CHAPTER VI

3 0 0
                                        


-
THIRD PERSON

---
Tulog parin si Lauren sa open field. Buti nalang di masyadong mainit at wala masyadong tao, mabibilang sa iyong mga daliri ang tao sa open field nung mga oras na yun. Nakakabigla lang dahil ang hitsura niya ngayon ay malayong malayo sa hitsura niya kapag nakakasama siya ng mga kaibigan niya. Nabalot ng lungkot ang mukha niya at ilang sandali lang ay may mga luha na pumatak sa kaniyang mga mata. Makalipas ang ilang minuto ay nagising si Lauren. Kinusot niya ang kaniyang mga mata at tumingin sa kaniyang orasan dahil alas kwatro na pala. Napasarap kasi ang tulog niya. Ngunit lubos parin ang pagtataka ni Lauren kung ano ang ibigsabihin ng kaniyang mga luha kanina.
---

-
JAMES

---
Natapos na ang recitation namin at nagdismiss na si Prof. Garcia. Ngunit hanggang ngayon, wala parin ako katinuan. Di ko nga rin alam kung bakit ako nagkakaganito. Kanina nung kausap ko si Lauren okay naman ako pero nung nakita ko siyang nakangiti at nakita ko na si Joshua pala ang tinitignan niya napasimangot ako ng dahil sa di ko malamang ang dahilan. Di ko naman gusto si Lauren at may nililigawan na ako kaya imposibleng mangyari yun. Ewan ko kung bakit ba parang may kurot sa aking puso na makita siyang masaya ng ibang tao ang dahilan, parang natatakot ako na maging masaya siya sa piling ng iba.

Nagpunta ako ng canteen para kumain at pumuwesto ako sa bandang gilid para walang ibang makikisabay sa akin. Baka kasi may makakita pa sa akin at mag-usisa pa. Nilabas ko ang aking cellphone para tignan kung may nagtext o kaya tumawag kaso wala eh. Naisipan kong mag-internet nalang at manood ng videos sa YouTube. Isinaksak ko muna ang aking earphones at una kong hinanap ang kanta ni Ne-Yo na Never knew I needed, maganda kasi ng tono ng kanta at yung lyrics ang lalim ng ibigsabihin, halatang pinag-isipag mabuti ng composer. Nagplay na ang kanta kaya agad naman akong nakinig. Nasa kalagitnaan na ang kanta ng may umupo sa katapat ko at ibinababa ang bag. Tinignan ko to ng dahan-dahan at nakita ko na si John lang pala.

"Oh pare, kumusta?" tanong niya sa akin.

"Ah ayos lang. Bakit may nangyari ba?" pagbabalik ko ng tanong sa kaniya.

"Wala naman, mukha kasing may nangyari sayo. Kaya wag mo ng itatago sa akin. Dahil kilalang kilala kita." sagot niya na pinipilit ako na sabihin ang dahlan ng lungkot sa aking mukha.

"Hah? Wala kaya. Nasisiraan ka na ba ng ulo?" pagtanggi ko.

"Alam na ba ni Lauren 'to? Kung hindi kailangan niyang malaman 'to. Lalo na lalabas tayong tatlo mamaya. Pag-usapan natin." sagot nito.

"Hayaan mo na ako, p're. Mamaya, mawawala rin 'to. Di ka na nasanay sa akin." sagot ko bilang pagkakaila.

"Sige, ikaw ang bahala. Sabi mo eh." sagot niya.

"Oo naman. Matatag 'to." sagot ko.

"Sige p're. Mauna na ako. Ikain mo nalang yan." pagpapaalam nito.

Tumango naman ako sabay tawa sa sinabi niya.

Kumain na muna ako at di na nanood ng videos sa YouTube. Nang matapos akong kumain ay naisipan kong magpunta sandali sa Library. Magtitingin lang ng mga libro. Naghahanap ako ng mga libro na pangbata yung mga mas maraming larawan kaysa sa teksto. Di ko alam kong bakit ganoong mga libro ang gusto kong basahin pero natutuwa talaga ako sa mga litrato. Parang bumabalik ako sa pagkabata ko. Pero sa kasamaang palad walang ganoong teksto sa library puro mga edukasyunal, mga thesis, dictionary at encyclopedia. Di pa naman ako gaanong mahilig magbasa ng mga ganoong klaseng mga libro parang pakiramdam ko ang silbi ng mga yun para lang may ipanpalo sa ulo kapag wala ng magawa. Pagkatapos ko sa Library ay nagpunta ako sa may open field para magpahangin para kasing pakiramdam ko ang bigat bigat ng katawan ko at kailangan ko ng unting pahinga. Nung nasa may open field na ako ay napansin ko kaagad na isang babae na nakahiga nakuha niya agad ang atensyon ko at agad ko rin naman siyang tinungo. Naka ilang hakbang ako mula sa aking kinaroroonan at biglang may kakaibang kaba akong naramdaman sa aking dibdib. Habang papalapit ako ay sinabi kong "Miss, okay ka lang?" ngunit wala itong naging tugon. Kinakabahan ako na para akong may masamang balak na natatakot na mahuli ng kinauukulan. Nakailang hakbang pa ako at nakita ko agad ang babae na nakahiga. May luha siya sa kaniyang mga pisngi na umapaw mula sa kaniyang mga mata, nakasimangot. Pinagmasdan ko ng ilang sandali ang babae at tsaka ko nalang namukhaan na si Lauren pala. Pinunasan ko ang kaniyang mga luha at tinanong ko siya.

"Anong nangyari sayo? Ba't ka nakahiga dyan? Okay ka lang ba?" sabi ko

Wala siyang naging tugon kundi ang isang matamis na ngiti. Parang biglang bumalik ang liwanag sa kaniyang mukha nang siya ay ngumiti. Medyo nabigla ako sa kaniyang ngiti at bigla nalang siyang sumagot.

"Wala naman po, pa. Maganda po kasi yung view kanina kaya humiga ako. Opo, ayos lang po ako." sagot niya

"Mabuti naman kung ganoon." tugon ko.

"Ikaw kung makapagtanong ka sa akin, daig mo pa ang magulang ko. Samantalang ikaw yung kaninang grabe kung makasimangot." pang-aasar niya na may halong ngiti.

"Tumayo ka nga dyan. Baka kung ano pa an isipin ng mga tao sayo. Baka isipin pa nila na wala ka ng magawa sa buhay mo." sagot ko.

"Oo na. Tayo na nga, baka kung ano pa ang mangyari sa akin dito." tugon niya.

"Uuwi ka na ba? Tara sabay ka na sa akin." pag-aalok ko sa kaniya.

"Talaga, sure ka?" tanong niya.

"Oo halika na baka magbago pa ang isip ko." tugon ko

Ngumiti naman ito sabay kindat sa akin at tumawa pa siya. Natawa na rin ako dahil sa pagkindat niya.

Nagpunta na kami sa parking area at agad sumakay sa kotse ko. Habang nasa kotse kami ay nagkwekwentuhan kami. Naisip ko pang itanong kung bakit siya nakahiga doon pero kinakabahan ako dahil baka ibalik niya sa akin ang tanong at maging awkward kami sa loob ng sasakyan, samantalang ayaw ko namang mangyari yun. Nung nasa harap na kami ng bahay nila ay agad naman siyang nagpaalam at ipinaalala na lalabas kami mamaya at sinabi pa nito na kailangan daw na sunduin ko siya kung hindi ko raw siya susunduin ay di na raw niya ako papansinin, kahit na alam ko namang di niya ako kayang di pansinin, tumango nalang ako para tapos na ang usapan.

Dumiretso na rin ako pauwi ng bahay para mapahinga at matulog para maayos ang hitsura ko mamaya syempre, para naring date yun.

---

Di ko InakalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon