EPILOGUE

89 5 0
                                    

(A/N)

Kung nakarating ka dito, the best ka! :) Thank you, sobra sa pagtitiyaga mong basahin 'to:) maraming salamat talaga. Sana na-appreciate mo atsaka pasensya ka na kung hindi ako masyadong hasa sa pagsusulat. Alam ko may kulang at may sobra sa pagsusulat ko, hehe:) Pero tinapos mo pa din, thank you sayo! God bless! :)

P.S. Leave ka naman ng comment, please? Para ma-improve ko yung mga errors ko:) thank you! MUAH! :*

EPILOGUE

Nung teenager pa si Ellie, masasabi nyang nasa ‘average’ stage lang sya. Hindi engot at hindi rin naman sobrang talino. Hindi ‘loser’ pero hindi din sikat. Sakto lang, nasa average lang, katulad din ng karamihan. Pero never syang nasangkot sa kahit anong trouble, katunayan nga, kilala sya bilang sobrang bait.

Si Luther naman, matalino, top 3 sa buong year level nila. Pero hindi katulad ni Ellie, hindi sya sobrang bait, at minsan din syang napapa-trouble dulot na din ng barkada. Dahil mayaman ang pamilya nila, sikat sya. Kabilang sa barkada na namumuno at nangunguna sa school. Kumbaga, member sya ng F4, pero sa case ni Luther, F10 sila. Parang keyboard lang.

Akala nila, iikot lang sa mga katangian nila ang mamamana ng mga anak nila. Kaya hindi na sila nag-expect ng kahit anong iba. But they were wrong. Boy, they were so wrong.

Nagsimula nilang mapansin yun nang mag-16 years old na ang first born nilang si Bryce at nang magsimula na ito sa tenth grade. Namana nya kay Luther ang natural na pagiging matalino. Palabasa, at favorite nitong panoorin ang Discovey Channel at National Geographic. Pero laking gulat nila nang umuwi ito nang isang araw na may dalang baseball bat, at bigla na lang nagpapabili ng baseball gears. Wala kila Ellie at Luther ang ‘sports’. Wala silang alam na sports kundi ang mag-jogging. They have no idea kung saan makukuha ni Bryce ang interest sa Sports. Naisip na lang nila na baka influence yun ng mga kaibigan ni Bryce.

The same goes to their 14 year old daughter Laverne. Mahilig din itong magbasa, isang reason na din dun ang paglalagay nila Ellie at Luther ng mini-Library sa bahay nila. In fact, they just discovered na sikat palang writer ang anak nila sa isang fan fiction writing site. They saw with their own eyes via internet na umaabot ng libo-libong views ang mga sulat ni Laverne. Minsan pa nga, million pa. And of course, wala kila Ellie at Luther ang nangarap na maging writer, so that’s one characteristic na hindi nila ineexpect. Laverne is very bookish, period. Book-nerd, writer and nothing else.

Walang nakamana ng hilig sa painting ni Luther, lalo naman ang hilig sa pagluluto ni Ellie. So they therefore concluded na hindi porke’t sariling genes nila ang mga anak, ang lahat ay mamamana na ng mga ito.

Luther works for his brother in their company at home. Sya din ang nag-aasikaso kapag may business transactions na sa US gaganapin. Kapag wala naman syang ginagawa, he helps Ellie manage The Achievers’. Ngayon ay meron na din silang branch sa New York. And guess what, si Bernice ang hands-on sa branch na ‘yun. Jeremy and her got a job at a firm in Brooklyn. So part time nya ang bisitahin ang restaurant.

Faye, on the other hand, is enjoying her single life again. Daryl didn’t turn out to be the right guy for her. Too bad dahil friends pa naman sila ni Luther, at isa ito sa mga naging bridge sa love story nila ni Ellie.

Claire and Jason already have three kids. Clarize, Jackson and Cyndrei. In fact, uuwi sila Luther sa Pilipinas to attend Clarize’s debut. 15 years old pa lang kasi si Clarize, kinukulit na nya sila Ellie na hindi sila pwedeng mawala kapag nag-debut si Clarize. Jackson is 16 like Bryce. Habang si Cyndrei naman ay bata lang kay Laverne ng isang taon.

“Mom?” tawag ni Laverne kay Ellie habang nasa eroplano na sila pabalik ng Pilipinas. Tinaas pa nito ang eyeglass nya. “I just remembered, I forgot my books. Did you happen to keep some books at Dad’s flat?”

A Starbucks Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon