Part 5

357 8 2
                                    

" GANOON BA?"

"Ganoon na nga ho iyon, Mama," ani Jyra matapos nilang paliwanagan ni Alec ang kanyang ina. " Inihatid ho ako ni Sir Alec dahil nag-overtime ako at nagkataong nag-overtime din siya . Nakita niya kaong naghihintay ng masasakyan sa labas ng building kanina." Then she crossed her fingers at her back. Much as she hated to tell a lie to her mother, she had no choice. Wala na siyang ibang maisip na palusot kaya pinanindigan na lang niya kung anuman ang unang palusot na nahabi ng isip niya.

Huwag naman sana akong tamaan ng kidlat dahil sa pagsisinungaling ko sa nanay ko. Mukha namang nakumbinsi ang mama niya dahil nagpakawala ito ng buntong-hininga.

"Pasensiya na ho sa naging abala."

"Huwag mong intindihin iyon, iho," wika ng mama niya. "Pasensyya na rin sa nangyari kanina. Ngayon lang nagsama ng lalaki si Jyra sa aming tahanan, kaya nabigla ako kanina dahil hindi ko talaga inaasahan."

Alec looked at her. He didn't say anything but she knew that her mother just confirmed him that she never had a man in her twenty-one glorious years ---that was, except for her father and twin sister of course.

" Doon ka nalang matulog sa kuwarto ng kambal ni Jyra."

"Ah, huwag na ho," singit ni Alec. "Salamat nalang ho sa alok ninyo pero hindi ko gusto ang nakaabala. Uuwi nalang ho sa bahay."

 "Baka kung mapaano ka sa daan, iho. Mukha ka pa namang inaantok."

"Nakapagpahinga naman ho ako.Salamat nalang ho sa alok ninyo. " Dinampot nito ang tasa ng kape. " Iinumin ko nalang ho itong kapeng tinimpla ni Jyra."

"Bueno, kung iyan ang desisyon mo."

Binalingan siya ng ina. "Siya, Jyra, kaw na bahala sa kanya." Nang dalawa na lang sila ni Alec ay hinarap niya ito. " Ayan kasi, ang tigas ng ulo mo. Sinabi na kasi sa iyong umuwi ka na. Muntik ka pa tuloy mapikot nang wala sa oras."

Napabuntong-hininga ito. " Hindi ko alam na ganito pala kadesperado ang pamilya mo. I never thought I am the first and the only guy you brought here. I am flattered....really."

" Nang-aasar ka ba?" sarkastikong wika niya."

"Hindi desperado ang pamilya ko. Nabigla lang sila nang makita ka."

"Okay, if you say so." Nagkibit-balikat ito. " Thanks for the coffee," he said then stood up and patted her cheeks lightly. "I'll see you tomorrow, Jyra."

Nang wala na si Alec ay dinampot niya ang ginamit nitong unan upang ibalik na iyon sa loob ng kanyang kuwarto.

"Jyra Mae!" 

Naihagis niya ang unang hawak niya dahil sa pagkagulat sa boses ng ina. Hindi niya kasi namalayang bumalik pala ito sa sala nila.

"Mama naman! Bakit ba palagi kayong nanggugulat?" reklamo niya.

"Anak, gusto kong sabihin mo sa akin ang totoo." seryosong wika nito. "Sigurado ka bang wala kayong relasyon ng lalaking iyon? Hindi ako magagalit kung sakaling nobyo mo nga siya. Maiintindihan ko ang sitwasyon.

Napakamot nalang siya sa gilid ng ulo niya. "Eh, talagang wala ho, Mama."

"Akala ko pa naman ay may magand ng akong ibabalita sa iyong ama pero wala pa rin pala," iiling-'iling na wika nito at nanghihinayang na iniwan siyang mag-isa sa sala.

Pambihira! Ngayon lang ito nakatungtong sa kanila ay nagustuhan kaagad ito ng mama niya.

"TALAGA?" Namilog ang mga mata ni Karen sa sinabi niya. "Pinagpanggap ka niyang girlfriend sa harap ni Mrs. Dungo?"

JALEC-When i finally found youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon