LAUREN-
--
"Joshua!" sigaw ko.Nahiya nalang ako ng bigla akong pinagtitinginan ng mga tao. Siguro dahil sa lakas na rin ng pagkakasigaw ko. Agad kong pumasok at nilapitan si Joshua.
"Joshua, kumusta?" sabi ko na may halong hiya.
"Ayos lang naman ako. Ikaw ang kumusta? Ang tagal ko ding walang balita sayo ah." Sabi niya ng may halong ngiti.
"Okay lang din naman ako. Ayon katulad ng dati, school-bahay parin." sagot ko.
"Ikaw? School-bahay? Mukhang mali ka ng niloloko." sabi nito hbang tumatawa.
"Oo nalang." sagot ko. "Nakita mo ba si James?" pagtatanong ko sa kaniya dahil aayain ko siyang lumabas mamaya kasama si John.
Nabigla ako dahil habang tinatanong ko siya ay may kumakalabit sa aking likod.
Kinabahan ako dahil aka kung sino ang nasa likod ko at baka may masama itong balak sa akin.
"Sh****t!" yun lang ang nasabi ko na ikinabigla naman ni Joshua.
"Huh? Bakit?" Pagtataka niya dahil sa nasabi ko.
"Ah, wala. Sandali lang." huminga muna ako ng malamin tsaka ako lumingon.
Paglingon ko sa aking likuran ay nakita ko si James.
"Ikaw lang pala. Akala ko kung sino na." sambit ko sa kaniya ng may halong pagkakampante.
"Bakit sino bang akala mong kumalabit sayo?" tanong niya sa akin
"Ah, wala naman. Kinabahan kasi ako akala ko kung sinong loko ang kumalabit sa akin." sagot ko sa kaniya.
Biglang sumingit si Joshua sa usapan namin
"Ah sige. Lauren mauuna na ako. Wala pa kasi akong klase." pagpapaalam ni Joshua sa akin.
"Ah okay. Sige Josh." sagot ko nalang.
Ngumiti naman siya at naglakad papalayo.
Habang naglalakad siya ay kausap ko parin si James pero titignan ko siya habang naglalakad palayo.
Nung medyo malayo na siya ay lumingon siya, itinaas ko naman ang aking kamay at kinaway ko siya at patuloy na ulit siya sa palalakad.
Tinignan ko na si James
"Oh, anong nangyari sayo? Ba't nakasimangot ka?" tanong ko sa kaniya.
"A-eh, wala. Wala yun." sagot naman niya ng may halatang pilit na ngiti sa kaniyang labi.
"Sigurado ka ba dyan? Ano ba talaga?" pag-uusisa ko.
"Wala nga yun. Hayaan mo na yun." sagot niya sabay akbay sa akin.
---
-
James' POV---
Nagpaalam na si Joshua sa amin at kinausap ko na si Lauren.
"Kumain ka na ba? Anong oras ka pumasok? Anong oras ang last subject? Gusto mo bang lumabas mamaya? May lakad ka ba pagkatapos ng klase?" tanong ko sa kaniya.
Nagulat nalang ako dahil hindi pala siya nakatingin sa akin.
Bigla siyang ngumiti, itinaas ang kaniyang kamay at may kinawayan sa di kalayuan.
Pinagmamasdan ko lamang siya.
Nabighani ako sa kaniyang kaniyang mga ngiti.
Ngunit biglang napalitan ng lungkot ang saya na kani-kanina lang ay namamayani sa aking katawan nang makita ko na si Joshua pala ang tinitignan niya.
Kinulit pa ako ni Lauren kung anong dahilan sa pagsimangot ko.
Pero di ko siya masagot ng maayos. Ang inaalala ko lang ay....
---
BINABASA MO ANG
Di ko Inakala
Teen Fiction(Credits to the owner of the photo) Ang kwentong ito y kathang-isip lamang. Ano mang magkakahawig o pagkakaugnay sa ibang kwento ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.