-
LAUREN---
"Ano ba yang nasa kabilang table" "Ang ingay" "parang mga bata!" sabi ng mga nasa katabi naming table.Di na ako nabigla sa sinabi nila. Sawa na kami sa mga linyang yan. Sanay na sanay na kaming makarinig ng ganoong mga salita mula sa ibang tao na nakakasabay namin sa canteen, sa dyip at sa silid-aklatan. May mga pagkakataon pa nga na napagsasabihan na kami dahil sa pagtawa namin at sa ingay na din namin.
Tinignan ko sila bilang pagpapaalam sa kanila na narinig at alam ko ang mga sinabi nila. Ngumiti nalang ako sa kanila bilang tugon. Tumahan na kami sa pagtawa.
"Ops, tama na." sabi ko sa kanila.
Hindi umimik ang dalawa at pinipilit paring magpilit ng kanilang pagtawa.
Tinawag ko ang waiter para makapagbayad na kami at makaalis na dahil nahihiya na ako sa mga nasa kablang table. Itinaas ko ang aking kamay at suminyas ng parihaba. Lumipat sa table namin ang waiter, dala dala nito ang isang leather na parang wallet na pinaglalagyan ng bill.
"Here's your bill, ma'am." sabi ng waiter.
Ngumiti ako sa waiter bilang pagtugon. Tinignan ko ang bill ng order namin at tinignan din naman ito ni James at John."Okay." sabi ni John.
"Hati na tayong tatlo. Alam ko na yang binabalak mo John." sabi ko.
"Wag na. Hayaan niyo na minsan-minsan lang naman tayong tatlo kung lumabas. Ako na ang bahala ngayon." sagot John.
"May magagawa pa ba kami?" sabi ni James.
"Ahm, wala." sagot ni John.
Inilagay niya ang kanyang Card sa mag lalagyan ng bill. Tinawag niya ang isa sa mga staff ng resto, di ako sure kung isa sa mga ywaiter iyon kasi masyadong pormal ang hitsura nilang lahat kaya hindi mo makilala o matutukoy kung ano ang trabaho nila doon.
"Just swipe my card sir."sabi ni John.
"Okay sir. We'll call you for the signature and receipt." sagot ng waiter.
"Excuse me, sir. Is my order ready? And the bill sir. I'll the one paying the other one." sabi ko.
Naku! Nose bleed ako. Haha. Di ko kinaya. Mali ata ang english ko.
"Okay Ma'am." sagot ng staff at tumalikod na papunta sa kitchen.
"Kumusta pala John?" tanong ko
"Okay lang. Wala masyadong ginagawa. School-bahay lang ako" sagot ni John.
"School-bahay pala. Hahaha" sabi ni James.
"Oo, bakit? May problema ba doon?" depensa ni John.
"Hay naku John! Sa lahat kasi ng lolokohin mo, kami pa ang nalili mo!" sagot ko ng patawa.
Napangiti naman si James.
"Eh kayo? Kayo kumusta kayo?" pagtatanong ni John sapagkat wala na siyang maisagot.
"Oh ba't mo binabalik sa amin ang tanong?" sagot ni James.
Napangiti naman ako.
"Nasagot ko na kasi ang tanong niyo eh. Kaya kayo naman ang sumagot." sagot ni John.
"Ah Ako, okay lang ako. Ewan ko sa nalang sa kaniya. Palagi ngang minamadaling araw yan kung matulog eh." sagot ko.
"Wow! Coming from you talaga! Bakit mo alam na madaling araw na akong natutulog?" pagbabalik ni James sa akin ng tanong.
"Woooah! Mukhang may stalker ka ata John. Alam niya pati routine mo sa pagtulog!" sagot ni John.
"Hoy, FYI! for your information 10pm palang natutulog na ako. Nakita ko lang po sa social media na active ka pa ng madaling araw. Kung anu-ano pa kasi ipinopost mo. Siguro kung sinu-sino ang chinachat mo kaya kahit madaling araw na di ka parin tulog!" mataray kong sagot.
Lalong tumawa ang dalawa samantalang mataray parin ang hitsura ko. Natawa nalang din ako sa inasal.
"Hoy, FYI! For your information daw. Hahaha. Paulit ulit yun ah." pang-aasar ni John.
"Sorry po, tao lang po. Maganda lang po ako, hindi perfect!" muli kong mataray na sagot.
"Maganda ka pala? Salamat sa pagpapaalam sa amin na maganda ka ha. Ngayon alam ko na. Pero saang banda ba? Di namin makita eh." sagot ni James
"Lauren, oh! May sinasabi siya!" sabi ni John.
"Una, oo! Maganda ako. Pangalawa, walang anuman.
Mukhang huli ka na balita eh. At panghuli, sa buong sa katawan ko. Sa pagkatao ko. Pasensya ka na kung nakakabulag ang kagandahan ko." sagot ko."Wooaah! Anong rebat natin pre! Mukhang masyadong malakas ang kalaban natin eh. Eksperto na ata 'to sa mga sagutan eh." sabi ni John.
"Mukhang talo ata tayo ngayon ah." sabi ni James.
"Ano suko na kayo? Papaubaya na ba kayo?" sabi ko."Oo na. Panalo ka na." sagot ni James.
"HAHAHA! Sa susunod kasi pipiliin niyo kung sino ang kinakalaban niyo." sagot ko sabay dila sa kanila.
"Oo na. Wala naman kasi talagang pangit sa ating magkakaibigan eh." sagot ni James.
"Huh? Anong wala?" sagot ko.
"Huh? Sino?" sabi ni John na nadala ng pagtataka.
"Siya, di ba kaibigan natin siya." sagot sabay turo kay James at bitaw sa isang nakakalokong ngiti.
"Woooah! Mukhang may hindi magpapansinan ng isang linggo ha!" sabi ni John.
"Wow! Ikaw? Kumusta ka naman?" sagot ni James.
"Ah-ako? Okay lang, maganda parin." sagot ko.
"Oo nalang." sagot ni James.
"Ganyan, love mo talaga ako." sagot ko dahil pansin kong nagpaubaya ulit siya.
"Oo naman. Love mo din ako diba?" sagot ni James.
"Oo naman. Sa sobrang pagmamahal ko sayo, gusto ko na nga kitang kamutin gamit ang kitchen knife eh." sagot ko ng may halong kalokohan.
"Ay ganoon? Sayo nalang yang love mo. Dito nalang ako kay Fafa John." sagot ni James na halatang nagloloko.
"Umayos ka, nakakatakot ka na eh." tugon ni John sa inasal ni James na halatang natatawa din.
"Bleeeh! Akin lang kasi si Fafa John. Diba Fafa John love mo ako?" sabi ko ng puno ng kalokohan.
Tumahimik lang siya at hinayaan nalang ako na asarin siya. Halos 'di kami tumigil sa kakatawa noong gabing 'yon. Kung anu-ano ba naman kasing kalokohan ang naiisip naming tatlo. Pero madalas kaming dalawa ni James ang nangunguna sa kalokohan. Si John naman abalang-abala sa pagtawa dahil sa aming dalawa.
Dumating na ang order ko na para kay Mama at kasunod nito ibinigay narin ng isa sa mga staff ng resto ang bill ko. Mahigit isang libong piso din yung bill ko pero binayaran ko nalang ito at di na nagdalawang isip dahil para kay Mama naman at kaming dalawa lang din ang kakain kung sakali.
---
BINABASA MO ANG
Di ko Inakala
Подростковая литература(Credits to the owner of the photo) Ang kwentong ito y kathang-isip lamang. Ano mang magkakahawig o pagkakaugnay sa ibang kwento ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.