CHAPTER 2 (Part 2)

72 5 0
                                    


Sa kabilang banda naman.

Nakasimangot na bumaba ng kotse si Ellese.

"Ano nanaman ba to Wyn, you don't even consult me about this. Nagdesisyon ka nanaman ng mag-isa." Galit na sabi nito

"Di ba matagal ko ng sinabi to sayo. Ang parati mo lang sinasabi bahala ako."

"Oo sinabi ko yun, pero hindi mo sinabing Kasama ako."

"Syempre understood na yun. Kung nasan ako dapat nadun ka rin. Di ba para may forever tayo." Ngiting sabi nito.

"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Ang corny mo." Irap nito sakanya.

"Dapat masanay ka na. Kasi ako rin ang mapapangasawa mo kaya parating itong guwapong mukha ang makikita mo." At nilapit pa nito ang mukha sa mukha ni Ellesse.

"Ew.. dun ka nga! In your dreams." Sabay layo nito sakanya.

"Kahit hindi na ako mananaginip. Kasi alam ko namang magkakatotoo yun.. tara na hinihintay na tayo nila tita." Sabay kuha ng kamay ni elesse at hinila na nito papasok ng building.

👑👑👑👑👑

"Graveh, Jhoanne kinakabahan ako. Ganito pala ang feeling" tinignan lamang ni jhoanne ang kaibigan/cousin. As if naman nakikitaan niya ng kaba ang kaibigan. Alam naman nito na marami na itong nasalihang contest. Pero sa kabilang banda siya talaga ang kinakabahan. Sinama kasi siya ng kaibigan hindi niya alam na nagparegister na ito at idinawit siya. Hindi naman niya magawang magalit sa kaibigan dahil malaki ang utang na loob niya rito. Wala rin namang mawawala kahit hindi siya makuha dito sa programang ito.

"Jhoanne, nakikinig ka ba?" Nabigla siya ng tapikin siya ng pinsan.

"Huh, Ano yun? May sinasabi ka ba?"

"Hay naku hindi ka nanaman nakikinig couz. Sabi ko maganda dito. At balita ko maraming sikat na mag-aaudition dito. Kaya lalong nakakaba kasi mahigpit rin yung mga makakalaban natin." Nag-aalalang sabi nito.

"Wag ka ngang kabahan, papareho tayong mag aaudition dito kaya pantay-pantay lang tayo. At hindi naman basehan dito kung sikat. ang importante may mga talent kang ipapakita para hindi ka nakakahiya."

" sabagay may point ka couz. Dahil diyan medyo kumalma ako. At hindi naman sila siguro magiging bias dito. Dapat tayong dalawa ang makuha dito."

"Ano ka ba ,kahit ikaw na lang ang makuha dito. Susuportahan kita palagi."

"Hindi, maganda kung tayong dalawa ang makuha." Hindi na lamang siya umimik sa sinabi ng kaibigan dahil alam niya sa sarili niyang hindi siya mamakuha talaga.

Tumingin na lang siya sa malaking screen ng tv na nahati sa dalawa parang nasa sinehan sila pati na ang mga upuan rin. Makikita ang mga nag-aaudition sa loob ng isang malaking hall at ang mga judge. Magkaiba ang audition ng boys at girls. May dalawang kwarto ito, makikita pareho ang mga nag-aaudition .

Mag kaiba rin ang mga judges ng mga boys may 4 na nagwagwapuhang lalaki at hindi lang sila basta-basta judge dahil kilala itong mga ito sikat sila na group band. Kung titignan, mabait silang pero kapag nag salita na sila about sa performance ng tao sasabihin nila kahit masama pa ito. Ganun rin sa babae apat rin na naggagandahan na hindi rin basta-basta.

They are well-known not just in this country. Makikita sa mga mukha nito na pinipili talaga nila ang sa tingin nila ay may potential at gagawin kung ano man ang sinabi nila. Sabi nga nung isa sa mga judge dito habang nanunood siya ng audition ng mga kalahok "If you can't handle it, leave."

Kaya bigla siyang kinabahan paano kapag may hindi nagustuhan ng judges na audition ko at mapahiya ako. Nakakahiya naman yun hindi lang sa sarili mo kundi na rin sa iba dahil ipapalabas pala itong programang ito. Sabi niya sa isip-isip niya at makikitang istrikto sila kesa sa mga lalaking judges.

Nang matapos ang audition ng isa pinatay na agad ang tv kaya hindi niya na nakita pa ang mga nangyari sa loob. Pero alam niya na wala ng pag-asang mapili yung nag-audition dun kanina.

"Uy, nandito si Eraizha. Mag-aaudition ata siya for sure makukuha na siya." Tinignan ni jhoanne ang mga pinagbubulungan ng mga babaeng ito at nakita niya ang isang dalagang nasa isang gilid may nakasalpak rito na earphone at naghuhum pa ito halatang nag-eenjoy sa pinakikinggan.'Another famous again, sana hindi pafamous lang' sabi nito sa isip. Pero hindi gaya ng mga nakikita niyang sikat na nagpapansin agad makikita mo rito na wala siyang pakialam kasi kung magpapasikat rin ito tulad ng ibang nasa gitna rin ito nakaupo o kaya sa harap yung madali itong mapansin ng tao rito.

"128, get ready. Susunod ka na, in 20 mins. Magbrebreak muna ang mga judges." Sabi ng announcer nila at nagmadaling umalis. Hinanap naman niya kung sino ang no. 128 dahil walang nagsasalita ni isa sakanila at dun niya nakita ang isang lalaking nakayuko or natutulog ata na nasa likuran lang ni Eraizha. Hindi ata nito narinig ang sinabi kanina dahil hindi pa rin ito gumagalaw sa kinauupuan niya. Ang iba naman walang paki sa kung sino yung tinawag.

"Di ba si Maze yun, tara lapitan natin. Papicture tayo sakanya." Napairap nanaman siya sa rinig ng mga babae. Hindi ba sila nauubusan dito ng kakilala ang dami nilang napapansin hindi naman sila pinapansin sabi nanaman nito sa sarili niya. Muli siyang tumingin sa screen upang manuod na lang ng nag-aaudition na boys dahil yung sa babae hindi pa nag-umpisa at na unang nagbreak ang mga babaeng judges keysa mga lalaki.

Natuwa naman halos ang karamihan sa kanila dahil may free lunch rin sila. Kaya hindi nagsisi ang iba na nagpunta rito.

👑👑👑👑👑

Nakasaksak parin ang earphone sa teynga niya pero wala na itong ipinapatugtog na musika. Trip lamang niya kumbaga na isaksak para malaman niya baka may mga nagsasalita na pala sakanya ng masama o kaya naman ay may kumausap sakanya hindi niya kayang makipagplastikan sa iba.

"No. 128 ikaw na ang susunod." Hinahanap ng announcer kung sino ang tatayo at na padako ito ng tingin kay Eraizha kaya nagtaka ang dalaga ng mapadako sa kanya ang tingin hindi lang ang nag-announce pati na rin sa mga iba pang kalahok dun. Sa isip-isip ng dalaga alam kung hindi ako ang tinutukoy pero bakit sila dito nakatingin?

Nalinawan lang siya ng biglang may na alog sa likuran at dun niya nakita na may tumayong lalaki sa likuran niya at lumapit sa annoucer hindi niya na ito nakita ng malapitan but the way he walk. He has a haughty appearance.. Tahimik lamang ang mga nandun habang nakatingin sila sa lalaking paalis na at pupunta ng room B.

Ilang sandali pa ay nakita na nila ang lalaki ng malapitan. Dahil ba naman sa tv nilang malaki kaya nagmukha tuloy itong nakazoom. Makikita sa mukha nitong seryoso habang ininterview ng pa mga judge. Marami tuloy bulungan. ' paano daw yan magiging isang idol kung hindi ngumiti akala mo pati yun kailangang bayaran'.

May iba naman na nagsasabi 'gwapo nga mukhang arogante naman' ang naman natutuwa dahil cool daw.

Maya-maya pa tumahik na lahat dahil nakatingin na lamang sila sa lalaking nasa screen wala na rin silang pakialam sa kabilang screen na nag-aaudition rin. May mga sinasabi ang judges na sinasagot naman nito ng tama. Pero wala paring ka reaction ang mukha nito.

Maya-maya palang nag-umpisa na ang tugtug, halatang hinihintay ng lahat kung magiging kahihiyan ba siya. Pero na gulat ang lahat ng kumanta na ito. Halatang kilig na kilig ang mga babae sa labas ng hall. Feeling nila hinaharanaan sila ng lalaking nag-aaudition. Si Eraizha naman napangiti ng walang dahilan. Siguro dahil sa paghanga ito sabi niya sa isip at hindi mo talaga malalaiit ang lalaking kumakanta ngayon sa screen.

Sa tingin niya ay makukuha ito dahil hindi lang ito magaling kumanta alam niyang may iba pa itong talent dahil na rin sa sinabi ng judge kung ano ang kaya niyang gawin pero napili nilang pakantahin ito. Napatunayan nga nila na magaling talaga ito. Pagkatapos nitong kumanta na alam na alam niya. Can I be him ni James Arthur. Nagpalapakan ang mga nanuod sakanya. Pati ang mga judge ay mukhang natuwa rin sa ipinakita nito. May ilang ikinoment pa rito at nahalata rin ng judges ang pagiging seryoso nito sa camera at hindi ngumingiti ni isang beses. Yun lamang ang pinuna sakanya at wala ng iba.

BATTLE FOR THE FAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon