"HI, JYRA MAE!"
"Tom, ikaw pala," walang kabuhay-buhay na wika niya nang mag-angat siya ng tingin at mabungaran itong nakatunghay sa kanya.
"Mukhang busy ka."
" May kailangan ka ba sa akin?" Wala siya sa mood na makipagbolahan dahil tambak ang papeles na inaasikaso niya.
Ngumiti ito. "Wala naman. Matagal kasi tayong hindi nagkit dahil busy ako sa mga trippings. Na-miss lang kita."
"Ay! Pareho pala tayo, na miss ko rin ang sarili ko." Muli niyang ibinaling ang atensyon sa mga papeles na papipirmahan niya sa mga kliyente niyon, Skyflakes lang ang tinira niya kaninang tanghalian.
" Malapit na ang labasan ninyo, di ba? May pupuntahan ka ba pagkatapos mo rito?"
"Bakit?"
"Iimbitahan sana ktang kumain sa labas kung okay lang."
"Salamat na lang pero hindi pa naman ako gutom." Ngunit biglang tumunog ang sikmura niya. Sa totoo lang ay gutom na talaga siya at gustong-gusto na niyang mag-uwian para makakain na siya nang maayos.
"Papayag iyang si Jyra na sumama sa iyong kumain sa labas basta kasama kami nitong si Karen," wika ni Mariz. " Hindi ba, Jyra Mae?"
" Ah------"
" Miss Agpangan, come to my office."
Bigla siyang napabaling ng tingin sa kabilang panig at nakita niyang naroroon si Alec.
" And you, who are you? Are you from here?" sita nito kay Tom.
"Tom Doromal, Sir. Isa po akong ahente."
"Ahente? Kung ahente ka, ano ang ginagawa mo rito? Hindi bat mga authorized person lang ang allowed sa departamentong ito?"
" Ah, nagpa-follwo-up lang ho ako tungkol sa mga kliyente ko, Sir."
Halatang hindi nagustuhan ni Alec ang pagsagot ni Tom dahil sumama ang timpla ng mukha nito.
"Nagpa-follow-up? Mukhang hindi kliyente ang pina-follow up mo." Pagkatapos ay tumingin ito sa kanya.
Hindi nakakibo si Tom sa sinabing iyon ni Alec.
"Dapat ay idinadaan a mga broker ninyo ang pagpa-follow-up ng mga kliyente ninyo, hindi ba? Trabaho iyon ng mga broker ninyo. Hanggang doon lang ang mga ahente sa business center reception at hindi na maaaring pumasok pa rito sa loob. And if you really wanted to follow-up on your clients you call to the CRD. Wala ba kayong mga telepono sa area ninyo?"
Lalong nawalan ng imik si Tom sa sinabi nito. Totoong hindi nakakapasok ang mga ahente sa loob ng deparamento nila maliban sa mga brokers na nagha-handle sa mga ito. Ngunit dahil si Tom ang pinakamalakas mag-akyat ng sales sa lahat ng mga ahente, pinapayagan itong makapasok doon upang personal na mag-follow-up sa status ng mga kliyente nito.
Pero mukhang magtatapos na ang pribilehiyo nitong iyon lalo na sa nakikita niyang anyo ni Alec na mukhang kakain ng taon. With that air of authority and intimidating presence, Tom could do nothing or oreason at all out with him.
"Pasensiya na, Sir. Hindi na ho mauulit?"
" Good. What's your name again?"
" Tom Doromal, Sir."
"Okay, Mr. Doromal, from now on, you are off-limits inside this office. Are we clear?"
Walang nagawa si Tom kundi tumango na lang.
"AT bawal manligaw ang ahente sa empleyado ng kompanyang ito. Ang hindi susunod sa patakarang ito, maaari nang humanap ng ibang trabaho." Binalingan uli siya ni Alec. " Sumunod ka sa akin sa opisina ko, Jyra, " utos nito pagkatapos ay tinalikuran na sila.