Side Stories: (Luther-Ellie Past Encounters)

89 2 0
                                    

(LUTHER) Arcade

4th year high school

Every Friday, 3PM lang ang dismissal nila Luther. Naging gawi na nila ng barkada nya na mag-arcade sila right after school sa mall na malapit sa school nila. Luther studies at an exclusive all-boys school, at katabi ng school nila ay isa namang exclusive all-girls school.

Bukod sa bonding time nila ng mga kaibigan nya ang Arcade, nakaka-meet sila ng mga girls na tinetyempuhan talaga ng barkada ni Luther. In fact, maraming crush si Luther na mga babae from the all-girls school. At dahil sa sikat ang barkada nila, marami ding babaeng nagkakagusto sa kanya.

But he wasn’t that interested in having a girlfriend yet. He entertains, but he doesn’t court. Para kasi sa kanya, mas ma-appeal ang enjoyin ang kabataan nya bago mag-seryoso sa isang relasyon. He wants to live young, wild and free hangga’t pwede pa.

So everytime na nasa Arcade na sila, diretso na agad sya sa Need For Speed. He’ll race cars as long as he want, hanggang sa mag-sawa sya.

“Sabi ko na nga ba at nandito ka e” sabi ng isang maputing babae na tumabi sa kanya. Si Eloisa. Sa totoo lang, dati pa nahahalata ni Luther na may gusto sa kanya si Eloisa. Tuwing maga-arcade kasi sila, nilalapitan sya nito at kinakausap. Then she’ll play beside him hanggang sa mainip na ito ng kakahintay sa kanya.

“Kamusta?” tanong nya dito. He really just want to be polite and make conversations. Kahit na alam naman nyang tuwing tatabi ito sa kanya, yun lagi ang sinasabi nya.

Eloisa seemed not to mind it, kasi lagi din sya nitong sinasagot ng parehong sagot. “Okay lang naman”

Then, maglalaro na ulit si Luther. Okay lang naman kung magco-counter question si Eloisa, kaya lang para kay Luther, mas okay na din yung hindi na nasusundan yung usapan nila. He’s more fascinated with the cars he’s driving than to talk to a girl na never nag-counter question.

Maya-maya pa, umalis na din si Eloisa. Just like always, hindi ito nagpapaalam sa kanya. He’s not that knowledgeable about girls but he just let it be. After all, hindi nya naman talaga alam ang gagawin.

After winning his nth race, he stretched his arms. Out of the corner of his eye, he saw a flash of a neon green color.

That caught his attention. It came from the running shoes of the girl who’s struggling so hard to shoot balls inside the ring. Kahit anong gawing hagis nung babae, dumadaplis at hindi nasho-shoot yung bola. Mukha na itong inis na inis kaya pinanood muna ni Luther.

After so many attempts, natapos na yung time. The girl stomped one foot in the floor and threw the ball she was still holding hard against the ring.

It hit her head that made Luther laugh silently. May lumapit naman na tatlo pang ibang babae dun sa girl at tinawanan din sya ng mga ito.

*Ping* the monitor chimed, indicating another race. So Luther, while smiling, went back to his game.

 ---

(ELLIE) Mini Stop

3rd year college

To say that she hates Math is an understatement. She always prefers to say that she loathes Math. Sagad hanggang sa inner core ng earth ang hatred ni Ellie sa Math kaya kahit anong gawin nyang pag-aaral dun, hindi nya talaga ma-gets.

Kung meron nga lang course na walang Math, siguradong yun na ang kinuha ni Ellie. Pero alam nya na kahit anong major ang puntahan nya, susundan at susundan sya nito.

“Bern? Hindi ko pa ‘rin gets” malungkot na sabi ni Ellie kay Bernice one time na pinuntahan sya nito para turuan sa Accounting. “Baka mawalan na ako ng Scholarship nito” maiyak-iyak pa nyang dagdag.

Tiningnan muna sya saglit ni Bernice kasi naaawa na ‘rin talaga ito sa kanya. “No, I think kulang din ako sa pagtuturo e. You know what? May kakilala akong magaling magturo ng Math. Naging classmate ko sya dati sa Advanced Statistics. Do you want to try?”

Nag-hesitate saglit si Ellie. Si Bernice lang kasi talaga ang pag-asa nya dahil Engineering ang course nito at maraming mathematical subject na tine-take. “Baka naman nakakahiya?”

“Girl, desperate situations calls for desperate moves. Ah basta, itetext ko na sya para maturuan ka nya”

--

The next day, dumiretso agad si Ellie ng Mini Stop dala-dala ang lahat ng materials nya sa Accounting. Sabi kasi ni Bernice, dun nya pinapunta yung magtuturo kay Ellie.

“Hi, are you Lyndon?” tanong ni Ellie dun sa lalaki na nag-iisa. Sabi din kasi ni Bernice, Lyndon ang pangalan nito.

Tumango yung lalaki kaya nakipag-kilala na si Ellie. “I’m Ellie, thank you talaga ha, pumayag ka na i-tutor ako”

“Okay lang, nagtu-tutor naman talaga ako”

So the tutor session began. Tama nga si Bernice, sa isip-isip ni Ellie. Magaling nga magturo si Lyndon dahil madali na nyang ma-gets yung mga equation. Marami ding alam na mga shortcut techniques si Lyndon kaya mas nadalian na si Ellie intindihin.

Meanwhile, Luther is already dating his first girlfriend Dayann that time. Mayroon itong photo-shoot malapit sa school nila Ellie at ihahatid ni Luther ang girlfriend.

“Can we stop by somewhere? I need to pee” sabi sa kanya ni Dayann while they were driving to go to the photo-shoot place. Sakto naman na may dadaanan silang Gas Station kaya lumiko na dun si Luther.

“Bili lang ako dun sa may Mini Stop” paalam ni Luther then they parted ways paglabas nila ng kotse.

The tutor session, in the other hand, ay natapos na. Masaya na si Ellie kasi na-gets na nya at feeling nya, hindi lang pasang-awa ang magiging grade nya.

“Wait, I’ll buy you lunch. Ano bang gusto mo?” tanong nya kay Lyndon.

“Naku, wag na okay lang—“

“I insist! Sasakalin ako ni Bernice kapag nalaman nyang wala man lang ako binigay sayo. Wait here, I’ll just buy you some” so umorder si Ellie ng Fried Chicken with Rice at Kariman sa may counter. Pina-init din nya ito para makakain ng mabuti si Lyndon.

Nung tapos ng iinit yung fried chicken, tinawag na si Ellie nung cashier. May kasabay pa syang pumunta sa counter na lalaking may hawak ng dalawang mineral water at isang malaking oreo.

Napansin agad ni Ellie yung lalaki kasi naka-suot ito ng favorite nyang color: orange. Hindi nya masabi kung gwapo ang lalaki kasi naka-aviator shades ito na blue at natatakpan ang mata. Hindi naman sya nito napansin dahil may kausap ito sa telepono.

“Miss, eto na po yung order nyo” sabi sa kanya nung cashier. So she got her order and went back to Lyndon.

“Good morning Sir, welcome to Mini Stop” dinig pa nyang bati nung cashier dun sa lalaki.

A Starbucks Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon