Part 8

362 9 3
                                    

"Ikaw muna ang bahal sa bahay, Jyra Mae. Dumating kasi ang Tita Jane mo galing Dubai kaya baka gabihin ako." Kaibigan ng mama niya ang tinutukoy nito. Kung sakaling aalis ka, tiyakin mong nakakandado ang lahat ng pinto. Mahirap nang masalisihan sa panahong ito."

" Wala naman ho akong pupuntahan ngayong araw na ito, Ma."

"Ganoon ba? O siya, bahala ka na rito."

Nang wala na ang ina ay humilata siya sa sofa at binalikan ang pocketbook na binabasa.

Kasalukuyan siyang tawa nang tawa dahil tuwang-tuwa siya sa eksenang binabasa niya nang marinig niyang may nag-doorbell. Iignorahin sana niya iyon dahil wala naman silang inaasahang bisita pero mukhang desidido talaga ang kung sinumang nasa labas na hindi umalis hangga't hindi niya ito pinagbubuksan.

Napilitan siyang bumangon at inis na tinungo ang pinto upang sinuhin ang dumating. " Sino ba ang----Alec!" Nanlalaki ang mga mata niya nang mabungaran ang lalaki sa labas ng kanilang pinto. 

Saglit din siyang napatulala. Bukod sa hindi niya inaasahang makikita  ito roon, hindi rin niya inaasahan ang itsura nito ngayon. He wasn't wearing his usual office-attire, he was wearing a simple shirt and jeans and rugged sneakers. With his immaculate good looks, everything seemed perfect on him. Pero mukha itong approachable sa suot nito ngayon.

"Puwedeng tumuloy?"

"Oo nga pala, pasok ka." Niluwagan niya ang pagbubukas ng pinto upang makadaan ito.

" Ano nga pala ang ginagawa mo rito?"

"Itinatanong ka sa akin ni Mama."

Hindi niya napigil ang pagtaas ng isang kilay. Talagang nag-take pa ito nang extra effort para lang sabihing hinahanap siya ng mama nito. Puwede naman itong tumawag na lang at sabihin iyon sa kanya.

 Bakit, alam ba niya ang number mo?

" Bakit daw?"

"Ang alam niya girlfriend kita. Kaya natural lang na hanapin ka niya."

" Ha?" Nagulat siya. Ang alam niya ay tapos na ang kabanatang iyon ng buhay niya.

"Bakit parang nagulat ka? Nakalimutan mo na ba? You are supposed to be my girlfriend."

"Akala ko kasi, tapos na ang palabas natin."

Nagsalubong ang kilay nito. "Paanong matatapos? Tinapos ko na ba?"

" Pero ang sabi mo dati huwag ko nang alalahanin ang tungkol doon. At isa pa, ang bait-bait ng nanay mo . Nakakahiya kung ipagpapatuloy natin ang ginagawa nating ito. At paano kapag makarating ito sa papa mo? Baka mawalan ako ng trabaho."

"Hindi ka mawawalan ng trabaho. I'll make sure of it."

" Madali para sa iyo ang sabihin iyan dahil wala ka sa posisyon ko. Bakit hindi nalang natin palabasing nag-break na tayo?"

" Ano naman ang dahilan kung bakit tayo nagbreak sakali man?" anitong bahagyang umangat ang isang kilay.

"Sabihin nating hindi tayo magkasundo. Na masungit ka at imposible kung minsan at hindi na kita kayang pakibagayan."

" Okay, since you're the one who think about that, why dont you tell that to my mom." nanghahamong wika nito sa kanya.

Sumimangot na lang siya. Siya parin pala ang pahaharapin nito sa nanay nito.

" Mag-isa ka lang ngayon?" tanong nito habang palinga-linga sa loob ng bahay nila.

"Umalis si Mama."

"I see." Dumiretso ito sa kusina nila. "Ano ba'ng makakain dito sa inyo? Nagugutom ako."

Ganoon? Ibang klase rin talaga ang lalaking ito. Feeling at home sa bahay nila. Iyon pa lang ang pangalawang beses na nakatuntong ito sa kanila pero tila bahay na nito iyon kung makaasta.

JALEC-When i finally found youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon