"ARAY!" Napangiwi si Jyra habang sapo ang nasaktang ulo nang mahulugan siya ng mga folder habang pilit niyang inaabot sa hanging cabinet. Isa-isang dinampot niya ang mga folder. Nang masinop na niya ang mga iyon ay tumayo na siya upang ibalik sa dating kinalalagyan. Ang problema, hindi niya alam kung paano gagawin iyon dahil may kataasan ang hanging cabinet.
Luminga-linga siya sa pagbabakasali-sakaling may matuntungan siya ngunit wala siyang makita. Napilitan siyang tumingkayad na lang at pilit na isinalpak ang mga folder sa hanging cabinet.
" Ano'ng ginagawa mo riyan?"
"Ah, kayo pala, Sir Alec-----awww! Dumulas ang isang folder niya. "Pambihira naman talaga! Sobra na ito. Sino ba ang nagpausong maglagay ng mga papeles sa hanging cabinet na 'to?" nanggigigil na wika niya.
Nilapitan siya nito at kinuha sa mga kamay niya ang mga folder matapos damputin sa sahig iyong nalaglag.
" If you want someone to blame for this, hate your vertically challenged self," anito, pagkatapos ay walang kahirap-hirap nitong nailagay ang mga folder sa hanging cabinet. " Nasaan ba ang mga kasama mo? Bakit hindi ka nagpatulong o kaya tumuntong para hindi ka nagpapakahirap diyan? Alam mo namang kapos ka sa height."
" Wala akong makitang tao rito kanina at wala rin akong makitang tuntungan," naaasar na wika niya habang sapo ang bahaging masakit sa kanya. " Salamat sa tulong," labas sa ilong na sabi pa niya. Tumulong nga ito pero pinintasan naman ang height niya.
Lumapit ito sa kanya at sinipat ang nasaktan niyang bumbunan. Naramdaman niya ang masuyong pagdantay ng kamay nito sa ulo niya. And he was so close that her nostrils were immediately filled with his irresistible scent. Parang gusto tuloy niyang yakapin ito at humilig sa malapad na dibdib nito at namnamin ang bango nito.
"Saan ba ang masakit?" he gently asked her while looking at her head.
Hindi niya napigil ang mapangiti sa pag-aalalang ipinapakita nito. Mabuti na lang at matangkad ito sa kanya kaya hindi nito nakikita na abot hanggang batok na ang ngisi niya.
" Eh, medyo masakit nga sa banda riyan, Sir."
" I see." Pagkatapos ay naramdaman niyang masuyong hinihipan nito iyon.
Naramdaman niya ang pagtayo ng mga pinong balahibo sa batok niya sa ginagawa nito. Hindi niya mapigil na kiligin sa simpleng gesture na iyon. Parang gusto niyang tumili sa sobrang emosyong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.
" Siguro naman naibsan na kahit papaano ang sakit niyan. Pumunta ka sa clinic para matingnan din nila iyan." Binitawan na nito ang kanyang ulo.
" Okay na ako. Hindi na gaanong masakit."
" Are you sure?" paniniyak pa nito sa kanya. Tumango siya. "Kung okay ka naman pala, bumalik ka na sa pwesto mo at huwag mo nang sayangin ang oras mo sa katutunganga rito."
Humakbang siya pabalik sa kanyang puwesto nang bigla niyang maalala ang tungkol sa account nilang idi-discuss niya rito.
"Siyanga pala..." Huling-huli niyang nakatitig ito sa mga binti niya nang linungin niya ito.
Bigla itong nag-angat ng mukha at tumingin sa kanya. And there he goes with his serious mask on his face again. "Yes?"
"May idi-discuss lang ho sana akong issue tungkol sa isang kliyente natin. Dadalhin ko na lang sa office ninyo mamaya. Sige, babalik na muna ako sa desk ko." She wanted to flip her hair and sing-song while returning to her office desk because she found out something about him.
Nalaman na niya ang dahilan kung bakit pinagbabawalan siya ni Alec na magsuot ng maiksing palda at nagsusungit ito sa tuwing nakikitang naka-expose ang mga binti niya. She was pretty sure, he had a thing for her legs.hahahahhah!