"MRS. DUNGO!" Nagulat si Jyra na hindi inaasahanag makita ang ginang na lumabas ng elevator.
Agad naman itong ngumiti sa kanya nang makita siya. " How are you, hija? Na-miss kita. Hindi ka na nadalaw sa bahya namin mula no'ng huli kang magpunta roon."
Tumabingi ang ngiti niya sa sinabi nito. "Eh, m-medyo busy ho kasi sa trabaho lately," palusot niya. "Pasensya na ho kayo."
"Oh, don't worry about me. Nasabi nga sa akin ni Alec na busy ka." Muli itong ngumiti sa kanya. "Napakasuwerte sa iyo ng anak ko. Hindi ka lang maganda, napakasipag mo pa.Siyanga pala, I came to visit Alec. Nandiyan ba ang nobyo mo?"
Naubo siya sa sinabi ng ginang. Nobyo? Kung alam lang nito. " Ah..eh...naroroon ho yata siya sa opisina niya ngayon."
"Ganoon ba? Oh well, samahan mo ako sa opisina niya, hija. Gusto kong sorpresahin siya."
"Sige ho. Dito ho tayo." Iginiya na niya ito patungo sa direksiyon ng opisina ni Alec.
Wala si Claired sa puwesto nito nang dumating sila kaya dumiretso na siya sa pinto ng opisina ni Alec. She gave out a warning knock first before opening the doorknob. Ngunit nang tuluyan na niyang buksan ang pinto ay hindi nila parehong inaasahan ng ginang ang nabungaran.
Alec was kissing and hugging a woman!
Hind kaagad siya nakapag-react sa nakita gayon din ang ina nito.
Napansin na rin ng dalawa ang presensya nila ni Mrs. Dungo. Whe the woman looked her way, she was surprised again. Because she was the same woman he got rid of using her,
Nang makabawi ang ginang ay ito ang unang nagsalita sa kanilang dalawa.
"Alec, hijo, ano ang ibig sabihin nito? Sino ang babaeng iyan?" usig nito sa anak. " I can't believe you are doing this! Hindi ka na nahiya sa iyong nobya. Bakit nagdadala ka ng ganyang klaseng babae rito sa opisina?" tila naeeskandalong wika nito habang tinitingnan ang babae mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay bumaling ito sa kanya. "Jyra, iha, I am really sorry about this. I cant believe my son doing this." anitong tila hiyang-hiya sa naging asal ng anak.
"I-I'm ....I'm..." Hindi niya maituloy-tuloy ang sasabihin niya. Ayaw nang mag-function ng tama ang utak niya. She was hurting somewhere that was why her mind ceased to function for the moment.
Bakit nakikipaghalikan si Alec sa babaeng iyon? Akala ba niya ay naidispatsa na nito ang babaeng iyon sa pamamagitan niya?
"There's nothing to apologize to her, Mrs. Dungo," singit naman ng babae rito
Binalingan ng babae si Alec at ngumiti rito nang matamis.
"Alec, honey, didnt you already tell your mother about your little charade with this woman."
Napansin niya ang pagtitiim-bagang ni Alec sa sinabi ng babae. Hindi na rin maipinta ang mukha nito.
"You leave now, Clodeth."
"I will do that later, darling. Pero pagkatapos muna ng sasabihin ko. " Humarap na ang babae sa kanilang dalawa ng ginang. "Mrs. Dungo ang babaeng iyan ay hindi totoong nobya ng anak ninyo. Everything was just a charade. Sje was only pretending as your son's girlfriend. They were just fooling you all along."
Napasinghap ang ginang sa sinabing iyon ng babae.
Maski siya ay nabigla rin dahil hindi niya iyon inaasahan. Paano nitong nalaman na nagpapanggap lang sila ni Alec?
Tumingin siya sa binata pero wala sa kanya ang atensyon nito.
"That's enough, Clodeth!" Lahat sila ay napapitlag sa biglang pagtataas ng boses ni Alec. "Leave now or else---"
![](https://img.wattpad.com/cover/1730834-288-k941055.jpg)