Part 2

447 4 0
                                    

PART 2

"Hindi Kayo maniniwala sa sasabihin ko sa inyo." excited na sabi ni Jyra Mae sa dalawang kaibigan na sa conference room na niya naabutan.

Mabuti nalang at sa likuran ang pwesto ng mga ito kaya agad niyang nakita.Naroroon na ang halos lahat ng empleyado ng kanilang kompanya.

"Ano ba kasi ang ginawa mo at ngayon ka lang nakabalik dito?"

"Well, ganito kasi iyon, umpisa niya.Naririnig niyang nagsalita na sa harapan ng podium ang head HR Department na si Mr. Dela Cruz pero hindi niya iyon binibigyan ng pansin.

Abala kasi siyang ikuwento sa dalawang kaibigan ang tungkol sa lalaking nakita niya sa anything to say or you have any concern, feel free to come to my office and talk to me personally."

"Guys, lets give our warm welcome to Mr. Alec Brandon Dungo.Nagpalakpakan ang mga kapwa niya empleyado.At habang masayang wine-welcome ng mga ito ang kanilang substitute OIC, pinagbabalakan naman niya kung paano makagaganti sa pagkapahiyang sinapit niya nang dahil dito.

"I think I'm inlove!" Mariz said with a sigh."Mas nakaka-inspire na magtrabaho ngaun.My gosh! He's so guwapo! Pag-ibig na talaga ito!"

"I wonder kung binata pa si Sir Alec. Ano sa palagay mo, Jyra?"

"Sa palagay ko, may labindalawa siyang anak na panganay, anim na asawa at anim na kerida", asar namang wika niya."Isa siyang makasalanang lalaki dahil nakikiapid din siya.Masusunog ang kaluluwa niya sa impyerno."

"Hay naku, naiinis ka parin ba sa nangyari sa loob ng conference room?" naiiling na wika ni Mariz.

"Umayus-ayos ka ngang babae ka.Mamaya may makarinig sa iyo. Saka kahit saang anggulo tingnan, ikaw naman talaga ang may kasalanan."

"At ako pa raw ang sisihin,"nakasimangot na sabi niya habang nagpi-print."Ako na nga ang napahiya, ako pa ngayon ang sinisisi ninyo.And to think I told you that he's my fated man. Hindi ko mapapatawad ang pagpapahiya niya sa akin. "How dare him!" 

"Teka-teka." tumayo si Mariz at lumapit sa kanya. Pakiulit nga iyong sinabi mo?"  "Mahabang masyado ang sinabi ko, tamad na akong ulitin."

"Did you say that the guy you were so eagear telling us and Sir Alec are one?"

"May sinabi ba akong ganoon?"

"Kawawa ka naman, Mariz, my friend.Nahuli ka na. Nalawayan na ni Jyra Mae si Sir Alec."

"Nakakainis naman! akalo ko ay pag-ibig na ito". Bumalik na si Mariz sa pwesto nito.

"Para kayong ewan." Binuksan niya drawer niya at kinuha ang pouch na naglalaman ng toothpaste at tootbrush niya." Pakisagot na lang muna ang mga tawag ko, magtu-toothbrush lang ako dahil hindi na ako makapag-toothbrush kanina".

"YOU THERE! Where are you going?"

Napahinto sa paghakbang si Jyra Mae nang makasalubong niya substitute ng OIC nila sa may hallway.Papunta na siya sa washroom.

"SIR!" naibulalas niya.Hindi niya inaasahang makakasalubong niya ito sa corridor.

"Bakit pakalat-kalat ka? Hindi ba dapat ay nagtratrabaho ka sa mga sandaling ito?" anito at nagsalubong ang mga kilay nang pamansin ang bitbit niyang mug at pouch.

"Papunta lang ho ako sandali sa washroom, Sir," paliwanang niya.

"Katatapos lang ng breaktime, hindi ba?"

Pambihira naman! Gusto ko lang namang mag-toothbrush.Bakit ba parang ang laki na ng kasalanang nagawa ko kung usigin ako ng lalaking ito?

Lumapit ito sa kanya. Inabot nito ang ID niya. "Jyra Mae Agpangan, customer relations officer." Tumingin ito sa mukha niya pagkatapos ay sa picture na sa ID niya. "Ikaw ba ang nasa ID na ito?" tanong nitong salubong parin ang mga kilay.

JALEC-When i finally found youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon