CHAPTER IV

2 0 0
                                    

LAUREN
---
Napapaisip parin ako kung bakit nakasimangot si James.

Ang naalala ko lang naman ay kinawayan ko si Joshua at wala naman sigurong masama doon, close naman kami eh.

Pero hanggang ngayon di parin mapakampante dahil sa simangot na yun ni James na alam ko may malalim na dahilan kaya nagdesisyon ako na tanungin nalang siya mismo para malaman ko ang dahilan sa pagsimangot niyang yun.

Oh, anong nangyari sayo? Ba't nakasimangot ka?" tanong ko sa kaniya.

"A-eh, wala." sagot naman niya ng may halatang pilit na ngiti sa kaniyang labi.

"Sigurado ka ba dyan? Ano ba talaga?" pag-uusisa ko.

"Wala nga yun. Hayaan mo na yun." sagot niya sabay akbay sa akin.

"Halika na nga, dalian mo na baka kasi malate pa tayo sa susunod na subject natin." pag-aaya ko sa kaniya.

"Sige." malamig na sagot niya.

Naglakad na kami papunta sa aming silid nang maalala ko na ayain siya na lumabas mamayang gabi.

"Wala ka bang gagawin mamayang gabi?" tanong ko sa kaniya

"Wala." malamig parin niyang sagot

"Gusto mo bang lumabas mamaya? Kain tayo sa labas at party na rin." sabi ko sa kaniya

"Okay." malamig pa rin niyang sagot sa akin

Medyo nainis ako sa kaniya nun pero pinigilan.

Pero biglang may pumasok sa isipan ko at nilingkis ko aking braso sa kaniyang batok, hinila palapit sa aking mukha, malapit na malapit na halos magpapalit na kami ng mukha, tinignan ko ang kaniyang mga mata at tumingin din naman siya sa aking mga mata at inilapit ang aking bibig sa kaniyang tainga, binulungan ko siya at nagpacute pa na parang bata.

"Sigurado ka na ba?" bulong ko sa kaniya at nilayo ng unti ang aking mukha sa kaniyang mukha, ngumiti at ilang ulit kong ipinikit ang aking mga mata bilang pagpapacute  sa kaniya.

Ilang segundo din siyang di nakasagot noon.

Natawa nalang ako at hinila ko ang kaniyang kamay, sabay lakad ulit dahil baka mahuli na kami sa klase.

Nung malapit na kami sa aming silid ay napansin ko na wala pang tao sa loob kaya nanatii muna kami sa labas kasi presko sa labas, medyo malamig din kasi ang ihip ng hangin eh.

Napansin ko na din parin siya umiimik kaya ginulo ko siya. Mukhang malalim kasi ang iniisip niya siguro baka nalunod na ako kung ako siya.

"Hoy!" sigaw ko sa kaniya sabay palo sa kaniyang balikat

"A-oh, bakit?" nauutal niyang sagot

"Mukhang malalim ang iniisip natin ah. May problema ka ba?" tanong ko sa kaniya.

"Ah, wala pa naman." sagot niya

"Kung may problema ka o kung ano man yang gumugulo sa isipan mo, sabihin mo lang sa akin. Baka malay mo matulungan pa kita." pangungumbinsi ko sa kaniya na sabihin na niya sa akin ang gumugulo sa kaniyang isipan.

"Sigurado ka ba?" sagot niya sa akin.

Napahinto ako ng ilang sandali dahil naalala ko na yun din ang sinabi ko sa kaniya kanina.

"Oo naman. Bakit ano bang prinoproblema mo?" muling pag-uusisa ko

"Ganito kasi yun eh..." sagot niya na seryosong seryoso ang mukha at pati ang boses niya.

"Andyan na si Prof. Garcia, pasok na tayo." sabi niya dahil nakita pala niya na nagsipasukan na ang mga kaklase namin.

"Putsa naman! Sir, bat ngayon ka pa dumating, sasabihin na niya ang problema niya eh. Bwisit!" sigaw ko sa aking isipan, namumula na nga ako dahil sa panggigigil ko eh.

"Wrong timing ka talaga, Sir" bulong ko.

Pumasok na ako sa aming silid at medyo namumula-mula pa ang aking mukha di lang pisngi.

Naghanap na ako ng mauupuan ko. At sa pinakagilid ng pangatlong upuan sa likod ako umupo kasi wala naman akong balak makinig kay prof. kasi di mawala sa isipan ko ang aming pag-uusap.

Buti nalang at di ako nakatulog, wala kasi ako sa katinuan ngayon para makisali sa usapan sa klase. At kung sinuwerte ka nga naman, biglang nagparecitaion pa si Sir Nabigla na ako dahil tinawag niya ako at lahat sila nakatingin na sa akin, nabunot pala ni Prof ang class card ko.

Tumayo ako ng nanginginig ang aking mga tuhod sa kaba dahil baka bumagsak ako kapag di ako nakasagot ng maayos. Kinakabahan talaga ako kasi pati ang mga kamay ko nanginginig na rin.

"Okay, Miss Reyes. What is our topic all about? Can you give us a brief explanation?" Tanong ni Prof. sa akin

"Patay! Di pa naman ako nakinig ngayon. Binura pa ang mga nakasulat sa board. Paano na 'to?" bulong ko sa sarili ko sabay kamot ng ulo.

Tumingin ako sa paligid ko pero wala akong kaalam-alam at wala akong maisagot.

Tumingin ako sa aking harapan at nakita ko si John na hawak ang libro na nakatayong posison at may nakalagay na papel na may sulat. Nakalagay "Science".

"Sir, our topic is all abot science." sagot ko may Prof.

"Okay, what about science?" sunod na tanong ni Prof.

"Sir, science is a systematized body of knowledge that is based on facts." sariling sagot ko. Isinulat kasi ni John sa papel na meaning sabay tago nito sa libro. Na kunwari nagbabasa siya.

"Okay, Miss Reyes." sabi ni sir habang ako kinakabahan parin kasi baka may follow-up question pa sa akin.

"You may now sit." sabi ni sir.

Nakahinga na ako ng maluwag at kinalabit ko si John. Binulongan ko siya.

"Thank you." sabay upo na rin.

Pagkatapos ng recitation ay agad-agad naman dinismiss ni Prof. ang klase. Palabas na ako ng makita ko si John.

---

Di ko InakalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon