="Lauren, kapit ka lang sa amin"
"'Wag kang mawalalan ng pag-asa"
"Lauren! Lauren malapit na malapit na talaga tayo kunting tiis nalang"
"Lauren? Lauren!!!!"
Yan ang tangi kong narinig sa mga kaibigan ko araw na yun. 'Di ko alam kung bakit nila ito sinabi sa akin pero napapaisip ako kung bakit may mainit na likido na bumabagsak mula sa akin mga mata.
Pagkatapos bumagsak ng mga luha, biglang may liwanag na nagpakita sa akin at lumapit sa akin, 'di ko mapigilan ang sarili ko dahil sa kaakit-akit nitong sinag at nabigla ako dahil ang mga kaibigan ko kanina biglang nag-iyakan lalo.
'Di ko naman mawari ang dahilan ng kanilang pag-iyak dahil hindi naman masama pakiramdam ko. Nakakapaglakad at normal pa nga ang paghinga ko eh.
Biglang may isang tunog akong narinig na di ko maintindihan at bigla na lamang di ko namamalayan na wala na akong makita kundi kaliwanagan.
.
.
=
===
Third Person"Hay! Ano kayang gustong sabihin ng panaginip ko kagabi? Bakit kaya ganoon nalang palagi ang mga napapanagipan ko?" Pupungas-pungas pang sabi ni Lauren habang nakahiga at nakatulala.
Lumabas si Lauren sa kaniyang kwarto upang maghilamos at magsipilyo nang bigla niyang makita ang kaniyang ina na naghahain ng agahan dahil nakasanayan na ng kaniyang ina na magluto para sa kanilang dalawa, magmula noong iwan sila ng kaniyang ama.
Dumiritso ang dalaga sa may lababo para magsipilyo at maghilamos para makakain na agad sapagkat mahuhuli na naman ito sa kaniyang klase.
Pagkatapos mag-aayos ay agad naman itong nagtungo sa hapag para saluhan ang kaniyang ina.
Bago pa man maupo si Lauren ay tinignan muna niya ang kaniyang ina, inaalam niya kung ano ang iniisip ng kaniyang ina bago pa siya humingi ng permiso sapagkat nahihiya at naiilang siya na kasabay ito sa pagkain dahil madalas naman na siyang umaalis agad ang kaniyang ina pagsikat palang ng araw.
"Ma, mamayang gabi pala lalabas kami ng mga kaibigan ko. Kaya wag niyo na akong hihintaying umuwi baka mapuyat lang kayo. 'Wag kayong mag-alala kami-kami lang ng kaibigan ang nandoon. Susunduin ako nina James at John." Yun ang unang sinabi ni Lauren sa kaniyang ina na kanina pang naghihintay sa kaniya sa hapag-kainan
Tumango naman ang kaniyang ina, habang ito ay umiinom kaniyang kape, bilang pagtugon ng wala ng kung anu-ano pang tanong sa kaniyang anak na tila ba nawalan na ng pag-aalala sa kaniyang dalaga sapagkat baka kung sinu-sino ang mga nakakasama nito.
Di pa man nakakalahati ni Lauren ang kaniyang pagkain ay nagpasya na ito ng umalis dahil maliligo pa ito at kailangang maayos ang kaniyang mga gamit sa kaniyang pagpasok sa eskwela.
Pagkapasok ni Lauren sa cr ay agad nitong tinanggal ang kaniyang mga damit at pinihit ang shower, nabasa agad ang paa ni Lauren na naging dahilan sa pagsigaw nito dahil sa sobrang lamig ng tubig at unti unti ng nasanay si Lauren sa tubig dahil unti-unting nababawasan ang lamig nito at ginawa na niya ang kaniyang mga kailangan gawin sa pagligo, nagsabon, nagshampoo, at conditioner na rin.
Nasa shower parin siya ng bigla itong napatulala at napapaisip dahil naalala nito ang kaniyang panaginip kung saan nakita niya ang kaniyang sarili na walang buhay.
Dahil sa hindi malamang dahilan ay tumulong muli ang luha ng dalaga na nagbalik sa kaniyang katauhan at naalalang nakaOn pa pala ang shower at baka mahuli na ito sa klase.
Dali-dali namang nag-ayos si Lauren sapagkat mahirap ang sakayan tuwing umaga dahil marami siyang nakakasabayang mga kapwa estudyante sa ibang mga unibersidad at mga propesyonal na papasok sa kani-kanilang trabaho.
Paghinto ng isang taxi sa kaniyang harap ay may nakita siyang matandang ali na may mga dalang pinamili na sa kabigatan nito ay pinagpapawisan na ang matanda.
"Lola, mauna na po kayong sumakay" ang sabi ni Lauren sabay ngiti sa ali at pinagbuksan ito ng pinto. Nagpasalamat naman ang matanda at sinuklian ito ng ngiti kahit na halata rito ang kaniyang pagod sa bigat ng kaniyang mga pinamili.
Ilang minuto rin ang lumipas ng wala pang dumadaan na sasakyan, nainip si Lauren sa paghihintay at napaisip na hindi na ata dapat niya pinauna ang matanda ngunit napangiti nalang ito ng maisip muli niya ang ngiti ng matanda sa kaniya.
Makalipas ang ilang minuto ay may dumaan ng taxi at agad naman niya itong pinigil. Lumapit si Lauren at akmang bubuksan na ang pinto ng may makauna na magbukas ng pinto. Tinignan niya masama ang kamay ng nakasabay sa pagpigil sa taxi. Mula sa kamay ay dahan-dahang tumataas ang tingin ni Lauren ang kilay sa nakasabay at napansing babae pala ito at mukhang propesyonal. Nang makita niya ang kasabay ay nagulat si Lauren dahil nakita niya ang kaniyang Tita Jean.
"Oh tita, kayo po pala. Tara na po, sabay nalang po tayo." Sabi ni Lauren ng may unting hindi komportableng ngiti sa kaniyang mga labi.
Sumakay naman agad sila ng taxi at sinabi ang kani-kanilang destinasyon sa drayber. Habang nasa loob sila ng Taxi ay nag-uusap at nagkwekwentuhan sila. At biglang naitanong ni Tita Jean kung....
===
![](https://img.wattpad.com/cover/152852418-288-k770204.jpg)
BINABASA MO ANG
Di ko Inakala
Teen Fiction(Credits to the owner of the photo) Ang kwentong ito y kathang-isip lamang. Ano mang magkakahawig o pagkakaugnay sa ibang kwento ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.