CHAPTER V

2 0 0
                                    

LAUREN


---
Pagkatapos ng recitation ay agad-agad namang dinismiss ni Prof. ang klase. Palabas na ako ng makita ko si John

"John!" tawag ko sa kaniya

Huminto naman siya dahil narinig niya ako. Lumapit ako sa kaniya.

"Salamat kanina. Wala talaga akong maisagot kanina eh." sabi ko sa kaniya ng may kahalong ngiti.

"Yun ba? Nako, wala lang yun. Napansin ko kasi na wala ka sa katinuan kanina at nanginginig na yang mga tuhod at kamay mo." sagot nito.

"Salamat talaga. Baka yun pa ang maging dahilan ng pagbagsak ko sa subject niya eh. Buti nalang nandoon ka. Ikaw talaga ang tagapagligtas ko." sabi ko sa kaniya.

"Ano ka ba, sabi ko nga sayo na wala lang yun. Basta para sayo, alam mo namang malakas ka sa akin." sagot niya sa akin.

Ngumiti naman ako sabay naglakad na kami.

"Halika na nga. Labas na tayo." pag-aaya ko sa kaniya.

"Tara?" tanong niya sa akin.

Tumango nalang ako. Lumabas na kami sa silid at naglakad papunta ng canteen.

"Kumusta ka na pala?" tanong ko sa kaniya.

"Okay lang naman. Ikaw?" balik na tanong niya sa akin.

"Ayos lang. Medyo naguguluhan lang ako." sagot ko sa kaniya.

"Huh? Saan ka naman naguguluhan?" pag-uusisa nito sa akin.

"Ah, wala naman." Pagkakaila ko.

"Ah okay. Sabi mo eh." sagot niya.

Napangiti naman ako ng makita ko si James.

Tinanong ko muna si John kung pwede ba siyang sumama mamayang gabi.

"John, may gagawin ka ba mamayang gabi?" tanong ko sa kaniya.

"Wala naman. Bakit saan ba ang lakad natin mamaya?" sagot niya.

"Labas tao mamayang gabi tas punta na rin tayo ng bar." Sabi ko.

"Ah sige, itext mo nalang ako. Tas isama na rin natin si James para mas masaya." sabi niya.

"Oo naman! Alangan naman na tayong dalawa lang, edi naging date na yun." sagot ko sabay tawa.

"Wow! Para namang type kita." sagot niya sabay ngisi sa akin.

Medyo natawa naman ako sa kaniya na medyo nasaktan na rin.

"Wag kang mag-alala di rin naman kita gusto. Siya nga pala nasabihan ko na si James kanina pa. Nauna ko kasi siyang nakita kanina." pagliliis ko ng usapan.

"Sige Lauren, mauna na ako." sagot naman niya.

Tumango naman ako at hinanap ko na uli si James. Una kong pinuntahan ang gym namin ngunit wala naman siya doon.

Sunod kong tinungo ang canteen ngunit wala rin siya doon. Nagpunta nalang ako sa open field para magpahangin na rin. Bahala na kung makita ko siya doon.

Basta magpapahinga muna ako doon nakakapagod ang araw na 'to eh.

Nasa sa open field na ako at buti nalang di gaanong mainit dito. Medyo mahangin eh.

Humiga ako at ang bag ko ang ginawa kong unan. Habang nakahiga ako nagmuni-muni ako ang ganda kasi ng langit, ang mga ulap.

Pakiramdam ko nga may hiwagang nangyayari sa kalangitan. Nagkataon pa na mayroong bahaghari sa isang tila malaking butas ng kaulapan.

Ang galing galing lang talaga eh. Ngayon lang ako nakita ng ganito kagandang bahaghari sa talambuhay ko kahit na nakita ko na ito noon sa isang edukasyunal na palabas pero iba parin pala ang pala ang pakiramdam na ikaw mismo sa iyong sariling mga mata at sa harap mo mismo ito magpapakita.

---

-
THIRD PERSON POV

---
Nakahiga si Lauren sa open field noon. Nagmumuni-muni siya. Halatang-halata sa kaniya ang pagkamangha na tila siya ay lumilipad sa alapaap. Ang ganda lang niyang pagmasdan.

Para kasi siyang bata na natuwang-tuwa. Habang siya ay nakahiga open field ay di niya namalayan na napapapikit at inaantok na pala siya, dala na rin siguro ng ganda ng tanawin at lamig ng simoy ng hangin.Nakapikit na siya.

Ilang sandali lang ay mukhang nakatulog na siya. At sa kasarapan ng kaniyang tulog ay biglang sumimangot ang kaniyang mukha. Nawala ang liwanag sa kaniyang mukha kanina ay naghahari sa kaniyang kalooban.

Ngayon, malayong malayo ang hitsura niya na di mo siya makikilala kung di mo pa siya nakikita ng ganito ang histura dahil di naman niya ito ipinapakita sa ibang tao pati na rin ng kaniyang mga kaibigan.

---

Di ko InakalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon