PART 4

374 5 2
                                    

Wala silang kibuan sa loob ng sasakyan. Ang tanging ingay na naririnig nila ay ang mabining tunog na nanggagaling sa aircon ng sasakyan ang mahinang tugtog sa radyo na binuksan nang wala ring imik na driver.

" Ilang taon ka na?" 

Napatingin siya kay Alec sa biglang tanong nito. "Twenty one."

"And I'm twenty six, " kunot-noong sabi niya. "Tell me about yourself."

"Kailangan ba?"

"Makulit at mausisa si Mama. Tiyak na magtatanong siya tungkol sa iyo at sa ating dalawa. She never tired pairing me with every single woman she met because she wanted me to find a steady girlfriend. Kaya para tigilan na niya ako, magpapanggap kang nobya ko sa harap niya."

" At gawain pa raw akong sinungaling, " inis na bubulung-bulong na wika niya.

"may sinasabi ka?" salubong ang mga kilay na tanong nito sa kanya.

"Tinatanong ko lang kung anu-ano ang gusto mong malaman tungkol sa akin."

"Anything. It doesn't matter anyway."

"May kambal ako, si JoJ. Nasa ibang bansa siya nagtratrabaho. Ang nanay ko, plain housewife, ang tatay koy Indutrial Engineer. Nagtratrabaho siya sa isang malaking oil depot sa Saudi Arabia sa kasalukuyan. I've been working in your company for almost a year. I love eating and I consider lunch as my bestfriend. I love reading pocketbooks and watching love stories with happy endin---------"

"So, you're that type?"

"What type?"

" The idealistic and romantic type. Those who believe in happy endings and that fairy tales do come true."

" O, eh ano naman kung naniniwala ako ganoon? May problema ka roon?"

" Wala naman." Umayos ito ng pagkakaupo at tumingin sa mukha niya. "May boyfriend na?"

"Wala pa."

"Bakit? You're twenty one and romantic."

" Kailangan ba kapag twenty one na at romantic dapat ay may boyfriend?" inis at defensive na wika niya. Hindi rin niya nagustuhan ang tono ng pananalita nito. Hindi rin niya gusto ang kakaibang kislap sa mga nito.

" I am just asking, Jyra. You dont have to sound defensive."

" I'm not defensive!"

" See?" He pinpointed her. "You are being defensive. I bet you haven't had any boyfriend at all."

" Excuse me! " Pinandilatan niya ito. Sa lahat ng ayaw niya ang pinakikialaman ang kawalan ng lovelife niya o iyong hindi pa siya nagkakaboyfriend kahit kailan. Napipikon siya talaga. 

" And I bet you haven't had your first kiss patuloy nito. Akmang magsasalita siya pero inunahan siya nito. "Oh! You don't have to lie. One look at you, I can tell that you are inexperienced."  Tumingin ito sa mga labi niya, pagkatapos ay sa mukha niya. " I am right, didn't I ?"

Pinandilatan uli niya ito at hindi na nagsalita pa. Para kasing lahat ng sasabihin niya ay ibinabalik lang nito sa kanya. Ibinaling na lang niya sa labas ng bintana ang mukha niya at baka makalimutan niyang ito ang boss niya.

"JYRA," muling tawag nito sa kanya.

" Bakit?" aniyang hindi lumilingon dito.

"Tumingin ka nga sa akin kapag kinakausap kita." utos nito sa kanya.

Kahit naiinis ay napilitan siyang lingunin ito.   " O?" 

" Let me see your hands."

" Why?"

JALEC-When i finally found youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon