CHAPTER IX

3 1 0
                                    

-
LAUREN

---
Pagpasok ko ay nakita ang isang malaking salamin. Dumiretso ako sa isang cubicle. Tinanggal ko sa pagkakabutones ang aking pantalon, binuksan ko ang zipper at tsaka ibinaba kasama ng aking underwear. Ilang sandali pa ay sumirit na ang mainit na likido mula sa aking masakit na pantog. Pinunasan ko ng wipes ang aking pagkababae mula sa lalagyan na katabi ng tissue roll. Nakaugalian ko na kasi iyon dahil sabi ng mga guro ko noon na dapat kapag umiihi tayo ay nililinisan natin ang ating ari para makaiwas tayo sa mga sakit katulad ng Urinary Tract Infection. Alam niyo naman na "Health is wealth". Tumayo na ako at itinaas ko na ang aking underwear at pantalon. Isinara ang aking zipper at ibinutones ang aking pantalon. Pinindot muna ang flush ng toilet bago lumabas. Kumuha ako ng ilang pirasong wipes. Lumabas na ako dumiretso sa may harap ng salamin. Ipinihit ko ang valve ng gripo. Unti-unting sumirit ang malamig na tubig mula sa gripo.

"Wooh!" ang mahina kong sigaw.

Di nagtumagal ay nasanay na ako sa tubig. Winasikan ko ng unti ang aking mukha. Ginamit kong pamunas ng aking mukha ang wipes na kinuha ko sa cubicle kanina. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at napansin ko na mas okay pala ang hitsura ko kapag medyo moist ang mukha ko pero hindi oily. Parang ang fresh ko. "HAHA. Overconfident na naman ang lola niyo". Dahil nasa mood ako ngayon, naisipan kong kumuha ng litrato sa harap ng salamin.

Inilabas ko ang aking cellphone at pindot ang camera. Una akong kumuha ng litrato ng nakaharap ako at ang camera sa salamin. Sumunod naman ay nakatalikod ako habang ang camera ay natutok parin sa salamin. Huli naman nakaharap sa akin ang camera samantalang nakatalikod ako sa salamin. Ewan ko ba kung bakit mahilig akong kumuha ng mga larawan lalo na kapag may salamin o kaya naman ay may bagong napuntahang lugar. Pagkatapos ung kumuha ng ilang litrato ay lumabas na ako ng cr.

Paglabas ko ng cr ay ay natanaw ko kaagad sina John at James na nag-uusap, seryoso ang mga mukha nila, tila may hindi sila sinasabi sa akin. Naglakad na ako patungo sa aming lamesa. Nakita ako ni James na papalapit na at ngumiti ito. Nahalata kong sinenyasan niya si John na papalapit na ako dahil sa mga mata niya. Hindi na ako nagdalawang isip pa at bumalik na ako aking kinauupuan kanina. Sa aming lamesa ay nakakabinggi ang katahimikan. Hindi na ako nagdalawang isip na basagin ang katahimikan at kinastigo ang dalawa.

"Ayos lang ba kayo?" pagtatanong ko.

"Oo naman. Bakit ano bang mayroon?" sagot ni James.

"Oo nga naman." pag sang-ayon ni John kay James.

"Naks naman. Ako pa talaga sa lahat ng tao ang plano niyong lokohin." sagot ko ng may kahalong mahinang tawa.

"Hindi ka naman namin niloloko." pagkakaila ni James.

"Bakit ka naman namin lolokohin?" dagdag pa ni John.

"Ewan ko ba sa inyo. Pero kung magsisikreto kayo sa akin, siguraduhin niyong 'di ko malalaman. Kasi pag nalaman ko na ako pala ang pinag-uusapan niyo. Humanda kayo!" sagot ko ng may kahalong pagdadabog.

"Opo nay. Alam po namin yun." sagot ni James ng may kahalong kalokohan.

"Ikain nalang natin 'to. Parating na rin yung order natin eh." dagdag pa ni John.

"Basta di ko kayo bati ngayon. Di ko na kayo friend." sagot ko ng may halong patataray.

"Talaga? Di mo na kami bati?" sagot ni James.

"Oo hindi ko na kayo friend." sagot ko.

"Ay, nagtatampo na yung bata." pang-aasar ni John.

"Sinong bata?" sagot ko sabay tawa.

"Wala po nay." pang-aasar ni James.

"Oh sige na mga anak. Kakain na tayo. Parating na ang mga order natin." sagot ko na sinakyan na ang kalokohan ni James.

Di ko InakalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon