Mababaw lang ang kaligayahn ni Jyra Mae Agpangan. She loves reaking romance novels and watching love stories. Tulad ng karamihan ng mga babae, naghihintay rin siya ng lalaking nakatakda sa kanya. The fated man of her dreams would sweep her off feet and who would love her unconditionally. Until she crossed path with Alec Brandon Dungo, ang substitute OIC ng kompanyang pinapasukan niya. Unang kita pa lang niya ay nagkagusto na siya rito. Pero nagbago kaagad ang pagtingin niya rito nang ipahiya siya nito sa harap ng kapwa niya mga empleyado. Idagday pang ubod ito ng antipatiko, masungit, at pintasero. Hindi niya alam kung bakit tila galit ito sa kanya dahil bawat kilos niya ay may mali itong pinupuna. Pero bakit sa kabila niyon ay parang gusto nitong palagi siyang nakikita? Hmmmmmm...hindi kaya may gusto sa kanya ang imposibleng boss nila?
Part 1
"Hay, Sana makatagpo rin ako ng lalaking guwapo,mayaman at walang mamahalin kundi ako," ani Jyra May habang yakap-yakap ang pocketbook na katatapos lang niyang basahin."Saan kaya ako makakatagpo ng ganong lalaki?" Nariyan sa loob ng pocketbook na binabasa mo," singit ng kaibigan at kasamahan niya sa trabaho na si Karen."Hay naku, Jyra May, kung lahat ng katangin ng lalaking hinahanap mo ay nasa katauhang nilikha ng writer ng iniidolo mo, hindi ka nga magkakaboyfriend."
"Oo nga,"segunda ng isa pa nilang kaibigan na si Mariz.Naroon sila sa employees canteen sa ground floor ng building na kinaroroonan ng opisina nila.Pare-pareho silang customer relations officer isang land development firm. "Kayo talaga.Kahit kailan ay panira kayo sa ilusyon ko."
"Bakit dinala mo pa ang paocketbook dito?"
"Sayang,last chapter na ako kaya tinapos ko na.Na-excite kasi ako sa magiging ending.Nakakatulugan ko ito kagabi habang binabasa ko." Napailing ang dalawang kaibigan nya.
"Ibang klase ka talaga! wika ni Karen.
"Sobrang kaadikan na iyan sa pocketbook,"segunda naman ni Mariz.
Ngumiti lang sya.Sa tuwing nagbabasa kasi siya ng romance pocketbook ay nai-inlove siya.She never had a boyfriend.She was already twenty-two and a member of "No Boyfriend Since Birth" Club.Not that she wanted to stay single.Kung siya ang tatanungin,gustong-gusto na nga niyang magkakaboyfriend.May manliligaw nga siya pero wala ni isa sa mga iyon ang nagpatibok ng puso niya.Pero kahit overeager na siyang mainlove parang kay ilap naman ng pagkakataon.Hinahanap parin niya ang lalakeng makapagpapatibok ng puso niya.
"Sagutin mo na kasi si Tom.Guwapo rin naman iyon.Masipag at palagi pang number one property associate sa mga awarding."
"Gusto mo akong magmura, Karen? Bakit hindi nalang ikaw ang sumagot sa kanya tutal crush mo naman sya?"
"Oy, Jyra Mae, hwag ka ngang intrigera," mariing wika nito pero nag-iwas naman ng tingin sa kanya.Napailing nalang si Mariz.Kahit hindi sabihin ni Karen, obvious na crush nito si Tom.Ahente ang lalaki ng isa sa topnotch realty na nagbebenta ng property na dinedevelop ng kompanyang pinapasukan nila.
"Dalian mo at kailangang nasa conference room tayo ng eksaktong ala-una,"ani Mariz.
"Bakit naman?"
"Hindi ka na naman nagbabasa ng memo, ano?Lahat ng empleyado ng Dungo Asiatic ay pinaa asemble ng ala-una sa conference room."
"Bakit nga? tungkol ba sa hinihingi nating umento?"
"Magbasa ka minsan ng mga memo na ibinibigay syo." nakukumsuming wika ni Karen."Ngayon ang dating ng substitute OIC ng Dungo Asiatic. Iyong anak ni Sir Robert."
"Ah, ganoon?"
"Bilisan mo na nga lang kumain diyan para makapag-retouch na tayo"
"Sige na, Mauna na nga kayo," pagtataboy niya sa mga ito." Baka hindi pa ako matunawan dahil sa kamamadali ninyo."
Nagmamadaling tinungo ni Jyra Mae ang elevator.Sobrang nasarapan siya sa kinain niyang dessert at hindi niya napigil ang sarili na um-order pa ulit ng isa.Aside from reading romance novels and watching love stories that had happy endings,lunch was another thing she loved so much.She forgot about her waiting friends and she forgot the she had to be at the conference room by one o'clock.At ngayon, sampung minuto nalang ang natitira sa kanya. Nang bumukas ang elevator sa harap niya ay nagmamadali siyang pumasok doon.Kaya lang. biglang lumusot ang takong ng sapatos niya sa siwang ng sahig papasok sa elevator.Pilit niyang inaangat ang paa pero hindi niya iyon matanggal-tanggal.
"Pambihira! Kung kailan nagmamadali saka pa inaabot ng malas!"
Hinubad niya ang sapatos at naupo habang pilit na tinatanggal iyon ng dalawang kamay.She was already expecting to be sandwiched by the closing doors but that didnt happened.Nang mag-angat sya ng tingin ay napansin niya ang kamay na pumipigil sa pintuan upang hindi siya tuluyang maipit.
"Just what do you think you are doing, Lady?" Nang lingunin niya ang lalaking nagsalita ay ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata.She couldnt believe what her eyes were seeing at the moment.A gorgeous man with a knotted forehead was looking down at her.Saglit syang napatulala at muntik pang mapanganga.He was wearing gray business suit, and from her angle, he was really tall. And he looked so elegant and gorgeous she wanted to droop.Sa tanang buhay niya, ngaun lang siya makakita ng ganito kaguwapong lalaki at sobrang lapit sa kanya.
"If you have all the time looking so stupid, well, every second for me is precious.Kaya kung balak mong tumunganga lang diyan, tumabi ka sa daraanan ko at naaabala mo ako."
"Well pasensya na kung tanga ako." wika niya."Pero wala kang karapatang manghusga or magsabi sa isang tao na tanga siya lalo na kung hindi mo man kilala."
Lalong nagsalubong ang mga kilay nito. "Move aside."
"What?"
"I said move aside."
Nang hindi parin sya kumikilos ay ito na ang yumuko at walang kahirap-hirap nitong tinanggal ang kanyang sapatos.
"Here's the shoe you want to risk your life for. Siguro naman, aalis ka na sa pagkakaharang mo riyan dahil naabala mo ako.Medyo iritado na ang itsura nito pero kahit ganoon, hindi parin iyon nakabawas ng taglay na kaguwapuhan nito. Walang kibong tumabi siya habang yakap ang sapatos niya.
"Sayang ang lalaking iyon, guwapo sana kaso napakasungit."
SUNOD NA PO UN PART 2! THANKS FOR READING...COMMENT AT VOTE NAMAN PO KAU DYAN!
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------