Naabutan pa ni Jyra Mae si Alec sa may reception sa ibaba. Kausap nito ang may-edad na lalaki na si Mang Ruben ang driver ng ama nitong si Sir Robert. Iniabot ni Alec dito ang bitbit na attache case at nang magpaalam si Mang Ruben ay saka niya ipinasyang lapitan ang una.Ngunit bago pa siya makalapit dito ay isang morena at maliit na babae ang mabilis na lumapit sa binata. Tumaas ang kilay niya nang bigla na lang nitong yakapin ang lalaki pero ang mas ikinabigla niya ay nang bigla nitong halikan ang binata sa mga labi. Napaawang ang mga labi niya nasaksihang eksena.
"I missed you so much. Alec, honey. And I've been trying to reach you but weren't answering your phone," the woman said, and then pouted her lips. Hindi naman niya napigil ang pag-angat ng kilay niya.
"Sorry, Clodeth , but the phone is noth with me," sagot dito ni Alec na walang ekspresyon ang mukha." I must have left it somewhere."
"But that phone is my precious gift to you," again she pouted her lips. " I told you to take good care of that, didn't I?" Regalo ng babaeng iyon ang hawak niyang cellphone? hay naku! Kung nalaman lang niya kaagad, hindi na sana siya nag-aksaya pa ng panahong isauli iyon. Napilitan siyang lapitan na ang dalawa para matapos na ang pagmamagandang loob niya.
"Uhm....ano.....excutse me?" Tumingin sa kanya ang babae, pagkatapos ay tumaas ang isang kilay nito. Halatang hindi nito nagustuhan ang biglang pagsulpot niya. "Yes?"
"Ibabalik ko----" Hindi niya natapos ang sasabihin dahil biglang bumaling ang babae kay Alec.
"Alec ? What is this? Sino ang babaeng ito? Bakit nasa kanya ang cellphone mo?" Nagulat pa siya nang bigla siyang lapitan ni Alec at walang sabi-sabing hinapit siya nito sa baywang.
"She's my girlfriend."
"What?!" magkapanabay pang sambit nila ng babae. Hindi niya inaasahan ang sinabing iyon ni Alec kaya napatitig na lang siya sa mukhan nito. Ang babae ang unang nagising sa pagkabigla. " Huwag kang magbiro ng ganyan, Alec. That's not funny."
"This is not a joke, Clodeth. It's the truth." Pagkatapos ay tumitig si Alec nang husto sa kanya at ngumiti. :"Right, baby?" Tila umurong ang kanyang dila at ang tangi niyang nagawa ay mapatitig sa guwapong mukha nito habang malakas ang kabog ng dibdib niya.
"I can't believe this! I really can't believe this," patuloy ng babae na tila walang narinig. "How dare you do this to me?!" Iiling-iling pa ito habang umaatras. Pagkatapos ay nagmamadaling tumakbo ito palabas ng main entrance. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari. Ang mga ganoong pangyayari ay napapanood lang niya sa mga teledrama at soap opera na paboritong i-marathon ng nanay niya. Nang mahimasmasan siya at mapatingin sa paligid ay napansin niyang halos lahat ng mga mata ng naroroon ay nakatitig sa kanila. Nang wala na ang babae ay basta na lang siya binitiwan ni Alec at tinalikuran na tila ba walang nangyari. Ganoon na lang iyon?
"Hindi ninyo hahabulin ang girlfriend n'yo, Sir?" nagtatakang tanong niya rito. Lumingon ito sa kanya. And he looked at her as if she said something erroneous.
"Clodeth is not my girlfriend. A girl that childish and immature is not worth my time. I just tolerate her because she's the daughter of an important business associate." Napatitig siya sa mukha nito. Para kasing may mali. How could cold, heartless man like him possess such handsome and angelic face?
"Kahit man lang pabalat-bunga?"
"Forget about her." Ganoon lang iyon? Paano naman ang nayurakang dangal niya? Ang malinis na pangalan niya? Ang basta na lang panggagamit nito sa kanya? He used her to get rid of that girl! Halimaw talaga ang lalaking ito! "Sir, iyong cellphone n'yo nga pala na naiwan. " Iniabot na niya rito ang hawak niyang cellphone. Ayaw na niyang muling masabit sa gulo. Takot pa naman siya sa eskandalo.
![](https://img.wattpad.com/cover/1730834-288-k941055.jpg)