-
LAUREN---
Nasa loob kami ng kotse pero wala parin kaming imikan. Abala kasi siya sa pagmamaneho samantalang ako naman nasa tabi lang niya, walang ginagawa. Iniisip ko kasi kung paano ko babasagin ang katahimikan at kung ano ang una kong sasabihin sa kaniya. Buti nalang at naalala ko na tanungin siya kung paano njya nalaman na nasa open field ako."Ahm James (panimula ko)"
Lumingon naman siya sa akin at ngumiti.
"Paano mo pala nalaman na nasa Open Field ako kanina?" pagtatanong ko
Ngumiti siya at sumagot. "Kanina kasi wala akong magawa, nagpunta na ako ng silid-aklatan pero wala pa ring epekto sa akin. Parang sobrang "bored" ako, kaya naisipan kong maglibot-libot."
Napangiti nalang ako na parang may kumikiliti sa akin, sa aking tagiliran. Halatang napansin niya ang pagngiti ko kaya agad itong nag-usisa.
"Oh, ba't ka nakangiti? Di naman ako nagbibiro, wala naman akong nasabing nakakatawa." ang pag-uusisa niya.
Nabigla ako sa tanong niya. Medyo kinabahan ako. Bumilis tuloy ang tibok ng aking puso, di ko na marinig ang inggay ng mga sasakyan sa labas, nanginginig na pati ang aking mga kamay at nanlambot ang aking tuhod. Natamimi ako dahil sa kaniyang simpleng katanungan.
"Sandali!" sagot ko.
Iginilit niya naman ang kaniyang kotse at pinahinto. Tinanong niya ako kung ano ang nangyari sa akin. "Oh, bakit?" Huminga naman ako ng napakalalim na tila malulunod na ako sa lalim ng paghinga ko.
"Okay ka lang ba talaga?" pagtatanong niya, "kung gusto mo iuwi nalang kita sa inyo." dagdag pa niya.
"Hayaan mo na, andito na tayo. Tuloy na natin 'to." sagot ko sa kaniya ng may kahalong ngiti.
"Sigurado ka ba? Okay lang naman na sa susunod nalang tayo lumabas. Maiintindihan naman siguro ni John kapag sinabi ko na di maganda ang pakiramdam mo." tanong niya ng may kahalong pag-aalala.
"Ano ka ba, okay lang ako. Ikaw kasi nabigla ako sa tanong mo. Tas minsan lang din naman tayo kung lumabas na tatlo tapos 'di pa matutuloy dahil lang sa akin." sagot ko.
"Sabi mo eh. Tutal malapit naman na tayo sa Restaurant." sagot niya.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa Restaurant. Hindi ganoon kalaki ang resto pagkakita ko. Pagpasok namin ay may lumapit sa amin na lalaki na nakapolo.
"Do you have a reservation Ma'am, Sir?" tanong ng lalaki na staff pala ng resto.
Kinalabit ko si James at tumingin naman siya sa akin. Binulungan ko siya.
"Paano na 'to? 'di tayo nagpareserve." bulong ko sa kaniya.
Hindi sumagot si James pero ngumiti nalang siya.
"Yes sir, we do. James Dela Cruz, table for three." sagot ni James sa staff.
"Okay sir, I'll check if your on the list" sabi ng staff.
Ngumiti naman sj James sa staff pero medyo nainip nalang siya dahil medyo matagal na chineck ng staff ang listahan ng nakareserve baka kasi hindi nakalista sa reservation list ang pangalan niya.
"I'm very sorry sir, but your name's not on the list." sabi ng staff.
"Haaaaa! Paano na 'to? Saan na tayo kakain?" sigaw ko pero sa isip ko lang.
"Can you please double check it." marahan na sagot ni James.
"I'm sorry but your name's really not on the list. I've already check it twice, sir." sabi ng saff.
BINABASA MO ANG
Di ko Inakala
Fiksi Remaja(Credits to the owner of the photo) Ang kwentong ito y kathang-isip lamang. Ano mang magkakahawig o pagkakaugnay sa ibang kwento ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.