, iyon ba?" sabi ni Estella kay Charity

"Parte na rin iyon pero talagang naaawa ako sakanya, Estella. Alam ko ang buong kwento tungkol sa buhay niya kaya nararamdaman ko kung ano man ang nararamdaman niya ngayon." sabi ni Charity kay Estella

"Hindi mo na ba tanda? Pansamantala ka lang dito at hindi ito totoo. Huwag mo gamitin ang puso mo, mukha lang iyan ni Denver pero si Dyrev pa din iyan. Alam mo naman iyon hindi ba? Itatak mo sa utak iyan." sabi ni Estella kay Charity

"Oo, iba ang taong nakikita ko sakanya pero kahit ngayon lang ay makikinig ako sa nararamdaman ko sa aking puso. Sana naman ay pagbigyan mo ako, kahit ito na lang ang ibigay mo." sabi ni Charity kay Estella

"Sige, bibigyan kita ng sampung araw. Pagsapit ng ika-sampu ay babalik ka na sa realidad at hindi ka na gagamit ng potion kahit kailanman." sabi ni Estella kay Charity

Biglang nagliwanag ang mukha ni Charity dahil sakanyang narinig, gusto niyang tumalon sa saya pero nahihiya siyang gawin sa harapan ni Estella kaya niyakap na lang niya ito. Isang araw lang ang hiniling niya pero sampung araw ang binigay sakanya.

Nangako na lang siya sakanyang sarili nasusulitin niya ang mga araw niya sa loob ng libro para madami siyang baunin sa realidad. Mga memories na hinding-hindi niya makakalimutan kailan man, nasa loob man o labas ng libro.

"Maraming salamat, Estella. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kung hindi ka pumayag sa hiling ko. Huwag ka mag-alala, magiging mabait ako dito sa loob ng libro. Wala akong gagawin na hindi naaayon sa napag-usapan natin." sagot ni Charity kay Estella

"Sige na, basta alalahanin mo lagi ang mga bilin ko sayo. Ang mga rules para makabalik ka sa realidad. Huwag ka mag-alala, gagawa ako ng paraan para hindi ka hanapin sa inyo sa sampung araw na iyan. Basta, babalik ako pagkatapos ng sampung araw." sabi ni Estella kay Charity

Pagkatapos noon ay umalis na si Estella, pumasok na rin si Charity na may malaking ngiti sakanyang mukha. Hindi kasi siya makapaniwala na pinayagan siya ni Estella na manatili sa loob ng libro kahit ilang araw lang.

"Oh, bakit ang tagal niyo naman nung kausap mo? Parang ang lalim nung pinag-usapan niyo ah, pwede ko ba malaman? Boyfriend mo siguro iyon ano? Nagpapaalam ka na dito ka muna sa akin kasi mas gwapo ako sakanya." biro pa ni Dyrev kay Charity

Sa di inaasahan ay nayakap ni Charity si Dyrev dahil sa sobra niyang excitement. Nagulat tuloy si Dyrev sa ginawa ng dalaga. Nung narealize ni Charity na nakayakap siya sa binata at agad niyang tinanggal ang kanyang kamay sa pagkakayap,

"Ah, I'm sorry. Boyfriend ka dyan, tigilan mo ako ha? Hayaan mo na iyon. Magpahinga ka na, babantayan na lang kita dito sa labas ng kwarto mo. Dito na lang ako tutulog." sagot naman ni Charity kay Dyrev

"Uy, bakit mo ako niyakap? May gusto ka talaga sa akin ano? O baka naman gusto mo talaga ako rape-in kaya inuunti-unti mo na ako ano? Hoy, not my sexy body! Hinding-hindi mapapasa iyo ito kahit kailan!" sagot naman ni Dyrev kay Charity

"Nasaan ang sexy dyan? Aba, ang lakas ng tama mo ah. hinding-hindi kita pagnanasahan ano. Iba naman ang tipo ko sa katawan ng mga lalaki. Walang-wala ka doon. Okay?!" matapang na sagot naman ni Charity kay Dyrev

"Walang-wala ako doon? Baka nga ako ang iniisip mo hanggang sa pagtulog mo eh. Ahah, alam ko na ang galawan mo! Papainumin mo ako ng kape na mapait pero may pampatulog pala." sagot naman ni Dyrev kay Charity

"Alam mo, hindi iyon ang gagawin ko. Iuuntog na talaga kita sa pader kasi ang laki na ng ulo mo. Matulog ka na nga, pagod lang iyan! Umayos ka na ng sagot sa akin, sasampalin na talaga kita, makita mo." sagot ni Charity kay Dyrev

"Ha? Saan ka matutulog? Dyan sa sofa? Aba, loko-loko ako madalas pero hindi naman ako bastos. Doon ka matulog sa kwarto ko. Tabi tayo, gusto mo?" sagot ni Dyrev kay Charity

Dahil sa sinabi ni Dyrev kay Charity eh hindi na tuloy mamakali ang dalaga. Hindi niya alam kung kikiligin siya o matatakot sa pwede mangyari sakanya sa kwentong ito. Nakalimutan niya bigla na babae pa rin siya at ang kasama niya ay lalaki. 

"Oh, bakit ka natulala dyan? Biro lang, alam ko naman na hindi ka tatabi sa akin ano. Saka ayaw ko din, marunong naman ako rumespeto sa babae kahit gago ako minsan." sabi ulit ni dyrev kay Charity

Nabunutan ng tinik si Charity noong marinig niya na biro lang pala ni Dyrev iyon. Akala niya talaga ay katapusan na ng mundo, pero naiisip pa rin niya na nakakahiya kapag nakita sila ng iba na magkasama. Ano kaya ang gagawin niya sa problemang ito?

Dyrev's Wish (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon