CHAPTER II

6 1 0
                                        


JEAN

---
Umalis na ako ng bahay dahil marami ng naghihintay sa sakayan. Lalo na't may mga estudyante pa akong makakasabayan. Marami ng dumaan na taxi ngunit marami ding may sakay na.

Medyo nayayamot na ako dahil baka mahuli na ako sa trabaho. Kailangan pa naman na maaga ako doon. Naglakad-lakad ako ng unti para makasakay na agad. Ngunit marami ding naghihintay ng sasakyan. May dumating na isang taxi at agad naman akong limapit dito.

Nang bubiksan ko na ang pinto ng taxi ay may kamay din na humawak dito at akmang sasakyan din. Tinignan ko ang kamay at agad ko din namang tinignan ang mukha ng may-ari ng kamay, nakita ko na si Lauren pala.

"Oh Tita kayo pala. Tara na po, sabay nalang na po tayo." sabi ni Lauren sa akin.

Ngumiti naman ako at sumakay na rin.

Habang nasa taxi kami ay nagtanung-tanong ako sa kaniya.

"Lauren, kumusta na?" tanong ko sa kaniya.

"Okay lang naman po Tita. Kayo po kumusta na po kayo? Si John po, kumusta na?" tanong niya sa akin.

"Okay lang naman din kami. Ako pumapasok sa trabaho, si John naman asa bahay lang minsan may lakad siya pero madalas wala." sagot ko sa kaniya.

"Ah, ganoon po ba Tita?" sagot niya sa akin.

"Oo eh." maklig sagot ko. "Lauren, kumusta na kayo ni John?" marahan na tanong ko sa kaniya
---

LAUREN

---

Naitanong ni Tita Jean kung ano na ang lagay namin ni John, crush ko kasi yun eh. Pogi at mabait kasi iyon kaya maraming katulad ko na humahanga sa kaniya.

"Lauren, kumusta na kayo ni John?" ang marahang tanong ni Tita Jean.

Nabigla ako sa sinabi niya dahil di ko naman inaasahan na itatanong niya yun madalas kasi kapag nakikipag-usap ako sa kaniya ang palaging topic namin ay Acads at mga activity sa school.

Hindi ko nasagot ng maayos ang tanong ni Tita Jean dala na rin ng pagkakabigla ko.

"A-ah, ayos naman po kami Tita. Close parin po kahit na minsan busy." Ang nabubulol na sagot ko.

"Nilligawan ka na ba niya?" ang pahabol na tanong pa ni Tita Jean.

"Po? Tita naman! Hindi po niya ako nililigawan," Nahihiya kong sagot dahil sa pagkakabigla ko.

Pero kung liligawan man niya ako, gusto ko na parang ayaw ko.

Ewan di ko maintindihan ang sarili ko. Pero aaminin ko kinilig ako sa tanong ni Tita parang pakiramdam ko na ayos lang sa kaniya na maging kami ng anak niya.

Nabigla nalang ako ng biglang tumawa si Tita at tinitigilan ang kaniyang mga ngiti na kahit na anong gawin niyang pilit na pagtago ng kaniyang tuwa ay halatang halata parin sa kaniyang mga pisngi.

"Tita, may nasabi po ba si John sa inyo?" pag-uusisa ko dahil wala naman, sa palagay ko, akong nasabing nakakatawa.

"Ah, wala naman." pagtugon naman ni Tita ng may unting ngiti parin sa kaniang labi.

Naputol ang pag-uusap namin doon dahil naalala ko na may babasahin pa pala akong lesson namin.

Syempre kailangan kong mag-aral ng mabuti, para sa akin din naman 'tong mga binabasa ko eh.

Nabasa ko ang unang tatlong pahina, sa higit kumulang na dalawampu't limang minuto namang biyahe.

Hindi ko na nga namalayan na malapit na pala kami sa Workplace ni Tita eh.

Mauuna kasing madaanan yung workplace ni Tita kaysa sa School namin.

"Manong, dito na po ako. Ilan po ang babayaran ko?" Ang sabi ni Tita sa drayber.

"150 po Ma'am." ang sagot ng drayber.

Nagbigay si Tita sa Drayber ng 200 bilang bayad niya.

"Diretso niyo nalang po siya sa may school nila. Lagpas lang po ng kanto." ang sabi ni tita sa drayber.

"Sige po, ma'am."

"Lauren, mauna na ako kailangan ko kasing icheck yung mga staff namin kung okay lang sila. 'Wag ka na ring magbabayad, dinadagdagan ko na yung bayad ko para 'di ka na singgilin mamaya." sabi ni Tita sa akin.

"Ah, salamat po Tita. Ingat po kayo sa work." ang sabi ko

"okay sige anak mauna na ako. Mag-aral kang mabuti." sabi ni Tita sabay talikod papasok ng office nila.

"Anak?" ang sabi ko sa sarili ko na di parin makapaniwala at di ko parin alam kung bakit niya ako tinawag na ANAK.

Oo close naman kami ni Tita pero parang nabigla ako na gustong gusto yung pakiramdam na tinawag niya akong anak.

Sa pag-iisip ko ay nakalimutan ko na ang binabasa kong module at di ko na rin namalayan na nasa harap na pala ako ng school.

"Ma'am, dito na po tayo." Ang sabi ng drayber.

"Ah sige po, kuya." ang sabi ko.

"Kulang pa po ba yung binayad ni Tita kanina?" tanong ko ng may pag-aalangan

"Ah wala po, ma'am. Sobra pa nga po eh." Ang nakangiting sagot ng drayber sa akin.

"Okay po. Keep the change po." tugon ko na lamang dahil nakakahiya naman kung kukunin pa yung sukli, kahit na hindi naman ako yung nagbayad.

Binuksan ko na ang pinto ng taxi at agad akong bumaba.

Didiretso na sana akong papasok ng campus ng may nakita akong Fish ball sa gilid ng tarangkahan ng school.

Kumuha ako ng limang piso sa bag ko at inabot sa tindero. Kumuha ako ng plastic cup na pinaglagyan ko ng Fish ball na binili ko.

Kumuha na rin ako ng barbecue stick at nilagyan ang fish ball ng sauce. Habang sumusubo ako ay naglalakad na ako papasok ng campus.

Pagpasok ko sa gate ay may nakita akong lalaki na naka plain white shirt, black maong pants at rubber shoes. Napasigaw nalang ako bigla ng

"Joshua!?!"

---

Di ko InakalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon