----"Papa, bili mo ako ng laruan. Yung maraming marami." sabi ng batang babae.
"Oo naman, nak. Ano ba laruan ang gusto mo?" sagot ng tatay.
"Papa, gusto ko yung barbie, luto-lutuan at yung fruits papa." sagot ng batang babae.
"Sige, ilan ba ang gusto mo?" sagot ng tatay sa bata.
"Papa, gusto ko yung maraming marami. Para marami akong toys." sagot ng batang babae na may kasamang ngiti sa kaniyang labi.
"Sige nak. Basta mag-aaral kang mabuti." sagot ng tatay.
"Opo papa. Tignan mo papa oh, may star ako galing kay teacher." paglalambing ng batang babae sa tatay niya.
"Talaga anak, sige bukas na bukas ibibili kita ng toys. Yung maraming marami." sabi ng tatay.
"Talaga papa?" pagtatanong ng batang babae.
"Oo naman anak." sagot ng tatay.
"Promise papa?" sabi ng batang babae
"Promise." sagot ng tatay.
Yinakap naman ng batang babae ang kaniyang tatay.
Unti-unting may tumulo ang luha sa mga nakapikit na mata ni Lauren. Mula sa kaniyang pagkakahiga ay bumangon ito ng magiising siya dahil sa may panyong dumampi sa kaniyang pisngi.
---
-
LAUREN---
Nakauwi na ako dahil hinatid na ako ni James sa aming bahay. Pinaalala ko na rin na susunduin niya ako mamaya para papayagan ako ni Mama na gumala. Medyo strikto din kasi si Mama pagdating sa mga lakad ko kailangan na kilala at alam niya kung sino ang mga kasama ko pati na rin ang pupuntahan namin. Ganoon talaga, Babae ako eh. Kailangan kong ingatan ang sarili ko."Ma, andito na ako."bukod ko sa aming bahay. Ngunit walang sumasagot sa akin. Pumunta ako sa kwarto ni Mama pero wala siya doon. Nagpunta rin ako sa kusina pero wala din siya doon. Tinignan ko din kjng nasa kwarto ko ba si Mama at katulad ng inaasahan ko wala rin siya doon. Nagtataka nga ako kasi hindi naman madalas na umuuwi si mama ng gabi, madalas nauuna pa siyang umuwi kaysa sa akin.
Di ko na hinintay si Mama na dumating at pumasok na ako sa kwarto ko. Wala naman kasi akong ibang balak gawin kundi ang mapahinga. Medyo masakit kasi ang ulo ko. Siguro dahil doon sa paghiga ko sa may open field o kaya naman dahil sa bag ko na ginawa kong patungan ng ulo ko sa paghiga ko o kaya naman dahil sa pag-iisip ko kung anong ibigsabihin ng panaginip ko at parang nung bata pa ako yun nangyari. Humiga na ako sa kama ko na di naman kalakihan at itinuloy ang tulog ko.
Sa kalaliman ng pagtulog ko ay nakarating na pala si Mama at nakahanda na ang lahat para sa hapunan. Pinili kung matulog kahit na alam ko na nakahanda na ang pagkain sa hapag pinahhahahndaan ko a rin kasi ang paglabas namin mamaya, ayaw ko naman kasing mukhang haggard mamaya lalo na minsan lang naman kaming tatlong lumabas na mgkakasama.
Nagising ako ng bandang 7:40, nag-alarm kasi ako para makapag-ayos pa ako ng isusuot at mga gagamitin ko. Una kong kinuha ang damit ko na pang-itaas, mga t-shirt at blouse. Sunod kong kinuha ang mga pantalon ko. Napag-isipan ko na t-shirt at jeans nalang ang isusuot ko tas dagdagan ko nalang ng unting accessories. Baka kasi naka-t-shirt lang yung dalawa tas ako naman itong nakaporma.
Kumain muna ako sa hapag at nakita ko na si Mama ay nandoon pa.
"Ma, anong oras na po kayo dumating?" pagtatanong ko
"Kanina pa ako nandito nung alas sais. Sumilip ako sa kwarto mo pero nakita ko na tulog ka kaya di na ako nagtagal." sagot ni Mama.
"Ah, ano po yung niluto niyo?" tanong ko kay Mama.
BINABASA MO ANG
Di ko Inakala
Подростковая литература(Credits to the owner of the photo) Ang kwentong ito y kathang-isip lamang. Ano mang magkakahawig o pagkakaugnay sa ibang kwento ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.